39th Curse

84 5 2
                                    

39th Curse

"I'm going to eliminate the character named Pocahontas."

Tila naubusan ako ng lakas ng marinig ko ang mga salitang iyon sa bibig ni Psaricka. Masyado akong naging kampante, ni hindi ko alam na trinatraydor na ako ng mga sarili kong kakampi.

Paano nya nagawang ieliminate si Pocahontas? Paano nya nalaman?

Paano nya nalaman ang character ko?

[Glimmer's Pov]

Ang saya saya naman nito. Nandito ako at nakatingin sa aking masterpiece. Si Psaricka na ineliminate si Erin. Na ginawa nya ang lahat ng ayon sa plano ko. Napakasaya talaga nito. Napakaexciting. And look at Erin's face full of shock and horror. Eliminated ka ngayon babae.

"Anong nangyayari? Sino si Pocahontas?" biglang tanong sa akin ni Alli. Imbis sagutin, itinuro ko lamang si Erin ng pasimple.

"What? Eliminated din sya?"

"Yes dear," sabay tawa ko ng malakas. Gustong gusto ko kasi talaga syang matanggal, "you know, it's a good thing that she's eliminated. Napakaambisyosa nya, user, such a gold digger. May Marcus na, may Dennis pa. And it annoys me everytime she sticks to Dennis because.."

"Wait a minute Glim, gusto mo na ba si Dennis?" Nagulat ako sa itinanong ni Alli, at sa tanong na iyon. Hindi ko rin alam ang sagot.

[Alex's Pov]

Huling phase na ng laro. Kagaya ng plinano ni Psaricka, sya ang binoto naming lahat. Mula ng nalaman namin ang pagtratraydor ni Erin. Umayon kami sa plano nya.

"Bakit hindi ka nagsalita?" napalingon ako sa nagsalita. Si Alden. Agad ko naman syang niyakap at ngumiti bago ako sumagot na para bang hindi ko naiintindihan ang sinabi nya.

"Hmm?"

"Bakit hindi mo sinabi kay Psaricka, na hindi ka naman talaga naeliminate?"

Kanina lamang, nilapitan kami ni Psaricka. Sinabi nyang ang mga ineliminate ni Erin ay membro sa amin. Tapos kinausap nya kami ni Alden, at tinanong kung isa ba ako sa naeliminate ni Erin. Oo ang sinagot ko. Kahit ang totoo, hindi ako naeliminate.

Ngumiti ako kay Alden at mas lalong humigpit ng yakap. "Sorry, kung nagsinungaling ako. Nabigla lang ako kanina." Yun na lang ang naisagot ko at nagpacute sa kanya. Hinaplos nya yung ulo ko, na ibig sabihin, naiintindihan nya ako.

Tumingin ako sa paligid, magulo ang lahat.

[Allison's Pov]

"Wait a minute Glim, gusto mo na ba si Dennis?"

Sa tanong ko na iyon, biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Glimmer. Hindi sya nagalit, sa halip naguluhan sya.

"Gusto mo nga sya." Ulit ko pa.

"Ano ba! Hindi ko gusto yun noh. Saka kaya lang ako naiinis kasi sila Mira at Erin parehong nagkarelasyon kay Dennis, pero for sure naman na kung may gusto si Dennis, yun yung amo nya. Yung amo nya na sinusunod nya. Yung taong nagpasok sa kanya sa laro. Yung sinusunod nya." Mabilis na pagsasalita ni Glimmer. Nakakatawa, kinakabahan ba sya? Kinakabahan ba si Glimmer?

"Lalake sya." Nagulat na lang kami ng nagsalita si Dennis. Kanina pa pala sya nakikinig sa usapan namin.

Si Glimmer naman na namumulang humarap sa kanya ay hinampas to, "Eh di bakla ka pala. Kita mo Alli, bakla pa sya!" paliwanag ni Glimmer.

"Amo? Anong amo? Ano yang tinutukoy nyong dalawa?" tanong ko sa kanilang dalawa dahil hindi ko maintindihan ang pinaguusapan nila. Natigil na lamang kami ng biglang may announcement.

Lahat kami ay tumingin sa stage, at ipinaliwanag na ni Sir Marcus. Nasa last phase na kami ng second period. Lahat ng naeliminate, ito ang time nila para humanap ng tatlong tickets. Tatlong tickets ng mga surviving elites. Kapag nakahanap sila ng tatlong tickets, marereinstate sila, meaning, hindi sila maeeliminate.

Eto na ang chance. Para hindi tuluyang matanggal. Hindi ako pwedeng maalis sa larong ito. Hindi ako pwedeng malayo kay Alden.

Dahil sa totoo lang, isa ako sa mga naeliminate.

Hindi ko maaring iwan sa larong ito si Alden. Mahal ko sya. Akin lang sya. Hindi ako maaring matanggal.

Just like that fairytale, Gretel will never leave Hansel. They will survive, at kagaya ng tadhana ko, I'm going to kill that witch. Para kay Hansel. Ang tanging pinagkaiba lamang. Nainlove si Gretel kay Hansel. Sa kapatid nya.

Gretel killed the witch, saved Hansel and escaped together, get married and lived happily ever after. That's my fairytale.

Dahil kami ni Alden, sina Hansel at Gretel.

Beauty is your CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon