Nakita ko kung paano siya nagulat base sa kung anong gumuhit na reaskyon sa makinis niyang mukha. He smiled before taking it from my hand but I was keeping my eyes out of him dahil parang hinihila ako ng amoy niya upang lumapit sa kanya.
I need to stay still.
"Aw, thank you, Nate," he said, while his lips slightly pouting, and I almost laughed. "Sige mamaya bago ako matulog, ilalagay ko. Ano palang gusto mong dinner? Magluluto ako," he offered.
"Uh, ikaw bahala kung anong lulutuin mo. Busog pa ako, eh. Marami rin 'yung nakain ko kanina sa pinuntahan natin, pero kung nagugutom ka mag-luto ka na lang," kalmadong tugon ko.
"Noted, boss. Matutulog ka na?"
Mabilis na nangunot ang noo ko sa kanya.
"Stop calling me boss, Conrad. At hindi pa ako matutulog, mamaya pa," singhal ko sa kanya. "Nga pala huwag mong gagamitin 'yung ingredients ko para sa spaghetti ko bukas."
Nahabol pa nito ang tumawa ng dahil sa sinabi ko at tumango naman siya pagkatapos. Magluluto ako ng creamy carbonara bukas para sa mga workers dahil ng malaman nilang Sous chef ako ng Cucina ay nag-request agad sila kung pwede raw na makatikim sila ng luto ko.
Pero sa dalawang linggo ko na rin silang nakakasama ay wala akong dahilan para tumanggi. Si Conrad lagi ang gumagastos pagdating sa lunch and snacks ng mga workers namin. Ngayon ko pa lang sila malulutuan ng isa sa mga specialty ko dahil sa marami akong ginagawa ng mga nakaraang araw.
I saw from the window that the sky was alreading turning into evening. Kaya habang nasa tapat ako ng binatana ay minasdan ko ang papagabing ulap upang kahit papaano ay makaramdam na ako ng antok.
Hinanap ko rin sina Lily at Lime dahil baka nakalabas sila nang pumasok ako pero nung ma-check ko na nasa ilalim sila ng malaki kong kama ay gumulong na rin ako sa ibabaw nito.
Hindi naman nakakapagod ang naganap sa akin ngayong araw because we just went to an occasion, pero kapag nararamdaman ko na talaga kung gaano kalambot ang kutson dito ay parang gusto ko na lang lumitad ng buong araw.
I was browsing on my phone's screen dahil hindi pa naman ako diandapuan ng antok, nang biglang may tumawag sa pangalan ko mula sa labas.
"Lumayo ka sa pintuan, baka salubungin ka ng dalawa," mahinang sigaw ko malapit sa nakasaradong pinto.
Marahan ko itong binuksan ng marinig na nakatayo na raw siya sa malapit sa t.v. at bago naman ako lumabas ay pinapunta ko muna sa ilalim ang dalawa.
"Bakit?" I directly asked him after opening the door.
"Paano ko pala ilalagay 'to? I can't reach my back." Tumalikod siya sa akin at ng abutin niya ang parteng bahagi ng likuran niya ay napalunok ako sa umukit sa braso niya. "Dito, Nate. Dito kasi siya masakit, hindi ko kaya siya maabot."
"Tapos?" kunot-noong tanong ko.
"Pwedeng lagyan mo 'ko?"
"Matutulog ka na?"
Mabilis siyang tumango at humakbang siya palapit sa pintuan ng kwarto niya.
"Tapos na rin ako kumain ng dinner. Kumain ako ng beef burger kasi may bun pala tayong binili last Sunday. Pwede kitang gawan kung nagugutom ka, gusto mo ba?" malumanay na tanong niya.
I promptly shake my head without even thinking about it dahil parang kumukonekta na ang inis sa katawan ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil ako naman ang nakaisip na bigyan siya niyan at minsan talaga hindi ako nag-iisip.
Paano niya nga pala talaga 'yon malalagay?!
I took a deep breath, "Akin na 'yan. Talikod ka na."
"Hey, easy. Nakatayo talaga ako? Hindi ba pwedeng umupo ako sa kama ko para diretso tulog na lang ako pagkatapos mo ilagay?"
BINABASA MO ANG
Strings in the Beginning (Abrupt Series #2)
Teen Fictionthis is a bl story :3 ☕ Some strings in the morning are meant to be cut. A childhood friend is a friend that you will treasure forever because aside from both of you know each other deeply ay naging kasangga niyo na rin ang isa't isa. But after shar...
EPISODE 23
Magsimula sa umpisa
