Chapter 32

1K 136 235
                                        

Risa's POV

Pagkatapos ng talumpati ng founder ng Little Hopes, bigla akong tinawag.

"The most expensive jewelry has been purchased by one of the most active person when it comes to charity! The one and only... Risa Hontiveros!"

Napahigpit ang hawak ko sa baso ko. Putangina. Hindi ako handa. HINDI AKO HANDA.

Tumanggi akong umakyat sa entablado, pilit kong itinago ang sarili ko sa sulok. Ngunit may lumapit na staff, hinawakan ako sa braso at bahagyang itinulak paakyat.

“Ma’am, the founder insisted. Please.”

Damn it. Napabuntong hininga ako, at sa huli, napaakyat ako. Pakiramdam ko lahat ng spotlight ay nasa akin. Saka ko lang na-realize kung gaano kabigat ang pangalan ko sa lugar na ‘to.

Pag-akyat ko sa entablado, agad kong iginala ang paningin ko sa buong silid.

At doon kami nagtama ng mata ni Alice.

Tahimik. Tumigil ang oras.

Hindi siya umiwas.

Hindi siya nagpakita ng gulat.

Hindi rin galit ang nakita ko—bagkus, ngumiti siya sa akin. Isang mapanatag na ngiti. Isang ngiting parang sinasabi niyang: “Ayos lang. Kaya ko na.”

Pagkatapos ng ilang segundo, inabot niya ang braso ni Almira—at hinawakan iyon. Mahigpit.

Parang sinasadyang ipakita sa akin.

Ako dapat ang humahawak diyan, Alice. Ako dapat… hindi ang pinsan ko.

“Mrs. Hontiveros,” ani ng emcee, “siguradong magugustuhan ito ng asawa mo.”

Ngumiti ako, pero hindi ko inalis ang tingin kay Alice.

“I’m sure she will,” mahina kong sagot.

Oo, magugustuhan niya talaga ‘yon. Kasi siya ang dahilan kung bakit ko binili ‘yon.

Habang lumalalim ang gabi, hindi ko maiwasang pagmasdan lang sila Alice. Bawat tawa niya, bawat pagyakap niya kay Almira—lahat yun, tinataga sa puso ko. Minsan, nagtama pa ulit ang mga mata namin. At sa bawat sulyap niyang iyon, para akong pinaparusahan.

Ganito pala ang pakiramdam… Yung makita mong masaya na siya sa iba.

Masaya na siya… hindi ako ang dahilan.

Putangina. Ang sakit. Hindi ko alam na ganito pala kasakit.

Nang makita kong lumabas si Alice mula sa hotel, agad akong tumayo. Hindi ko siya kayang hayaan mag-isa—lalo pa’t suot niya ‘yung gown na sobrang revealing. Baka may bumastos. Ayokong may makakita sa kanya nang gano’n.

Sinundan ko siya. Doon ko siya naabutan sa bench, mag-isa. Nakatalikod.

“Why the hell are you dressed like that?" Malamig kong sabi.

Napalingon siya, bahagyang nagulat.

Hindi ko alam kung bakit, pero hindi ko gusto kapag nagsusuot siya ng mga damit na masyadong nagpapakita ng balat. Ayokong makita ng iba ang kagandahan niya. Gusto ko, akin lang iyon.

Hinubad ko ang blazer ko at isinabit sa balikat niya.

Tinitigan ko siya. Diyos ko, ang ganda mo pa rin ali. At ang sexy mo rin talaga.

Hindi ko napigilang hindi siya purihin.

Pero nang sabihin niyang patay na ang alice na kilala ko, parang bigla akong binuhusan ng malamig na tubig.

The Arranged Marriage (Guontiveros)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon