CHAPTER 10

8.1K 550 327
                                        


-


Sa isang magarang restaurant kung saan masayang nagsasalo ang pamilya, may isang babaeng tahimik lang— tila wala sa sarili at malayo ang iniisip.



“Anak, ikakasal na lang kayo ni Eunice, ngayon mo pa lang siya ipakikilala sa amin?” Tanong ng ina ni Fleur at may halong pagtataka.



Nasamid si Rhea at agad napatingin sa kanyang kapatid. “Ha? Ikakasal ka? Seryoso? K-Kay Eunice?” Gulat na tanong niya kasunod ang pag kunot ng noo.



“Why, ate? Anong masama kay ate Eunice? She's sweet and very thoughtful.” Pagtatanggol ni Lilith kay Eunice sa ate niya.



Habang nagpapalitan ng salita ang tatlo, bigla na lang ibinaba ni Fleur ang kanyang hawak na kutsara’t tinidor. Kumuha siya ng napkin at marahang pinunasan ang labi bago marahang nagsalita.



“I’m cancelling my marriage.” Walang emosyon pero matigas ang pagkakasabi dahilan para mapatigil ang lahat.



“Oh by the way…” dagdag niya, sabay tingin kay Rhea, “Are you sure you don’t know the Bea I’m talking about?”



“Ha? No? Maraming Bea sa mundo.” Pilit na sagot ni Rhea kahit alam niyang ang kaibigan niya ang tinutukoy ng kapatid.



“Anak, bakit mo biglang gustong e-cancel ang kasal ninyo ni Eunice?” Tanong ng kanilang ina, halatang gulat. “Akala ko ba siya na ang gusto mo—”



“Did I ever say she’s the one I want to spend forever with? Must’ve missed that part.” Putol ni Fleur, malamig ang boses. “I’m done with her. Sooner or later, I’ll introduce you to the one I’ve truly chosen to spend the rest of my life with.”



Nagkatinginan si Rhea at ang kanilang ina, pero hindi na muling nagsalita si Fleur. Habang tahimik na kumakain si Fleur, palihim siyang sinisipat ni Rhea.



“Kung hindi si Eunice… may iba ka na bang gusto?” Tanong ng kanyang ina, pilit pa ring inuunawa ang anak.



Muling tumigil si Fleur sa pagkain, pero ngayon ay mas banayad ang pagkilos niya. Umiling ito ng marahan saka tumingin sa kanila.



“Let’s just say… I don’t want to settle for someone na hindi ko gusto,” sagot niya.


“Oh my gosh! Ate! Hindi mo gusto pero naging kayo ng ilang taon?!” Bulalas ni Lilith dahil sa gulat.



Bumuntong hininga ang ina nila. “Baka naman kasi… confused ka lang? Alam mo, minsan—”



“Ma,” putol ni Fleur, “I know what I want. And I also know what I don’t want. That’s enough reason para hindi ko ituloy ang kasal, right?”



Magsasalita pa sana ang kanilang ina nang biglang tumunog muli ang phone ni Fleur. Napatingin siya rito at agad na tumayo mula sa mesa.



“Excuse me,” aniya bago mabilis na lumabas ng restaurant. Pagkalabas ay sinagot niya ang tawag. “Yes?”



“M-Ma’am…” hingal na boses ang sumalubong sa kanya sa kabilang linya.



Napakunot ang noo ni Fleur. “What’s wrong?”



“K-Kanina pa po namin kayo tinatawagan pero hindi kayo sumasagot… m-may malaki tayong problema,” ani ng lalaki, halatang balisa.



“Just say it. I don’t have time for drama.” Malamig na sagot ni Fleur.



ᴘᴏʟʏᴀᴍᴏʀʏ (𝚂𝚂) : 𝚃𝙷𝚁𝙴𝙴 ᴡɪᴠᴇꜱ | 𝙱𝙴𝙰 𝚆𝙸𝙽𝚃𝙴𝚁𝚂𝙾𝙽Where stories live. Discover now