Chapter 28

3.3K 177 18
                                        


"Ma'am... breakfast na raw po." nakangiting sabi niya. Mabilis akong tumango at inayos ang sarili ko. Napalingon pa ako sa may bintana at kita ko ngang umagang umaga na. Tinitigan ko lang ang sarili ko sa salamin, nang sigurado nang maayos na ang itsura mo ay lumabas na ako.

Nang makarating na ako sa dining area ay kita kong sa akin agad sila nakatingin lahat. Tahimik akong umupo sa upuan ko at agad na sinulyapan si Eris na seryoso lang din na nakatingin sa akin. Pansin kong matalim ang titig sa akin ni Papa kaya sumulyap ako sa kanya. Kita kong parang sinusuri niya ako ng mabuti.

Nakakatakot siyang tumingin.

Nag umpisa na silang kumain kaya kumuha na rin ako ng pagkain. Kita ko pang napapasulyap sa gawi ko si Beatrice pero hindi ko na siya tinounan ng pansin dahil naiirita lang ako lalo sa kanya. Muli akong nag angat ng tingin kay Eris pero tahimik lang siyang kumain.

"Where's your engagement ring, Primrose?" susubo na sana ano ng pagkain pero biglang nag salita si Papa.

Agad kong nabitawan ang hawak ko at mabilis na tinago sa ilalim ng mesa ang kamay ko. Lalo lang akong kinabahan nang silang tatlo na ang nakatingin sa akin. Pinaningkitan pa ako ng mata ni Beatrice.

"Nasa kwarto po... na iwan ko." pag sisinungaling ko. Mukhang hindi naman siya naniniwala.

"Kunin mo." agad na sabi ni Papa. Natigilan naman ako. Napalingon ako sa kwarto ko sa itaas. Binalik ko lang din agad kay papa ang tingin at mukhang hinihintay niya lang na gawin ko ang utos niya.

Tinapon ko na ang engagement ring.

"Manang! Find her ring!" utos niya nalang sa katulong dahil hindi ako agad gumalaw. Napasinghap nalang ako sa gulat dahil sa sobrang lakas ng sigaw niya. Natataranta namang tumango si Manang at nag tungo na nga sa kwarto ko.

Hindi ko na magawang magpatuloy sa pagkain hanggang sa nakabalik na nga si Manang, gaya ng inaasahan ko, hindi nga niya iyon nakita sa kwarto ko. Kahit pa halughugin niya ito, hinding hindi niya iyon mahahanap doon.

"Sir... wala po." nakayukong sabi nong katulong.

"What?! Hanapin mo uli—"

"Nawala ko po..." putol ko nalang kay Papa, nakagat ko pa ang ibabang labi ko. Narinig ko siyang nag mura. Napapikit nalang ako ng mariin dahil sobrang lakas ng mura na iyon. Napasinghap pa sa takot si Beatrice.

"Find it, and don't you dare eat until you've found that ring, Primrose!" nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang sumigaw, kasabay nun ay ang malakas na pag hampas niya sa mesa dahilan para matigilan na rin sa pagkain si Eris. Sumulyap siya sa akin pero agad niya ring binaling kay papa ang tingin.

"Pa, I don't think that's a good idea... if Primrose doesn't eat all day, she'll lose weight and I'll have to alter the wedding gown again." singit ni Eris. Napalingon naman sa kanya si Papa. Unti-unting napawi ang galit sa mukha niya. Napahilot siya sa noo at bumuntong hininga.

"Be thankful that your brother saved you today!" inis na sabi niya sakin. Uminom siya ng tubig. "Pero hanapin mo parin ang singsing!" dagdag niya pa. Tumango nalang ako at napalunok ng laway.

Tinignan ko si Eris at saktong nakatingin din siya sakin. Seryoso lang ang mukha niya. Umayos nalang ako ng upo at nag umpisa na ring kumain.

Nang matapos nga kaming kumain ay nag tungo muna ako sa atelier ni Eris dahil sabi niya, ngayon daw ang final fitting nong wedding gown. Ayaw kong makita iyong gown dahil ayaw kong ikasal pero wala akong magawa dahil gusto ko rin namang makita si Eris.

Hindi na ako kumatok, nang mapansin kong hindi naman iyon nakalock ay pumasok na ako sa loob. Sinara ko agad ang pinto nang makita kong nakapamulsang nakatayo lang si Eris sa harap ng wedding gown ko. Naka low ponytail ang buhok niya ngayon at nakaloose dark red na longsleeve. Nang mapansing pumasok ako ay sumulyap siya sakin. Ngumiti naman ako agad sa kanya.

The Escape In Your Embrace (Isla Primavera Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon