Chapter 30

3.4K 174 44
                                        


"Ma'am Primrose... hinihintay ka na raw po sa baba." sabi nong katulong sakin. Tumango lang ako at walang ganang tumayo.

Alam kong medyo namamaga pa ang mga mata ko ngayon kakaiyak pero wala na akong paki. Wala rin naman silang paki sakin! Kahit pa siguro umiyak ako ng dugo rito ay wala silang pakialam, ang importante lang ay makasal ako sa Munzo na 'yon.

Nag suklay lang ako ng buhok ko at nag suot ng mahabang dress, sobrang haba na kahit paa ko ay hindi na nakikita. Tahimik lang akong nag lakad pababa ng hagdan patungo sa kusina at kita ko nga silang nakaupo na roon.

Nang makaupo ako sa upuan ko ay sumulyap ako ay Eris na saktong nakatingin na rin sakin. Pinasadahan niya pa ako ng tingin habang seryoso ang mukha. Pa-irap akong nag iwas ng tingin sa kanya nang bigla kong maalala na nakita ko nga pala siyang lumabas sa kwarto ni Beatrice.

Bumaling na rin ako kay Beatrice na ngayon ay sumulyap sa akin at sumulyap kay Eris. Nakaramdam agad ako ng kakaibang pakiramdam, hindi ko alam kung ano pero nangibabaw doon ang lungkot at inis.

Nag usap-usap lang si Papa at Beatrice tungkol sa negosyo. Ako naman ay halos isubsub na ang mukha sa pagkain ko dahil ayaw ko nang mag angat ng tingin sa kanilang lahat. Naiiyak ako.

Hanggang sa matapos na akong kumain ay mabilis akong tumayo at hindi na sila nilingon, nag lakad lang ako paakyat ng hakdan. Huminga pa ako ng malalim at akmang papasok na sa kwarto ko nang biglang may humila sa braso ko. Gulat kong siyang nilingon at kita kong si Eris iyon.

Masama ko siyang tinignan at pilit na inaalis ang hawak niya sa braso ko pero mas hinigpitan niya lang iyon pero hindi naman masakit. Pinaningkitan niya pa ako ng mata na parang sinusuri ako.

"Are you mad at me?" taas kilay na tanong niya, sobrang hinhin ng boses niya. Akala mo ang bait-bait pero may masamang binabalak pala samin. Umirap ako agad sa kanya at nag pupumiglas nanaman pero hinila niya lang ako patungo sa atalier niya.

"Bitawan mo 'ko ano ba!" inis na reklamo ko sa kanya. Nang makapasok na kami sa loob ng atalier niya ay doon niya lang ako binitawan. Sinara niya pa agad ang pinto.

"Did you just roll your eyes on me?" manghang tanong niya. Umangat pa ang gilid ng labi niya na parang pinipigilan lang ang ngumisi. Masama ko siyang tinignan.

"Why are you mad?" malambing na tanong niya sakin. Agad akong huminga ng malalim at nag iwas ng tingin dahil naiiyak nanaman ako sa inis nang maalala ko ang narinig ko kahapon na pinag uusapan nila ni Beatrice.

"Nakita kitang lumabas sa kwarto ni Beatrice." mahinang sabi ko habang nakatingin sa sahig. Pansin ko namang natigilan siya.

"And?" tanong niya pa. Napaawang nalang ang labi ko at gulat na nag angat ng tingin sa kanya. Nakatitig lang din siya sakin na parang hinihintay ang susunod kong sasabihin. Anong 'and'?! 'Yon lang sasabihin niya?!

"Narinig ko ang pinag usapan niyo. Ang pinaplano niyo." sabi ko at galit siyang tinignan sa mata. Kumunot naman ang noo niya at parang nag iisip. Nag papanggap lang ba siyang hindi niya alam ang tinutukoy ko? Masyado siyang magaling umarte!

"Kaya ba hindi mo ako kayang magustuhan dahil si Beatrice ang mahal mo?" hindi ko na nga napigilang tumulo ang luha ko. "Kaya ka ba nandito para mag higanti at para malaya na kayong mag mahalan?" napapaos na taong ko.

Kita ko namang napanganga pa siya sa gulat at unti-unting napalitan ng ngiwi na parang diring-diri sa sinabi ko.

"What?" di makapaniwalang tanong niya, mahina pa siyang natawa.

Mag sasalita pa sana ako nang biglang may kumatok sa pinto. Pareho pa kaming natigilan at sabay na napalingon doon. Ilang saglit na nakatitig lang sa akin si Eris bago siya nag lakad palapit sa pinto. Nang buksan niya iyon ay bumungad sa amin ang mukha ng kasambahay.

"Sir... ma'am, pinapatawag po kayo sa office ni sir Vincenzo." nakangiting sabi nito. Sumulyap naman sa akin si Eris na kaya nag lakad na ako palapit sa kanila. Nakaramdam agad ako ng kaba.

Bakit kami pinapatawag? Bihira lang na pinapapunta kami ni Papa sa office niya, ngayon nga lang ako makakapasok doon. Nang lumabas ako ng pinto ay ramdam ko namang sumunod lang agad sa akin si Eris.

Nang makapasok kami sa office ni Papa ay kita kong nandoon na silang dalawa ni Beatrice. Umupo ako agad sa isang upuan at ganun din si Eris. Walang ganang nakatingin lang sa amin si Papa, samantalang si Beatrice ay matalim ang tingin sa amin ni Eris.

Nabasag lang ang katahimikan naming lahat nang may pumasok. Agad nanlaki ang mga mata ko nang makitang ang family doctor iyon ng mga Monticelli.

Alam ko na agad ang susunod na mangyayari... malalaman na namin ang resulta ng DNA test ni Eris. Mas lalo lang akong kinabahan. Tinignan ko si Eris na tahimik lang, bumaling siya sa banda ko kaya nag tama ang mga mata namin. Hindi ko mabasa ang iniisip niya. Nag iwas lang din siya ng tingin kaya bumaling nalang ako sa doctor.

Hindi ako mapakali, nanlalamig ang mga kamay ko, nanginginig na rin ako sa kaba. Hindi ko alam kung anong gagawin ni Eris o pinaplano niya pero malaki ang tiwala kong matatakasan niya ito ngayon.

May barilan bang mangyayari? Papatayin ba siya agad ni Papa? Hindi ko na alam! Kinakabahan ako at naiiyak na ako!

"Good afternoon. I already have the results of the DNA test." lahat kami ay napatingin sa doctor na nakatayo lang sa harap namin. May kinuha siyang mga papeles. Napaayos pa ng upo si Papa at kita kong seryoso rin ang mukha ni Beatrice, nag hihintay sa resulta.

Bumaling ako kay Eris. Hindi ba siya mag lalabas ng baril? Tatakbo? Anong susunod na mangyayari? Kinakabahan ako! Pinisil ko nalang ang kamay kong nanlalamig na. Huminga muna ng malalim ang doctor at binasa ng mabuti ang nakasulat sa hawak na papel.

"After thorough testing, I can confirm that there is ninety nine point nine percent probability that Vincenzo Monticelli... is the biological father of Elias Herris Monticelli." seryosong anunsyo ng doctor.

Sabay pa kaming napasinghap ni Beatrice. Kitang kita ko kung paano napatakip ng kamay si Beatrice sa bibig niya sa sobrang gulat.

"I told you. He's my son." tumango-tangong nakangisi si Papa Vincenzo nang sabihin iyon.

Ako naman ay hindi na nakagalaw sa gulat. Nanlaki ang mga mata kong tinignan si Eris na seryoso paring nakatitig lang sa pader na parang hindi naman siya nagulat na ganun ang resulta.

"Are you sure? There must be some mistake." sabi naman ni Beatrice. Lumapit pa siya sa doctor para basahin ng mabuti ang resulta. Nanlaki ang mga mata niya kaya alam ko na agad na tama nga iyong narinig namin.

"Mrs. Monticelli, the results were verified twice. There is no mistake." sabi naman nong doctor.

Naguguluhan ako. Hindi ko maintindihan ang mga nangyari, dinaya niya rin ba ang resulta? Paano niya naman madadaya iyon? Hindi ganun ka daling pakiusapan ang family doctor namin. Malaki ang tiwala namin sa kanya kaya imposibleng kayang manipulahin ni Eris ang resulta.

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Sumasakit ang ulo ko kakaisip. Kung totoong anak ni Papa Vincenzo si Eris... ibig sabihin... kapatid ko talaga siya?! Paano nangyari 'yon?! Bakit ganito?!

Nang matapos nga ang anunsyo na iyon ay umalis lang agad ang doctor. Akala ko lalabas na rin kami pero nanlaki ang mga matang tinitigan ko si Eris na tumayo. May hawak siyang papel at nakangisi niyang nilapag iyon sa harap ni Papa.

Hindi ko alam kung tungkol saan iyon pero kita kong seryosong binabasa lang ito ni Papa. Napabaling ako ulit kay Eris nang mag lakad siya palapit sa akin.

Hinawakan niya ang braso ko at hinila ako pa tayo. Hindi naman iyon masakit pero malakas kaya napatayo na rin ako. Akmang hihilahin na niya ako palabas ng office nang bigla akong mapalingon kay Papa nang bigla siyang tumayo at lumapit kay Beatrice.

Hindi ko na nakita ang sunod na nangyari dahil may tumakip ng mga mata mata ko. Alam ko agad na si Eris iyon. Kasabay nun ay may narinig akong lumagapak at iyak... umiiyak si Beatrice. Pilit kong inaalis ang kamay ni Eris pero masyado siyang malakas at naramdaman ko nalang na hinihila na niya ako palabas.

"Sei una sgualdrina!" rinig kong galit na sigaw ni Papa. Nakarinig ako ng pag sara ng pinto at naradaman ko ngang binitawan na ako ni Eris. Nang mag mulat ako ng mata ay kita kong nasa labas ng kami ng office ni Papa.

The Escape In Your Embrace (Isla Primavera Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon