Chapter 30

1.2K 139 228
                                        

Alice's POV

"If that's the case... Then bubuhayin ko siya ulit."

Umiling ako. Ramdam kong nanginginig ang kamay ko, pero hindi ko puwedeng ipakita ‘yon. Hindi ngayon. Hindi sa kanya.

"Wala ka nang karapatang sabihin yan.. Wala, pagkatapos ng ginawa mo." Tinanggal ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

"Natuto na akong tumayo nang mag-isa, Risa. At hindi kita kailangan para maalala kung sino ako."

Hindi pa ako nakakalayo, narinig ko ang yabag ng takong niyang mabilis na lumalapit. Wala pa ring pinagbago—si Risa pa rin. Kapag gustong makuha ang isang bagay, gagawin niya ang lahat, kahit hindi na siya tanggap.

"Alice! Wag mo nga akong talikuran!"

Tumigil ako. Hindi dahil gusto ko siyang harapin. Tumigil ako dahil hindi ko alam kung kaya ko pa bang marinig ang mga susunod niyang sasabihin.

"Ano bang problema mo ha?! Dahil ba kay Almira? Dahil sa kanya kaya ganyan ka?!" Sigaw nito.

Hindi ako lumingon. Hindi ko rin siya sinagot. Pero rinig ko ang paglapit pa niya, hanggang sa maramdaman ko na ang mainit niyang hininga sa batok ko. Para bang kahit ang hangin na galing sa kanya, sinusubukang pasukin ang mga dingding na pilit kong itinayo.

"Sumagot ka naman, Alice!"

Dahan-dahan akong humarap. Kita ko agad ang pamumula ng kanyang mata, pero mas malinaw ang matalim na selos sa mga titig niya.

"Anong gusto mong sabihin ko, Risa? Na oo, may nararamdaman na ako kay Almira? Na baka siya ang gumising ulit sa isang bahagi ng sarili kong matagal mo nang tinulugan at pinatay!?"

Napalunok siya. Halata sa kanya ang panginginig—ng galit, ng takot, ng hindi matanggap na katotohanan.

"Hindi mo siya mahal, Alice. You're just using her to forget me."

Natawa ako, mapait, puno ng hinanakit.

"Ang yabang mo talaga. Bakit mo laging iniisip na ikaw ang sentro ng mundo ko?"

"Dahil ako naman talaga, diba?" Sagot niya.

"Ako ang una mong minahal, ako ang kasama mo sa lahat, ako ang pinili mo noon!" Dugtong niya.

"At ako rin ang iniwan mo, hindi ba?!" Sigaw ko.

"Ako rin ang iniwang luhaan habang abala ka sa paghahabol sa multo ng nakaraan mo!" Dugtong ko pa.

Biglang natahimik si Risa. Napayuko. Ilang segundo kaming walang kibuan. Hanggang sa muling nagsalita siya, ngayon ay mas mahina na ang boses.

"Alice... may namamagitan ba sa inyo ni Almira?"

Tahimik.

"Sumagot ka... please."

Huminga ako nang malalim. Tumingin ako sa kanya. Diretso. Walang pag-iwas.

"Oo."

Kitang-kita ko kung paanong parang gumuho ang mundo sa mga mata ni Risa. Nawala ang kulay sa kanyang mukha. Parang hindi siya makahinga.

"No.... Hindi pwede..." Sabi nito habang hinihilot ang sintido.

"Almira saw me when I was at my lowest. She didn’t try to fix me. She stayed. That’s more than I can say for you."

"Pero mahal mo pa rin ako, hindi ba?" halos pabulong niyang tanong.

Lumapit ako sa kanya. Marahan kong hinawakan ang pisngi niya at saglit na nagtagpo ang aming mga mata.

The Arranged Marriage (Guontiveros)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon