-Pagkatapos ng isang linggo sa Shanghai kung saan pinangunahan ni Fleur ang pagbuo ng mga bagong koneksyon sa medisina, nakipagpulong sa ilang biotech investors at tiniyak ang pananatili ng lihim ng kanyang mga proyekto ay bumalik siya sa underground lab. Tahimik ang paligid at ramdam niya sa hangin ang tensyong bumabalot sa pasilidad. Ngayon ang araw ng pinakamalaking hakbang sa Project Helix, ang pagsusuri sa unang matagumpay na controlled resurrection.
Pagpasok ni Fleur sa central control room ay sinalubong siya ng kanyang lead biotechnologist, si Dr. K. na may dalang tablet na naka-display ang live metrics ng test subject.
"Ma'am, all systems are nominal. Heartbeat of Subject 09 has stabilized at 65 bpm, neural activity shows consistent alpha-wave patterns. Ready na po kami sa next stage." Ulat ng Dr. K.
Tumango si Fleur at tumingin sa malaking window na nakaharap sa Reanimation Chamber, isang malaking cylindrical tank na puno ng translucent blue fluid. Sa loob nito ay nakapaloob ang katawan, puno ng bio-enhanced organs at naka-attach sa mga neural interface cables.
"Proceed. Activate emotional stimulus protocol." Malamig na salita ni Fleur.
Inutusan niya ang technician na i-trigger ang Neural Stimulus Array, isang network ng electrodes at microelectrode arrays na nakalapat sa ulo ng subject upang maipadala ang kumpol-kumpol na electrical impulses na kahalintulad ng memory engrams at emotional triggers. Sa control room ay agad bumaba ang ilaw at umugnay ang mga monitor sa isang central display. Dito ipinapakita ang real-time EEG readouts, cardiac rhythms, at nanometer-scale blood flow mapping.
Excited na humarap si Dr. K sa kanya. "Ma'am, starting stimulus now... 3...2...1..."
Isang mahinang putok ng pneumatic valve ang sumabog mula sa silid ng chamber at unti-unting nag-loop ang emotional playback. Unang eksena ay isang mahinang babaeng tawa. pangalawa ay pagpatak ng luha. Pangatlo ay isang musika... isang lullaby na nagsisimulang umikot sa loob ng tank. Sa halip na kumilos nang robotic, tila may tugon ang subject. Makikita sa monitor ang mga alpha waves shifting papunta sa beta waves, senyales ng kamalayan. Pumutok ang isang malakas na spike sa chart nang magsimula ang lullaby memory engram.
"Heartbeat spike, pero alpha waves are persisting. Subject is engaging the engram." Kalmado na salita ni Dr. K.
Nanahimik si Fleur, nakatuon sa graphs. Pagkatapos ng ilang segundo ay inutusan niya. "Activate motor control override." Utos niya.
Ang Neuro-Mechanical Actuators sa loob ng tank ay nagsimulang bumulwak ng fluid pressure sa joints ng subject. Ang katawan ay dahan-dahang umangat sa suspensory harness, mga daliri ay gumalaw at bahagyang nag-flex ang mga binti.
"Subject is moving, Ma'am!" Excited na balita ni Dr. K.
Ang chamber lights ay nagliwanag, nag-synchronize sa pattern ng aktibidad ng utak. Ang subject ay unti-unting tumayo, nakatingin sa unahan. Kumurap ang mga mata at ito ang unang senyales ng kamalayan.
"Begin vocal stimulation." Utos ni Fleur.
Sa maliliit na speaker sa loob ng chamber, pinalitan ang lullaby ng isang mahinang boses, isang recorded prompt ng pangalan ng subject kasama ang mga huling natitirang alaala.
"Subject 09... wake up..."
Sa gabing 'yun, sa ilalim ng mga mata ng scientific elite ni Fleur, isang bagong yugto ang sinimulan... hindi lamang pagbabalik-loob ng buhay, kundi kontrolado ito at eksakto.
