Chapter 25

1.1K 125 129
                                        

Alice's POV

Pagkatapos kong humikbi ng ilang minuto sa banyo, pinunasan ko ang luha ko. 

Hindi ako pwedeng sumuko. Hindi pwedeng dito na lang matapos ang pagkakaibigan namin ni Risa. 
Hindi ko siya hahayaang tuluyang mawala....

Huminga ako ng malalim at pinilit na ngumiti sa salamin kahit pulang-pula pa ang mga mata ko. 

"You can do this, Alice." bulong ko sa sarili ko.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng banyo. 

Nandun si Risa, nakahiga na sa kama, nakapikit pero hindi ko sigurado kung tulog o nagkukunwaring hindi niya ako pinapansin. 

Tahimik ang buong kwarto, pero ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming dalawa.

Lumapit ako sa kanya.bTahimik. Maingat. Parang kahit anong maling kilos ko, puputok na ang bomba.

Umupo ako sa tabi niya sa kama, sobrang lapit na halos magkadikit na ang mga tuhod namin. 

Hindi siya gumalaw.

"Risa..." mahina kong tawag, halos pabulong.

Hindi siya nagbukas ng mata, pero ramdam ko ang paghigpit ng panga niya.

Lumakas ang loob ko. Dahan-dahan kong inabot ang kamay niya na nakapatong sa tiyan niya.

"Sobrang miss na kita." bulong ko habang hinahaplos ang likod ng palad niya.

Sa isang iglap, bumukas ang mga mata niya—matatalim. 
Hinila niya bigla ang kamay niya palayo na parang ako ay nakakahawa ng sakit.

"Stop it, Alice." malamig niyang sabi.

"Don't touch me."

Parang sinaksak ang dibdib ko. Pero hindi ako umatras. Hindi ako titigil.

Lumapit pa ako.bHalos idikit ko na ang mukha ko sa mukha niya. Amoy ko ang faint scent ng shampoo niya, yung pamilyar na scent na palagi kong kinakalma noon, pero ngayon parang lalo akong binibiyak.

"Please, Risa..." I whispered.

"Kahit galit ka, kahit ayaw mo na sakin... Please... Huwag mo naman akong itulak palayo bilang kaibigan mo."

Nakita ko kung paanong kumislot ang panga niya, kung paano niya pinipigilan ang sarili niya.

"Alice," madiin niyang sabi,

"huwag mong pilitin."

Pero imbes na umatras, lalo akong yumuko papalapit. Hinawakan ko ang pisngi niya, dahan-dahan.

"Risa..." bulong ko ulit, malapit na sa labi niya.

I don't know what to do anymore. Ito na lang ang huling plano ko para bumalik kami sa dati.

Babalik nga ba?

Hinalikan ko siya. Mabilis. Marahan. Nangungulila.

Pero...

Bigla niya akong tinulak ng malakas kaya napa upo ako sa sahig.

"Alice! Ano ba!" sigaw niya, puno ng galit at sakit ang boses.

Napatingin ako sa kanya, gulat na gulat.

Bumangon ako habang nanginginig ang katawan.

"R-Risa..." nauutal kong tawag.

Tumayo siya, halos nanginginig din ang buong katawan niya sa galit.

"Anong ginagawa mo!? Paano kapagmakita ito ng kapatid mo?! Anong sasabihin ko sakaniya? Na inakit moko?!" sigaw niya.

The Arranged Marriage (Guontiveros)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon