Ch. 7: Courtship -In Nathe's way

496 13 0


Nathaniel Herrera


Hindi ko alam kung maswerte ba ako o malakas lang talaga ako kay Caile dahil hindi nakarating sa prefect's office ang nangyari sa'min ng voodoo girl na 'yon.


Move on, that was two days ago. 


Pero hindi eh, hindi ako makakamove on hanggang hindi ako nakakaganti.


Nagasgasan niya ang mukha ko at totoong nabukulan niya 'ko, tapos hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung anong reason niya at siguradong makakalbo ko na talaga siya kung sakaling malaman ko pa 'yon.


Kailangan ko ng cupcake, 'yung katulad ng naabutan ko sa desk ko nang nakaraang araw.


O hindi kaya kailangan ko si Rainbow. Para gumanda naman ang araw ko.


Tama!


Tumayo ako at ngiting ngiting naglakad palabas, pero hindi pa man ako nakakalampas sa row namin eh pinigilan na ako ni Caile.


"Saan ka pupunta?"


"Kay Rainbow lang, prend."


"Manhid o tanga? Hindi mo ba napansing iniiwasan ka na ni Almeda?"


Nagblack and white ang rainbow sa isip ko. Ang puting anghel ay parang nangitim.


Naglapitan sina Milliano, Josh at Nikko.


"Talaga, Caile?"

"Bakit daw?"

"Paano mo nalaman?"


"Bakit ngayon lang niya ginawa?" hirit pa ni Josh kaya binatukan ko siya. "Aray."


"Nakarating 'yong away niyo kay Almeda. Nakaringgan kong iiwasan nalang kayo ng bahagharing 'yon para hindi na maulit ang nangyari noong nakaraan."


"Bakit ngayon lang naisip ni bahaghari 'yan? Isang taon na siyang nilalandi nitong dalawang higad pero siya nagpapalandi pa. Kalandian talaga oh." isa pa uling hirit ni Josh. Hinarap ko na siya this time.


"Josh, mamili ka lang kung tatahimik ka o gagawin ko sa'yo 'yung ginawa ko kay Ishii noong nakaraan. Sabihin mo lang, kaibigan mo ako kaya madali akong kausap." nginitian ko siya pero matalim ang tingin ko sa kanya. Napangiwi siya.


"'To naman ang seryoso. Chill. Wala ka namang magagawa kung sakaling iiwasan ka ni Rainbow eh. Pakonswelo nalang na iiwasan din niya 'yong girl version mo."


"Tsk!"


Sa asar ko ay iniwan ko na sila doon. Kung minsan gusto kong humanap nalang ng 'plastic' na kaibigan at ipagpalit sila doon. Sa 'plastic' kasing kaibigan puro magaganda at positibo ang ilalabas ng bunganga nila kapag kaharap mo sila at nagshare ka ng problema mo.

He's Mine [Completed]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!