Chapter 25

2.7K 155 21
                                        


"Ma'am?" tawag sa akin ni manang nang hindi na ako gumagalaw at nakatulala lang sa harap ng samalin. Kanina pa ako umiiyak. Nasisira na ang make up ko.

Nang makitang punong puno ng luha ang mukha ko ay natatarantang lumapit si manang sa akin at pinunasan ng tissue ang mukha ko.

"Naku ma'am Primrose! Bakit ka ba umiiyak? Ilang minuto na lang kailangan na nating bumaba." natatarantang sabi niya habang inaayos ang mukha ko. Huminga ako ng malalim at agad na tumayo. Tinitigan ko lang ang sarili ko sa salamin. Nakasuot ako ng silver long gown na... gawa ni Eris.

Engagement party na nga namin ngayon ni Matteo at ayaw kong bumaba. Kanina pa ako nakaayos pero ayaw kong lumabas ng kwarto. Naririnig ko na ang mga ingay sa baba. Tulala lang akong nakatitig sa repleksyon ko nang maisipan kong punitin ang suot ko. Napasigaw pa si manang sa gulat.

"Naku! Primrose! Bakit mo naman pinunit?!" natataranta siyang lumapit sa akin.

Dahil nga gawa iyon sa mamahaling tela ay hindi ganun ka epektib ang ginawa kong pag punit pero may iilang disenyo na natanggal at nalaglag sa sahig. Umiiyak akong humiga sa kama. Wala akong balak na bumaba, ayaw kong bumaba.

"Ma'am? Ma'am! Nasira na ang gown mo... naku!" rinig kong parang hindi na alam ni manang ang gagawin. Ilang sandali lang ay biglang tumahimik ang kwarto ko. Bumangon ako at luminga-linga sa paligid. Wala na si manang.

Huminga nalang ako ng malalim at akmang tatayo na nang biglang bumukas ulit at pinto at halos malaglag na ang puso ko sa gulat nang makita ko kung sino ang pumasok. Kasunod niya ay si manang na ngayon ay pawis na pawis sa sobrang taranta.

"Eris..." tawag ko sa kanya. Pinasadahan niya lang ako ng tingin, agad niyang nilapag sa kama ko ang panibagong gown na dala niya.

"Manang, tulungan mo siyang mag palit." seryosong utos niya kay manang akmang aalis na siya pero agad ko siyang pinigilan.

"Hindi ako mag papalit! Hindi ako bababa..." umiiling na sabi ko. Mas lalo lang namutla si manang. Nakatitig lang ako kay Eris at kita kong sumulyap siya sakin.

"Manang..." tawag niya ulit kay manang.

"Opo! Ma'am... mag bihis na po kay—"

"Ayaw ko nga eh! Ayaw ko!" galit na sigaw ko umaatras pa ako tuwing lumalapit si manang sa akin. Sinusundan lang ako ng tingin ni Eris. Napapikit pa siya ng mariin at sinuklay ang mahaba niyang buhok.

"Manang... lumabas ka nalang muna." natigilan ako sa sinabi ni Eris. Naguguluhan naman siyang tinignan ni manang, kahit nag tataka ay mabilis nalang siyang tumango at agad na lumabas ng kwarto.

Nang maisara niya ang pinto ay agad nag lakad si Eris palapit sa mga bintana at sinara iyon. Nag tataka ko lang siyang tinignan. Nagulat nalang ako nang patayin niya ang mga ilaw.

Hindi na ako nakagalaw nang wala na akong makita sa paligid, may maliit pang liwanag na pumapasok sa kwarto pero hindi ko parin masyadong nakikita ang loob.

Napasinghap ako nang biglang may humila sakin. Napaawang nalang ang labi ko nang maramdamang may nag bukas ng zipper sa likuran ko. Mas lalo lang lumakas ang tibok ng puso ko nang maramdaman ko nang pilit niyang hinuhubad ang suot kong gown... hinuhubaran niya ako?!

Hindi ko siya nakikita pero alam kong nakatayo lang siya sa harap ko habang pilit na tinanggal ang suot kong gown. Hindi ko na magawang mag salita, hindi ko na magawang gumalaw. Sa sobrang bilis ng pangyayari at sa sobrang gulat ko... para na akong naestatwa!

"Bakit mo ko hinuhubaran?!" nang sa wakas ay nagawa ko nang mag salita ay iyon pa ang unang lumabas sa bibig ko. Nag wawala na ang puso ko. Ramdam na ramdam ko ang init ng buong paligid... ang lakas ng presensya niya sa harap ko.

The Escape In Your Embrace (Isla Primavera Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon