Chapter 26

3.1K 182 33
                                        


"There you are... hiding from your own party." inis akong napalingon sa likuran nang marinig ko ang boses ni Matteo. Nakangisi siyang nag lakad palapit sa akin.

Pagkatapos nga nang mangyari kanina ay nag kukuwentuhan lang ang mga bisita at sila Papa kaya agad akong nag tungo rito sa itaas sa may balkonahe para magpahangin dahil naiiyak ako. Agad akong huminga ng malalim nang tuluyan na siyang makalapit sakin.

"Bakit ka ba nandito?" iritang tanong ko. Ngumisi lang siya lalo sa akin at nagulat ako nang hawiin niya sa likod ng tenga ang buhok ko.

"I'm just thinking... maybe it's time I start fulfilling my duty as your devoted fiancé." bulong niya sakin. Agad nanindig ang mga balahibo ko. Umatras ako at mas lumapit lang siya sakin hanggang sa wala na nga ako ng maatrasan.

"Come on, Primrose. We're engaged now. You can pretend to hate me all you want, but eventually, you'll come to me. Everyone does..." mayabang niyang sabi nang mapansing nanlilisik na ang mga mata ko sa kanya. Naalarma naman ako nang mapansin kong akmang hahalikan na niya ako. Bago niya iyon nagawa ay agad ko na siyang sinampal.

"Fuck!" galit na mura niya.

Napahawak pa siya sa pisngi na sinampal ko. Napasigaw ako sa sakit nang agad niya akong sabunutan. Napangiwi na ako sa sobrang higpit ng hawak niya sa buhok ko. Masama niya akong tinignan. Kulang nalang ay patayin niya ako gamit ang mga mata niya.

"Try that again, and I swear I'll make you regret it. You have no idea what happens when you push me too far." banta niya sakin.

"Hindi ako natatakot sayo." madiin na sabi ko. Natatawa naman siyang binitawan ako. Tawang parang hindi makapaniwala at parang iniisip na nababaliw na ako.

"Yeah, sure... and you don't have to be scared of me. But if this marriage happens, I will break you. You'll miss your peace and silence, because in my world, you'll have none of that." nakangising bulong niya sakin. Hindi nga ako nag kakamaling isipin na gaya ni Papa Vincenzo... demonyo rin ang ipapakasal niya sakin. Parehong pareho sila.

Hindi na ako nag salita. Masama niya lang akong tinitigan ng ilang segundo bago tumalikod sa akin at nag lakad paalis. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Nanghihina akong napahawak sa pader. Agad na tumulo ang luha ko napahagulhul nalang ako.

Ilang minuto akong umiiyak at tulala nang bigla akong mapatingin sa singsing na suot ko. Galit ko itong hinubad at agad na tinapon sa baba. Nakadungaw lang ako sa balkonahe at kitang kita ko ang hardin sa baba. Nanlaki ang mga mata ko nang may matanaw ako. Si Eris iyon at may kausap siyang babae sa labas.

Tinitigan ko sila ng maayos at mas lalo lang akong nagulat nang makita kong si ate Lucia ang kausap niya. Sigurado akong si ate Lucia iyon. Nag mamadali akong bumaba ng at nag tungo sa hardin.

Pagkalabas ko ay bumungad sa akin ang napakalaking hardin. Ang daming bulaklak at mga puno. Medyo madilim pa ang paligid dahil kaunti lang ang mga ilaw dito.

Nilibot ko ang tingin ko at di nag tagal nakita ko na si Eris. Nag lakad ako patungo sa kanya at mukhang napansin niyang may palapit ay bumaling siya sakin. Wala na rin si ate Lucia sa harap niya. Nasaan siya?

"Why are you here?" tanong sa akin ni Eris. Hinanap ko parin si ate Lucia pero hindi ko na siya makita.

"Si ate Lucia ba ang kasama mo rito kanina? Nasaan siya?" sunod sunod na tanong ko. Hindi siya sumagot at nag lakad lang patungo sa isa sa mga benches. Naupo siya doon at naupo rin agad ako sa tabi niya.

"Kamukha, kaboses, parehong dressmaker, parehong kilala si ate Lucia... Eris, dedeny ka parin ba?" natatawa kong tanong sa kanya. Hindi siya umimik. Nakayuko lang siya habang nilalaro ang bulaklak na hawak. Iniikot ikot niya iyon sa daliri niya.

"Nasaan si ate Lucia? Bakit umalis siya agad?" tanong ko nanaman. Hindi parin siya umiimik.

Tulala lang siyang nakatingin parin sa hawak na bulaklak. Agad kong inagaw iyon sa kanya dahilan para mapabaling siya sakin. Namumungay ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Parang pagod... parang inaantok. Bumaba ang tingin niya sa labi ko, nakatitig lang din ako sa kanya pero umiwas lang siya ulit ng tingin.

"Eris..." tawag ko sa kanya. Hindi na siya bumaling sa akin. Nakayuko lang siyang nakatulala.

"Eri—"

"Elias." agad na sabi niya. Napa-irap nalang ako sa hangin. Nag buntong hininga ako at tinitigan ang bulaklak na hawak.

"Eris, nag papanggap ka bang kapatid ko para makapasok dito sa mansion? Balak mo bang mag higanti?" mahinang tanong ko.

Sumulyap ako sa kanya at kita kong napalunok siya ng laway. Mabilis pa siyang sumulyap din sakin pero hindi naman siya sumagot. Nag titigan lang kami.

"Kung balak mo kaming patayin..." hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Nakatitig lang din siya sakin sinundan niya pa ng tingin ang luha kong tumulo pababa sa pisngi ko. Napaawang pa ang labi niya.

Alam kong galit na galit siya sa pamilya ko dahil pinatay ni Papa Vincenzo si tito Alonzo. Alam kong nandito siya para mag higanti. Hindi ko siya pipigilan... galit din ako kay Papa Vincenzo dahil sa ginawa niya kay Mama Marcella. Galit ako dahil pinipilit niya ako sa ayaw ko. Isa siyang demonyo. Pero kung kasali ako sa galit ni Eris...

"Kung balak mo kaming patayin... pwede bang unahin mo ko? Patayin mo na ako agad bago pa ako makasal sa Matteo na 'yon. Gusto kong mamatay na ikaw lang ang pinakasalan ko... kahit hindi iyon totoo." humihikbing sabi ko. Napapikit ako ng mariin nang punasan niya ng daliri ang luha ko.

Dahan-dahan akong nag mulat ng mata at nakatitig parin siya sakin kaya nag tama agad ang mga mata namin. Medyo lumalamig na ang hangin dito sa hardin. Malalim na ang gabi, medyo madilim ang paligid pero nakikita ko parin kung paano nililipad ng hangin ang buhok niya kasabay ng mga nag lalagang petals mula sa mga bulaklak.

Bumaba ang tingin ko sa ilong niya, pababa sa labi. Umusog ako palapit sa kanya at kita ko pang nanlaki ang mga mata niya pero mabilis lang iyon. Lumapit ako sa kanya para halikan siya pero bago pa dumampi ang labi ko sa labi niya ay nag kusa na siyang lumapit sa akin at hinalikan ako.

Ang lambot ng labi niya, ang init, ang tamis, nalalasahan ko nanaman ang iniinom niyang wine kanina. Napamulat ako ng maramdaman kong humawak siya sa ulo ko para mas mahalikan ako ng maayos. Mas lumapit na rin ako sa kanya st ngayon ay magkadikit na ang mga katawan namin.

"Eris... I love you—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla siyang lumayo sakin.

Nakatingala siya sa may balkonahe kaya napalingon din ako roon at nanlaki ang mga mata ko nang makitang nandoon si Beatrice. Nakatingin sa amin, agad siyang umatras at umalis nang mapansing nakatingin na kami sa kanya.

Tangina. Nakita niya ba kami?!

"Nakita niya..." iyon lang ang nasabi ko. Tumayo agad si Eris at nag lakad na paalis. Tumayo na rin ako at sumunod sa kanya. Muli akong napaangat ng tingin sa balkonahe pero wala nang tao roon.

Nakita ni Beatrice... ibig sabihin malalaman na niyang hindi ko totoong kapatid si Eris? Na hindi siya ang totoong Elias? Anong gagawin sa kanya pag nag sumbong si Beatrice kay papa Vincenzo? Papatayin niya ba si Eris? Hindi pwedeng mangyari 'yon.

"Eri—"

"Elias." pag tatama niya agad sa akin. Nakagat ko nalang ang ibabang labi ko. Nakasunod parin ako sa kanya halos mapatakbo na ako dahil sa sobrang tangkad niya ay ang lalaki ng bawat hakbang niya.

"Paano kung mag susumbong si Beatrice? Ano nang gagawin nati—"

"No need to worry about anything, Primrose. All you have to do is breathe and sleep." nakangiting sabi niya sakin. Napaawang nalang ang labi ko sa sinabi niya. Wala man lang bakas ng kaba sa mukha niya!

The Escape In Your Embrace (Isla Primavera Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon