Risa's POV
Paris
Pagkatapos ng matinding bangayan namin ni Alice, hindi ko na kayang manatili pa sa condo. Ang bigat sa dibdib, ang init ng ulo—kailangan kong makalayo. Kaya naglakad ako sa dilim, papunta sa unang bar na nakita ko. Siguro... baka doon, kahit kaunti, mabawasan ang galit ko.
Pero hindi nangyari ‘yon.
Pagbalik ko sa condo, hindi ko inasahan ang katahimikan. Walang yapak ni Alice. Masyado itong tahimik—kakaiba. Ramdam ko kaagad na may mali.
Nilibot ko ang buong unit, bawat sulok... wala siya.
Napakabilis ng tibok ng puso ko. Mabilis, pero hindi ko alam kung dahil sa kaba o takot. Agad akong tumakbo papunta sa closet niya—at doon tuluyang nawala ang lakas ko.
Wala na ang mga gamit niya.
Para akong binagsakan ng mundo. Hindi ako makahinga. Ang lakas ng tibok ng puso ko na parang gusto na nitong tumigil.
Tinawagan ko siya. Isang beses. Sampu. Limampu. Isang daan. Wala.
"Cannot be reached."
"Putangina," mahina kong bulong habang napaupo sa sahig, hawak ang dibdib ko.
Bakit ganito? Bakit ang sakit?
Tinawagan ko ang daddy niya. Buti na lang at sinabi nitong nakauwi na si Alice galing Paris. Pero hindi ako mapakali.
Nang makauwi ako galing paris, tumuloy ako agad sa condo ni Shiela. Baka sakaling kapag nakita ko siya ay mawawala itong nararamdaman kong sakit sa puso ko na hindi ko naman alam saan galing.
Sinubukan kong alisin ang sakit. And yes.. we did it again.. and again.. and again. Ngunit sa bawat halik, sa bawat haplos, sa bawat ulit ng ginagawa namin... isa lang ang sigurado: hindi siya si Alice.
Tinignan ko si shiela habang natutulog sa tabi ko.
Bakit gano’n?
Why it is so different doing it with Alice? Bakit pagdating sakaniya ay ibang iba..?
Kinabukasan, umuwi ako sa mansion. Tahimik. Walang tao. Pero parang naririnig ko ang tawanan namin ni Alice noon. Yung habulan sa kusina. Yung mga agawan sa bacon sa mesa habang pinapagalitan kami ni Nay Elena. Napatawa ako ng mapait.
Pinuntahan ko ang kwarto niya. Wala na talaga. Malinis na malinis. Wala man lang naiwan kahit isang pirasong damit.
At doon ko na hindi napigilan.
Napahawak ako sa dingding, at unti-unting dumaloy ang luha ko.
"Love!" tawag ni Shiela mula sa sala. Agad kong pinunasan ang mata ko.
Bumaba ako at hinalikan siya. I tried to smile. Dala niya ang isang brown envelope, at may ngiting abot hanggang tenga.
"Dad wants me to give you this," sabi niya.
"At may balita ako, love." Dugtong niya pa.
Binuksan ko ang envelope.
Divorce papers.
May pirma na rin ni Alice.
Nanginig ang kamay ko. Nanginginig ang kaluluwa ko.
"D-divorce paper?" tanong ni Shiela.
"At may pirma na ni sissy?" dagdag pa niya, pero pilit ko siyang nginitian. Ayokong makita niya ang sakit ko.
"OMG! Love, pwede na tayong magpakasal! Magiging happy family na tayo ni baby!" halos sigaw niyang sabi.

BINABASA MO ANG
The Arranged Marriage (Guontiveros)
Fanfiction"Alice, kailangan nating mag-usap." sabi niya matapos ang ilang minutong katahimikan. Hindi ko alam kung paano ang apat na salitang ito ay kayang sirain ang buhay at pangarap ng isang tao-hanggang ngayon. Tahimik akong tumango, hudyat na magpatuloy...