Chapter 50

253 3 0
                                        

"Brett!"
"Anong nangyari sayo?"
"Sino naka away mo?"
"Sino? Resbakan namin."

Dalawang linggo na ang nakakalipas simula ng pumasok kami ulit matapos ang bakasyon. At ito nga si Brett pumasok na may mga pasa ang mukha.

"Mamaya. Paakyat na si Sir." aniya at umupo na sa pwesto nya.

Hindi nga rin nagtagal ay dumating na si Sir at nagturo. Malamang lunch pa namin mauusisa si Brett. Simula kasi ng bumalik ang klase ay kumpleto araw araw ang subject namin. Walang palya ang mga guro sa pagpasok. Ramdam na rin namin na graduating student talaga kami. Naka linya ang mga reportings namin, mga project at kung ano ano pang activities. Bawing bawi sila ngayon, kung gaano kami ka hayahay last year ibang iba ngayon.

Natapos ang last subject para ngayong umaga at agad nilang pina ikutan si Brett.

"Anong nangyari?"

"Dark Knights." tipid na sagot nya.

Sari saring mura na ang maririnig mula sa mga kumag ng sumagot si Brett.

"Bakit? Anong problema nila?"

"Masyado kasi silang mayabang. May bago na silang arena na pinupuntahan. Iniimbitahan nila tayo don, nang tanggihan ko sila dun na nag umpisa. Kung ano ano pinagsasabi nila, naduduwag na lang daw tayo kaya hindi na natin tinuloy yung gang natin. Napikon ako kaya binangasan ko, 5 vs 1." Mayabang nasabi nya. "Napatumba ko naman silang lahat, kaso muntik na rin talaga ako mapatumba." sinundan nya yon ng mahinang tawa.

Kaya naman pala ang dami nyang bangas sa mukha. Lima ba naman maka away nya, buti nga kamo hindi na bura mukha nya eh.

"Ano balikan natin?" Tanong ni Saint na nagpapatunog na ng daliri.

"Saan natin aabangan?" Gatong pa ni MM.

"We can't." Isaiah said. "We can't be reckless anymore, especially now that Astra's here. It's not just ourselves who could get hurt."

Nabaling naman ang tingin nila sakin. Tumango naman si Elijah at T sa sinabi ni Isaiah.

"Isaiah's right. We can't just keep getting back at each other. Pwedeng si Astra ang balikan nila." ani Elijah na wagas na naman ang kapit sa bewang ko.

Napansin ko pagkauwi nya galing sa US ay mas lalo syang naging clingy sakin. Umuwi kasi sya bago mag bagong taon at kakauwi lang ng 2nd day of this month. Simula non doble na ang pagiging clingy nya. Gusto laging nakahawak sya sa kamay ko, naka pulupot ang braso nya sa bewang ko. Kung noon makikita pa kaming magka hiwalay ngayon hindi na talaga. Pag bababa ako kahit may mga kumag naman na sasama sakin gusto nya kasama rin sya. Kulang na nga lang paalisin nya si T o Hayden sa tabi nya para doon ako maupo. O kaya paalisin nya si Ryker at Toby na katabi ko at sya ang pumalit.

"Nangako rin tayo na huli na yung racing nung nakaraang taon. Graduating students tayo, ayokong masayang yung tatlong taon na pinasok natin ng tuloy tuloy dahil lang sa gang na yan." matigas na sabi ni T.

Tumango naman yung mga kumag. Hindi na ulit pinag usapan yon at napunta na sa ibang topic habang kumakain kami.

Minsan sa cafeteria kami kumakain pero madalas ay nandito lang talaga kami sa dining room namin. Minsan nagbabaon pa rin kami o nag oorder sila Elijah at T. Tulad ngayon nag order lang silang dalawa kaya masarap na naman ang lunch namin at wala pa kaming gastos. Twice a week lang naman ito, the rest of the week kanya kanyang gastos na. Hindi naman kami abusado 'no.

"You want more?" Eli asked me.

Umiling ako. "Busog na ko."

Bago pa ako makatayo para mag ligpit ay naunahan na nya ako at inabutan ng tubig. Ganito na ang gawain ko simula ng mag sabay sabay kaming kumain. Kung hindi si Elijah ang nag aasikaso sakin kahit sino sa mga kumag ang kikilos para sakin. Talagang uupo, ngunguya at lulunok lang talaga ako pag lunch break.

A Rose Among the ThornsWhere stories live. Discover now