Chapter 33

1.5K 126 105
                                        

Alice's POV

Pagkauwi namin ni Almira sa condo, parang may kung anong kumakatok sa puso ko—isang kaba, isang kutob. Hindi ako mapakali. Agad akong dumiretso sa drawer ng mga alahas ko. Isa-isa kong binuksan ang mga kahon, mga lalagyan, mga supot. Pero wala. Wala roon ang hinahanap ko.

Pawisan ang palad ko nang tumayo ako. Tumakbo ako sa banyo, hinanap sa ibabaw ng sink, sa ilalim ng cabinet. Wala. Lumingon ako sa kama, sinilip sa ilalim. Kusina, sala, kahit sa loob ng mga sapatos ko—pero hindi ko pa rin mahanap.

Ang kwintas… bigay iyon ni Risa. At nangako ako na hindi ko iyon tatanggalin kaya palagi ko iyong suot. Hindi ko iyon tinapon. Wala akong dahilan para itapon iyon—kahit pa si Almira na ang kasama ko ngayon. Kaya bakit… bakit wala na ito?

“Babe, what are you looking for?” tanong ni Almira. Nakangiti siya—pero may kung anong kakaiba sa ngiti niyang ‘yon. Pilit at mababaw.

Saglit akong natigilan. Sasabihin ko ba? Baka masaktan lang siya. Pero kami lang naman ang nakatira rito. Posibleng siya ang nakakita.

“Uhmm… may nakita ka bang kwintas dito? Hugis puso… may snowflakes…” tanong ko nang dahan-dahan, pilit na hindi nanginginig ang boses ko.

Agad nagbago ang mukha niya. Parang sinampal ng malamig na hangin. Na wala ang ngiti niya na parang sinipsip ng hangin ang init sa paligid.

“Wala eh…” mahinang sagot niya.

“Tulungan na lang kitang maghanap.”

Pero habang nakikita ko siyang maghanap, may kung anong bumabagabag sa akin. Hindi siya ganito noon. May mali. May bigat sa bawat kilos niya. Parang may sinisigaw ang mga mata niya na pilit niyang kinikimkim.

Matapos ang halos isang oras, wala pa rin. Nakatayo ako sa pader malapit sa sofa, at tinignan ang paligid.

“Napaka-importante naman ng kwintas na ‘yon ah. Kanino ba galing?” casual niyang tanong sabay inom ng tubig.

“Y-you know who,” mahinang sagot ko. Hindi ko siya kayang tingnan sa mata.

Biglang bumasag ang baso sa pader—malapit sa mukha ko. Napatalikod ako. Daplisan ng bubog ang braso at pisngi ko. Mainit ang kirot. Mabilis ang pintig ng puso ko.

Hindi ako makapaniwala.

Si Almira… si Almira ang nagbato. Nakatingin siya sa akin ngayon—matatalim ang mga mata, madilim ang mukha. Parang hindi siya. Hindi ito ang Almira na kilala ko.

Nanginig ang tuhod ko. Nanatili akong nakatayo pero halos bumagsak na ang loob ko. Ang lahat ng tiwala, ang lahat ng pag-unawa—parang biglang natunaw sa isang iglap.

Tumulo ang luha ko. Hanggang sa hindi ko na napigilan. Humagulgol ako. Wala akong pakialam kahit pa naririnig niya. Nasaktan ako—hindi lang sa balat, kundi sa puso.

Lumapit siya. Ni niyapos ako ng mahigpit.

“W-why did you do that, Mira?” garalgal kong tanong. Takot na takot ako. Hindi lang dahil sa ginawa niya, kundi dahil ngayon ko lang nakita ang madilim niyang anyo.

“I-I'm sorry, babe. I didn't mean to… I just got jealous…” bulong niya, parang batang nagsisisi.

Pero hindi iyon sapat. Hindi sapat ang sorry sa galit, sa takot, sa sugat.

Mas lalo akong umiyak, humikbi ng walang tigil. Ramdam ko ang init ng mga luha kong tumutulo sa dibdib niya.

“Shhh… please babe, stop crying… I’m sorry. Promise, hindi ko na uulitin. I love you… sobra…” Hinagkan niya ang noo ko habang nanginginig pa rin siya.

The Arranged Marriage (Guontiveros)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon