Chapter 12

2.7K 192 123
                                        

Glasses

"Why? You're happy... around me?"

Hindi ko na napigilan ang maitanong kung anong naglulumikot sa isip ko kanina pa. Mariin siyang napatitig sa akin, nagpakawala ng malalim na buntong-hininga saka ibinalik ang tingin sa kalmadong alon sa harapan.

He looks so peaceful sitting beside me right now. Samantalang ako, parang may nangyayaring gyera sa utak at dibdib. Ang mas malala pa roon, hindi niya iyon alam. At siguradong hinding-hindi niya malalaman...

"Magiging masaya naman ako kahit sino sa mga kaibigan ko ang kasama," tugon niya.

Bumagsak ang balikat ko.

"Friends talaga tayo, 'no? Solid," sagot ko, saka pilit na ngumiti upang itago ang pahapyaw na sarkasmo na hindi na napigilan.

"Solid ka rin," inosenteng sambit niya. Mas lalo pang dinagdagan ang sama ng loob ko!

Haru really has his ways of suprising me. Matalino pero sobrang manhid. Alam kong malabo ang mata niya, pero hindi ko naman inaakalang pati pala mga signs, hindi niya nakikita.

O baka naman nakikita niya pero sinasadyang magbulag-bulagan dahil... hindi kami parehas ng nararamdaman?

Ewan ko. Tangina, bahala na. Ang mahalaga, nakakalapit ako sa kanya nang ganito. Kapitbahay ko pa nga, eh.

"Papasok na ako sa loob. Hindi ka pa ba tutulog?" he said after a few minutes of silence. Kasabay noon ay ang pagtayo niya at pagpagpag sa sarili.

I looked up to him, our eyes met. "Matutulog na rin. Ihatid na kita sa kwarto niyo," I offered.

Pinaglapat niya ang bahagyang umawang na mga labi kanina saka tumango sa akin. Tumayo na rin ako roon at pinagpagan ang sarili tulad ng ginawa niya.

Tahimik lang kami parehas noong pabalik na sa beach house. Nakayapak, dinadama ang puting buhangin sa talampakan habang dala ang mga tsinelas. His hair danced along the wind, some strands are falling on his forehead.

At sa mga oras na iyon, habang nakatingin sa kanya, napagtanto kong... hindi ko pala dapat ipinipilit ang lahat. Gaya ng kung paano ko siya nagustuhan, gusto kong maramdaman niya rin iyon pabalik nang natural. Hindi pinilit at mas lalong hindi pineke.

"Hi, Ysaac!" bati sa akin nang mga kaibigan niya nang maihatid ko siya sa tapat ng kwartong gagamitin nila. Sakto rin kasing nakabukas ang pinto.

"Hi, okay na ba kayo r'yan? Hindi masikip?" I asked worriedly.

I noticed that they were all in the same room, except Tatsuo and Koen. Sa kwarto yata namin sisiksik iyong dalawa.

"Masikip kaming lahat dito," hagikhik ni Era, sinusuklay ang mahaba niyang itim na buhok.

"Lahat na lang talaga..." kontra ni Ria, napairap na lang sa hangin. Sa pagkakaalam ko, siya iyong may lahing Espanyol at laging naka-red lipstick.

"Kayo? Okay lang kayo?" makahulugang tanong ni Kit. He was now wearing his matching pajama set na Hello Kitty ang design.

Ang cute talaga niya. Para siyang keychain. Kaya rin siguro ganoon umakto si Sanjo kapag kasama o malapit si Kit.

Sasagot na sana ako nang biglang humarang si Haru sa harapan ko. Mayroon na naman siyang tipid na ngiti sa labi, bahagyang sumisilip ang dimple sa pisngi.

"Papasok na ako sa loob," aniya, hindi alintana ang mga sinasabi ng mga kaibigan sa loob ng kwarto.

"Ysaac! Pasabi naman kay Ives, i-followback niya ako!" si Ishiara na panay ang dungaw sa pinto.

In Between Seasons (Sweater Weather Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon