Chapter 32

3.3K 203 136
                                        


Nang magkatabi na nga ang doctor at si Beatrice ay may inabot ito sa kanya na isang folder, nakangisi niya naman itong tinanggap at agad na binuklat para basahin. Kumunot pa ang noo niya at sumulyap kay Eris, mabilis lang naman iyon dahil binalik niya rin agad ang tingin sa hawak na papel.

Nang buklatin niya ang iba sa mga iyon ay lumunok pa muna siya ng laway bago ngumisi sa amin. Nilibot niya ang tingin sa aming lahat at huminto iyon sa akin at kay Eris. Mas lalong lumapad ang ngisi niya. Mas lalo lang tuloy akong nakaramdam ng kaba.

Nakangiting binalingan naman ni Beatrice ang doctor at tinuro ang pinto na parang sinabing pwede na itong lumabas. Tumango lang ang doctor at tahimik na lumabas ng pinto. Nang kami nalang ang natira ay mas lalo lang naging malamig ang paligid.

"We've completed Elias' DNA test... right?" nakangisi niyang baling kay Papa. Nanlaki naman ang mga mata ko, nalaman niya bang dinadaya lang ni Eris iyon?! Hindi ba sila magkasabwat?!

Kita kong kumunot naman ang noo ni Papa.

"Yes. At ano nanaman ba Beatrice? Gusto mo nanaman ulitin?!" inis na tanong ni Papa sa kanya. Umalingawngaw sa buong office ang nakakatakot niyang boses. "You're wasting my time!" dagdag pa ni Papa. Hindi naman natinag si Beatrice.

"And the result shows he's your son." sabi nanaman ni Beatrice. Hindi ko na alam ang mararamdaman ko. Kita kong nalukot na ang mukha ni Papa at napahilot sa noo na parang ubos na ubos na ang pasensya.

"And?! What's wrong with that?" galit na sigaw nito.

"Totoong anak mo nga siya..." nakangising sabi ni Beatrice. Nag taka ako nang lumingon siya sakin.

"Pero ang babaeng yan, hindi." sabay turo niya sakin. Napasinghap na ako sa gulat. Kumunot agad ang noo ko at nakaramdam ng sobrang kaba nang mapatingin na rin sa akin si Papa.

"What are you talking about, Beatrice?!" galit at naguguluhang tanong ni Papa. Tulala lang ako dahil hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Nag sasabi ba ng totoo si Beatrice? Sinasabi niyang hindi ako anak ni Papa... paano nangyari 'yon?!

"I had a DNA test done on Primrose without her knowing, and it turns out she's not your real daughter, Vincenzo." madiin na sabi ni Beatrice habang titig na titig sa akin. Parang gusto na niya akong patayin gamit ang mga mata niya. Mas lalo lang akong nanigas sa sinabi niya.

Kita kong may nilapag siyang mga papeles sa harap ni Papa at nang makita kong nanlaki ang mga mata nito ay mas lalo lang akong nanlamig. Alam kong binabasa niya ang resulta ng DNA test na 'yon.

"Her real name is Hyacinth, anak siya ni Marcella sa ibang lalaki. She's not your child with Claudia, and she's not Elias' little sister!" dagdag nanaman ni Beatrice. Natahimik kaming lahat dahil tulala lang si Papa sa papel na nasa harap niya.

"I don't believe what you're saying, Beatrice!" naiiling na sabi ni Papa nang hindi parin inaalis ang mga mata sa papel. "This can't be possible!" sabi niya pa. Humalakhak lang si Beatrice na parang nababaliw na.

"The real Primrose is already dead! Ang mas nakakagulat Vincenzo ay alam itong lahat ni Elias... pinag lalaruan niya lang tayo! He knows that this woman is not his real sister at pumayag lang siyang ikasal ito sa Munzo para makuha ang mana ni Primrose!" turo nanaman sa akin ni Beatrice mas lalo lang bumigat ang pag hinga ko, bumaling ako kay Eris na ngayon ay tahimik lang na nakatitig kay Papa.

Totoo ba ang sinasabi ni Beatrice? Parang mababaliw na ako sa lahat ng nalaman ko. Hindi ako anak ni Papa, hindi ako anak ni Mama Claudia... ang totoo kong ina ay si Mama Marcella sa ibang lalaki? At... alam ni Eris lahat ng to?!

The Escape In Your Embrace (Isla Primavera Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon