Alice's POV
Nandito ako ngayon sa harap ng building ni Risa.
Hindi man ipinahayag nina dad at Tito Liam sa publiko ang tungkol sa paghihiwalay namin ni Risa, parang wala rin namang silbi. Dahil sa mata ng lahat, si Shiela pa rin ang kinikilalang asawa ni Risa—hindi ako. Ni minsan, hindi siya nagsalita, hindi niya nilinaw na ako talaga ang asawa niya.
Napakabigat sa dibdib. Ako ang legal na asawa. Samantalang ang kapatid ko na ngayon—siya ang pinupuri ng lahat bilang “misis ni Risa.”
Huminga ako ng malalim bago lumapit sa sekretarya niya.
“Si Mrs. Hontiveros, nandyan ba?” tanong ko kay Lisa.
“Opo, Ma’am. Tawagan ko lang po.” Tumipa siya sa telepono.
“Ma’am, someone’s looking for you po,” bati niya sa linya.
“Who?” rinig kong tanong ni Risa.
“Alice,” mahinahon kong sagot.
“Si Ms. Alice daw po.”
Ibinaba ni Risa agad ang tawag. Ilang segundo lang, bumukas ang pinto ng opisina niya at lumabas siya. Diretso ang tingin sa akin.
Himala at hindi na niya ako tinanong ng “Which Alice?” gaya ng dati.
“Baby—Alice. What are you doing here? Please, come in.” Hawak niya ang likod ko habang ginagabayan ako papasok.
Pagkasara niya ng pinto, agad siyang lumapit sa braso kong may band-aid. Hinaplos niya ito. Tapos tumingin siya sa pisngi kong may daplis ng sugat.
“What happened?” Tanong niya sa napakalamig na boses.
Inalis ko ang kamay niya. Umupo ako sa couch at nag crossarm.
“Never mind these. Nandito ako kasi gusto ni Dad na tulungan kita sa kumpanya.”
Tahimik siya. Pinagmasdan lang niya ako. Naiwas ako ng tingin. Nakakainis ang titig niya. Parang binubura lahat ng pinipilit kong itago.
“Did Almira do that?” ulit, malamig at matalim niyang tanong sa akin.
“Nabitawan ko lang yung baso kagabi, nadulas ako. Kaya nadaplisan ako ng bubog.”
Bigla siyang tumayo at naglakad palabas.
“Risa. Where are you going!?” sigaw ko habang sinusundan siya.
“I’m going to kill that bastard!” galit niyang sagot habang padiretso na sa labas.
“Ma’am, you have a meeting—”
“Cancel it.” Seryoso niyang sabi sa sekretarya.
Habang siya ay nagmamadaling lumakad, ako naman ay habol nang habol. Ayoko nang gawin itong eksena pero parang wala na akong pakialam.
Pagdating sa basement, sumakay agad siya sa kotse. Pero bago pa siya makaabante, tumayo ako sa harap ng sasakyan.
“Risa, stop! Ano ba! Bumaba ka nga diyan!” sigaw ko habang nasa gitna ako ng headlights niya.
“Alice, move!” sigaw niya rin, punong-puno ng galit.
Tumakbo ako sa passenger seat, sumakay. Lalo pang tumigas ang panga niya. Nakakatakot siyang tingnan sa sobrang galit.
“Alice, get out.” Mahina pero mariing utos niya.
“Risa, bumalik na tayo. Please…”
Hindi siya sumagot. Imbes, pinaandar niya ang kotse.
“I SAID GET THE FUCK OUT!!!”
Napaatras ako sa gulat. Nagsisigaw na talaga siya. Hindi ko na napigilan.
Umiyak ako.
Malakas. Puno ng sakit, sama ng loob, at... takot.
Bigla siyang huminto. Napalingon siya agad sa akin. Halata ang panic sa mukha niya.
“Shi—baby, stop. Shhh… I’m sorry. Stop crying…” Hinaplos niya ang pisngi ko, pinunasan ang luha ko ng hintuturo niya.
“I told you to stop, didn’t I?” sabi ko, galit na.
"Oo na, titigil na ako okay? So please stop crying."
"I want double dutch ice cream —" agad na lumabas iyon sa bibig ko. Lumaki ang mata ko dahil sa sinabi.
Fuck... at ngayon pa talaga nag c-crave si baby!
"I - i mean... I'll stop crying if you buys me ice cream." Kita ko naman na agad itong umagree. Aba dapat lang! Punyeta niya. Pinaiyak pa ako.
"Saan mo ba gustong bumili?" Tanong niya sakin at pinaandar ulit ang sasakyan.
"I don't want to come with you. I just want you to buy it for me."
"Huh?" Takang tanong niya.
"I just want to stay at your office. I don't want to go out."
"O-okay. Ako na lang bibili." Sabi nito sabay naka ngiti.
I can feel that she's waiting for me to get out of the car. Pero hindi ko ginawa.
Gusto ko siyang samahan niya ako pabalik sa opisina niya o kahit ihatid man lang ako. Nakakainis. Ramdam ko na nadidismaya ako kapag hindi nasusunod ang gusto ko. Hindi naman ako ganito dati. Alam kong kasalanan 'to ni baby—pero wala akong magagawa. Kasi kapag hindi nasunod ang gusto ko, sumasama ang loob ko... at pati si baby, nadadamay.
"Hey did i do something wrong?" Worried niyang tanong at pinaharap niya ako sakanya.
Risas POV
Hindi ko alam kung bakit ganito ang ikinikilos ni Alice. Nakakapagtaka talaga. Hindi ganito ang Alice na kilala ko noon. Ang Alice na kilala ko—matapang, palaban, laging matigas ang loob. Pero ngayon... para siyang baso. Maliit lang na galaw, kaunting pagkakamali—mababasag na agad.
“Halika na, ihahatid na kita sa taas,” sabi ko habang bumaba ng sasakyan at binuksan ang pinto sa kanan kung saan siya nakaupo.
“Okayyy!” masaya niyang sagot, halos parang bata.
Naguguluhan na ako. Kanina lang, halos mabaliw siya sa pag-iyak. Ngayon naman, parang wala lang, sobrang saya pa. Ano bang binabalak niya?
“I’ll be back real quick, okay? Dito ka lang muna. Double Dutch lang ba na flavor?” tanong ko habang nakatingin sa kaniya.
Masigla siyang tumango, ngiting-ngiti pa. Napangiti na rin ako nang hindi ko namamalayan.
Makalipas ang sampung minuto, bumalik na ako sa office. Pero pagkabukas ko ng pinto, wala si Alice sa sala. Bigla akong kinabahan. Agad kong tinungo ang bedroom sa loob ng opisina. Doon, saka lang ako nakahinga nang maluwag.
Nandoon siya. Mahimbing na natutulog sa kama. Tahimik. Payapa.
Totoo nga siguro na may mga sandaling gusto mo lang siyang titigan. Anghel. Wala akong masabi. Ang ganda-ganda niya kahit tulog. Para siyang hindi totoo.
Tangina... Bakit ko ba siya pinakawalan?
Apat na oras ang lumipas. Abala ako sa laptop ko at sa mga papel na sinusubukang tapusin ang reports na naipon sa mesa. Bigla akong napatigil.
Lumabas si Alice mula sa kwarto, kinukusot ang mata niya. Ang buhok niya magulo—halatang bagong gising. Gusot din ang damit. Pero sa lahat ng iyon, isang salita lang ang pumasok sa isip ko: perpekto.
“Nasaan na yung ice cream ko?” tanong niya sabay haplos sa tiyan niya.
God. Napaka-cute niya. Parang gusto ko na lang siyang alagaan habang buhay.
Agad akong napatayo at kumuha ng ice cream sa ref. Pagkabalik ko, iniabot ko iyon sa kaniya na may kasamang ngiti.
Pero halos kasunod noon—
Tinakpan niya ang kaniyang ilong at umurong ng dalawang hakbang palayo sa akin.
“Risa! Ang baho!”

BINABASA MO ANG
The Arranged Marriage (Guontiveros)
Fanfiction"Alice, kailangan nating mag-usap." sabi niya matapos ang ilang minutong katahimikan. Hindi ko alam kung paano ang apat na salitang ito ay kayang sirain ang buhay at pangarap ng isang tao-hanggang ngayon. Tahimik akong tumango, hudyat na magpatuloy...