Chapter 31

2.8K 185 97
                                        


"Ano 'yon? Bakit ganun? Paano naging ganun ang resulta?!"

Sunod sunod na tanong ko kay Eris nang makapasok kami sa loob ng atalier niya. Naguguluhan at natataranta ko lang siyang tinignan at kita kong umupo lang siya sa sofa at naka cross legs na hinihilot ang batok niya habang nakapikit.

"Eris!" tawag ko sa kanya na agad niya namang ikinamulat. Nakatayo lang ako sa harap niya, nag hihintay ng sagot.

"Elias." pag tatama niya naman. Napairap nalang ako sa sobrang inis. Gusto ko nang maiyak. Oo nga at base sa DNA test ay Elias ang pangalan niya—iyon ay kung totoo nga ang result na 'yon!

"Dinaya mo nanaman ba?" naguguluhang tanong ko. Nag salubong lang ang kilay niya. Kita ko pang umangat ang gilid ng labi niya at luminga-linga sa paligid na parang sinisiguro kung may ibang nakakarinig nun kahit kami lang naman nandito sa atalier niya.

"Why would I do that?" taas kilay na tanong niya. Napaawang nalang ang labi ko.

"Anong ibig mong sabihin?!" hindi ko na mapigilang mapasigaw. Naiiyak ako. Tinitigan ko lang siya sa mata at ganun din siya sakin. Dahan-dahan niya pang tinutupi hanggang siko ang suot niyang longsleeve.

"Sinasabi mo bang anak ka nga ni Papa Vincenzo?!" galit na tanong ko. Nakatingala lang siya sakin.

Nang makitang dahan-dahan siyang tumango ay napapikit nalang ako ng mariin. Mas lalo lang akong naiyak dahil hindi ko na maintindihan. Ano?! Kapatid ko siya?! Kapatid ko nga siya?!

"Kapatid kita?" nanghihinang tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot. Nakatitig lang siya sakin. "Kapatid kita?!" tanong ko nanaman.

Nakatitig parin siya sakin ng ilang segundo. Nagulat nalang ako nang hilahin niya ang kamay ko palapit sa kanya. Napasinghap ako nang maupo ako sa kandungan niya. Dahan-dahan niyang pinahiran ang mga luha ko.

Mas lalo lang akong nagulat nang hawiin niya ang buhok ko kasabay nun ay ang pag lapit ng mukha niya sakin para halikan ako. Hindi na ako nakagalaw. Bakit niya ako hinahalikan? Diba kapatid ko siya?!

Hindi ko siya magawang itulak, mas lalo lang lumalim ang halik niya sakin. Ramdam na ramdam ko kung gaano ka agresibo ang halik na iyon. Bumaba pa ang kamay niya sa baywang ko para iusog ako palapit sa kanya. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko, nag wawala iyon. Naguguluhan ako. Ang dami kong gustong itanong pero nanghihina ako sa halik niya.

"Do you really think I could kiss you like this if you were my sister?" bulong niya sa akin sa kalagitnaan ng halik.

Agad akong napamulat at sa gulat ay naitulak ko siya. Nang lumayo siya ng kaunti sa akin ay nakaawang pa ang labi niya at namumungay ang mga mata.

"Anong ibig mong sabihin? Minanipula mo nanaman ba ang resulta nong DNA test?" tanong ko, hindi siya sumagot. Pinasadahan niya lang ng daliri ang buhok niya. Pinapanood ko lang din siyang ginawa iyon.

"Parte ba 'to ng plano niyo ni Beatrice? Siya ba ang kumausap sa mga doctor ng Monticelli na dayain ang resulta?" naiiyak na tanong ko nanaman.

Imposible rin naman iyon, si Papa Vincenzo lang ang pinag kakatiwalaan ng mga doctor ng Monticelli, kahit kami o ang mga asawa niya ay hindi ganun ka dali na nakakalapit at madaya ang ganung bagay pero sa itsura ni Beatrice... mukhang kaya niyang manipulahin lahat ng bagay.

"Wala kaming pinaplano ni Beatrice. What are you talking about?" naguguluhang tanong niya.

"Pinalabas niyo bang magkapatid talaga tayo... para hindi na ako mangulit sayo? Para ba malaya ka nang mahalin si Beatrice?" humihikbing tanong ko. Napayuko nalang ako.

"Hya... there's only one woman I love... and it's not Beatrice." bulong niya sakin.

Naramdaman ko pang hinawakan niya ang baba ko at dahan-dahang inangat iyon para mag pantay ulit ang mga mukha namin. Mas lalo lang akong naiyak nang mag tama na ang mga mata namin.

Gusto ko pang itanong kung sino ang tinutukoy niya pero hinalikan na niya ako ulit. Ngayon ay mas madiin at mas init... mas agresibo pero maingat. Nalulunod nanaman ako. Napapikit nalang ako at hindi ko na napigilang sabayan iyon.

Mas lalo lang akong nababaliw nang bumaba ang halik niya sa leeg ko, pababa sa balikat ko. Pabigat nang pabigat na rin ang pag hinga ko. Mas lalo lang lumala iyon nang dahan-dahan na niya akong hiniga sa sofa. Nag mulat ako ng mata at kita kong nakatitig lang din siya sakin. Ang lagkit ng titig niya.

Lumapit siya ulit sa akin para halikan ako pero hindi na niya nagawa dahil may kumatok nanaman sa pinto. Sabay pa kaming naestatwa at nag titigan lang ng ilang segundo bago siya umayos ng upo at agad na napahilamos ng palad sa mukha.

"Putangina." mahinang mura niya. Mabilis naman akong bumangon at umayos ng upo. Huminga pa ako ng malalim at napahawak nalang sa dibdib ko dahil sobrang lakas ng tibok nun.

Sinundan ko lang ng tingin si Eris na nag lakad palapit sa pinto. Pag bukas niya ay bumungad nanaman ang mukha ng katulong. Hilaw pa itong ngumiti sa amin. Tumayo na rin ako at nag lakad palapit sa kanila kahit sobrang lakas parin ng tibok ng puso ko. Napalunok nalang ako ng laway.

"Sir, ma'am, pinapatawag po ulit kayo sa office ni sir Vincenzo." sabi nanaman nito. Tumango lang si Eris at sinara ang pinto. Nag angat ako ng tingin sa kanya at seryoso lang ang mukha niya na parang malalim ang iniisip.

"Bakit pinatawag nanaman tayo?" takang tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot. Sinundan ko lang siya ng tingin nang mag lakad siya patungo sa isang cabinet. Nanlaki ang mga mata ko nang may kinuha siya doon.

Baril.

Agad niya itong tinago sa likuran niya. Nanigas na ako sa kinatayuan ko. Nanlaki ang mga matang tinignan siyang nag lakad nanaman palapit sa akin. Napaatras pa ako. Ngumiti naman siya na parang wala lang akong nakita.

"Anong gagawin mo?" mahinang tanong ko. Tulala parin ako sa kanya.

"Wala naman... just in case." nakangising sabi niya.

Mas lalo lang akong naguluhan. Nagulat pa ako nang hawakan niya ako sa likuran at iginiya palabas ng pinto. Lutang parin ako... wala akong maintindihan, ang nararamdaman ko lang ngayon ay takot.

Huminga ako ng malalim dahil nanginginig na ang kamay ko, agad kong nilingon si Eris nang hawakan niya iyon. Pinipisil niya na parang sinasabing wala naman dapat akong ikakatakot pero ganun? Pakiramdam ko talaga hindi maganda ang mangyayari ngayon.

Gusto ko pa sanang mag tanong pero nakarating na kami sa tapat ng office ni Papa. Napalunok ako ng laway nang buksan na ito ni Eris. Nang makapasok kami ay bumungad sa amin si Papa na nakikipag usap lang sa isang babae... nanlaki ang mga mata ko nang makitang si ate Lucia iyon.

Nang mapabaling sila sa akin ay umangat pa ang gilid ng labi ni ate Lucia na parang gustong ngumisi pero di na niya ginawa.

"Ang ganda ganda naman talaga ng pamangkin ko." tumayo pa siya at lumapit sakin para ibeso ako. Taka ko lang siyang tinignan. Bakit siya nandito? At anong pamangkin?! Mas lalo lang tuloy akong naguluhan.

Nang lumayo siya sakin ay bumalik lang din siya agad sa upuan niya kanina. Naupo na rin kami ni Eris sa tapat nila Papa. Napatingin naman ako kay Beatrice. May pasa siya sa mukha at halatang mugto ang mga matang tinakpan lang ng makapal na make up.

Kung hindi ako nagkakamali, sinampal nga siya ni Papa. Matalim ang mga mata niyang nakatingin sa aming dalawa ni Eris. Hindi ko mabasa kung anong iniisip niya pero kinakabahan nanaman ako.

"I've called you all here because Beatrice has something important to tell us." sabi ni Papa. Tahimik lang kaming lahat. Sumulyap pa ako kay Eris na parang walang ganang nakatingin kay Beatrice. Si ate Lucia naman ay nakahalukipkip lang.

Mas lumala nga iyon nang makita kong may pumasok nanamang doctor sa office ni Papa. Ibang doctor iyon, hindi doctor ng mga Monticelli. Tipid pa itong ngumiti sa amin nang makarating siya sa harap.

"Bakit may doctor? Sino bang may sakit?" natatawang tanong ni Ate Lucia.

"Shut up, Lucia!" striktong sita sa kanya ni Papa.

Isa pa sa ipinag taka ko ay kung bakit kilala ni Papa Vincenzo si Ate Lucia. Ano na bang nangyayari? Parang mababaliw na ako.

The Escape In Your Embrace (Isla Primavera Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon