Chapter 24

3K 180 40
                                        


"Manang... palitan mo po ang bulaklak sa vase, gusto ko iyong hyacinth." walang ganang sabi ko kay manang nang makitang malalanta na ang mga bulaklak sa kwarto ko. Ngumiti naman si manang at tumango.

"Kulay purple, pink, at white." dagdag ko pa. Naalala ko lang ang bigay sa akin ni Eris noon.

Siya ang unang tao na nagpakilala sa akin sa bulaklak na iyon, lumaki akong nakakulong lang sa mansion at hindi nila alam na Hyacinth ang isa sa mga pinangalan sa akin dahil kilala nila ako bilang Primrose, kaya hindi ko alam at walang nakapag sabi sa akin dito sa mansion na bulaklak ang hyacinth.

"Sige po ma'am." nakangiting lumabas si manang sa kwarto ko kaya nakahiga lang ako habang bagot na bagot na nakatitig sa labas ng bintana. Ilang minuto rin akong tulala nang maisipan kong bumaba. Sumilip pa muna ako at nang makitang walang tao ay dahan-dahan akong nag lakad pababa.

"Primrose..." agad akong napahawak sa gilid ng hagdan at nag kunwaring nanghihina at natutumba nang may marinig akong tumawag sakin. Nilingon ko iyon at agad akong nakaramdam ng inis nang makitang si Matteo, bakit ba siya nandito?

"Bakit ka nandito?" inis na tanong ko sa kanya. Nakangisi siyang lumapit sa akin at akmang hahawakan ako pero agad kong iniwas ang kamay ko sa kanya.

"I went to your father's office. We just talked about... business." nakangisi nanaman niyang sabi. Naiirita ako sa ngisi niya. Para siyang baliw, parang gago, parang adik. Hinawakan nanaman niya ang braso ko, sinubukan kong alisin iyon pero masyadong mahigpit ang hawak niya.

"What, your legs still not working?" pinasadahan niya pa ako ng tingin. Pa-irap ko siyang tinignan.

"Oo, kaya kung ayaw mong mahirapan. Sabihin mong huwag ituloy ang kasal." seryosong sabi ko. Kita ko namang namangha siya. Umangat pa ang gilid ng labi niya na parang natatawa.

"Why are you acting like you really don't want to marry me? I mean, I'm handsome, rich... I've got it all." mayabang niyang sabi. Natatawa ko siyang tinignan na parang isa itong malaking katatawanan. Kita ko pang hindi siya natuwa sa tawa ko na iyon. Naramdaman ko pang humigpit ang hawak niya sa braso ko.

"Sino bang gustong makasal sa puro yabang na tulad mo? Mas gugustuhin ko pang mamatay kesa ikasal sayo." mataray na sabi ko. Napangiwi naman ako nang higpitan niya pa lalo ang hawak niya sa braso ko. Nararamdaman kong bumabaon ang kuko niya sa balat ko. Sinubukan ko siyang itulak pero masyado siyang malakas.

"Oh? Acting like you're too good for this, sa tingin mo ba gusto ko ring makasal sayo? Sure, you're pretty... but that's all you've got. You're completely useless." galit na bulong niya sakin. Hindi ko na magawang mag salita dahil parang napupunit na ang braso ko sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya.

Napabaling kami sa nag lalakad palapit sa amin. Si Eris iyon na tinutupi ang longsleeve niya hanggang siko. Seryoso ang mukha, deretso sa amin ang tingin. Mabilis akong binitawan ni Matteo at agad siyang ngumisi kay Eris.

"Elias... your sister's looking pretty damn sexy." nakangising sabi ni Matteo.

Naramdaman ko pa ang kamay niyang bumaba sa baywang ko. Agad kong inalis iyon pero binalik niya lang agad. Kita ko namang bumaba doon ang tingin ni Eris. Hindi ko mabasa ang ekspresyon ng mukha niya pero halatang hindi niya nagugustuhan ang nakikita niya.

"Can't wait to get a taste of that... something tells me she'd be as sweet as she looks." dagdag nanaman ni Matteo. Humalakhak pa siya na parang demonyo. Walang gana lang siyang tinignan ni Eris.

"Keep your disgusting fantasies to yourself. No one wants to hear them, certainly not me." mataray na sabi ni Eris. Sumulyap pa siya sakin pero agad ding nag patuloy sa pag akyat ng hagdan hanggang sa makapunta na nga siya sa kwarto niya.

Naiwan kaming dalawa ni Matteo at agad kong inalis ang kamay niya sa baywang ko. Naiiling naman siyang nakangisi, nag lakad lang din siya agad pababa ng hagdan at iniwan ako. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makalabas na siya ng mansion.

Huminga ako ng malalim at luminga-linga sa paligid. Nang makitang wala namang ibang tao sa mansion ay agad akong tumakbo patungo sa kwarto ni Eris. Kumatok ako sa pinto at ilang sandali pa bago nag bukas iyon. Nanlaki pa ang mga mata niya nang makita ako pero mabilis akong pumasok sa loob kaya hindi na siya nakapalag.

"Ano bang ginagawa mo rito?" takang tanong niya. Sinara niya pa ang pinto. Nilibot ko lang ang tingin sa buong paligid. Kita kong may mga bago siyang inuumpisahang mga dresses. Nang ibalik ko sa kanya ang tingin ko ay ngumiti ako.

"Diba hindi mo natapos ang sukatan ako? Ituloy mo ngayon..." Nakangising sabi ko. Umikot-ikot pa ako dahilan para umangat ang suot kong dress na agad niya naman iniwasan ng tingin. Tumalikod siya sa akin at nag lakad patungo sa table niya. Inayos niya ang mga gamit doon.

"Hindi na kailangan..." rinig kong sabi niya. Pinaningkitan ko naman siya ng mga mata kahit nakatalikod parin siya sakin. Nakangisi akong lumapit sa kanya. Natigilan pa siya ng yakapin ko ang likuran niya. Agad niya naman akong hinarap at nilayo sa kanya.

"Hindi na kailangan? Bakit? Dahil natatandaan mo pa ang sukat ng katawan ko noon? Wala bang nag bago Eris?" pang aasar ko sa kanya. Tinitigan niya lang ako sa mata. Palipat-lipat ang tingin niya sa akin at agad siyang nag buntong hininga. Walang gana niyang kinuha ang tape measure sa mesa.

"Stand still." sabi niya agad sa akin. Agad akong napaayos ng tayo at napanguso para pigilan ang mapangisi. Seryoso niya naman akong sinusukatan ulit. Nasa parteng baywang na siya kaya bumigat agad ang pag hinga ko.

"Lagi mong sinasabi na hindi ikaw si Eris pero halatang-halata naman. Pariho ang itsura, boses, ang hilig sa pananahi, ang init ng katawan... ang sarap ng labi—aray!" agad akong napangiwi nang bigla niyang pisilin ang braso ko.

Umayos siya ng tayo at agad na hinila iyon para makita ng mabuti. Napatingin din tuloy ako at kita kong may pasa, ganun na ka grabe ang pag hawak ni Matteo sa akin kanina.

"Where did you get that?" takang tanong niya sakin. Deretso sa mga mata ang tingin. Hindi ako agad nakapag salita dahil sobrang lakas ng pintig ng puso ko. Nag aalala ba siya sakin? Muli niyang sinulyapan iyong pasa at hinaplos iyon.

"Sino ang gumawa nito?" tanong nanaman niya. Mas lumapit pa ako sa kanya.

"Si Matteo... 'yong fiance ko, nagalit siya sakin dahil diring-diri akong pakasalan siya." madiin na sabi ko. Natigilan naman siya. Binitawan niya ang braso ko at napahilamos nalang siya ng palad sa mukha. Kinuha niya lang ulit ang tape measure at nag patuloy sa pag sukat sakin.

"Eris... ayaw kong makasal sa kanya." pag mamakaawa ko. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Nag patuloy lang siya.

"You have to marry him." iyon lang ang sinabi niya. Mapait akong ngumiti dahil hindi ko inaasahang iyon ang sasabihin niya. Papayag siya? Ayos lang sa kanya? Diba kasal kami?

"Bakit? Ayos lang sayo na ikasal sa iba ang asawa mo?" natatawang tanong ko. Para na akong baliw, kahit hindi niya ako mahal, kahit napipilitan lang siya nun. Kasal parin kami. Asawa niya ako sa papel. Kinasal kami!

"I am your brother, not your husband. We were never married." titig na titig siya sakin at ganun din ako sa kanya. Palipat lipat ang tingin ko sa dalawa niyang mga mata. Napaawang nalang ang labi ko dahil hindi ako makapaniwala. Hanggang ngayon nag sisinungaling parin siya.

"Kinasal tayo!" galit na sigaw ko. Mas lalo lang lumakas ang pag iyak ko. Hinawakan ko pa siya sa balikat para mas maharap siya sakin.

"You were never married, Primrose." nang sabihin niya iyon ay nabitawan ko siya. Ilang sandali ko siyang tinitigan. Sobrang tahimik ng paligid.

Tinawag niya akong Primrose, totoong hindi kasal si Primrose dahil... Hyacinth ang gamit kong pangalan nong kinasal kami.

"Sinasabi mo bang pwede akong makasal ulit bilang Primrose?" naguguluhang tanong ko. Hindi siya umimik. Huminga ako ng malalim dahil sumasakit ang ulo ko.

"Sinasabi mo bang hindi valid iyong kasal natin noon dahil hindi ko naman totoong pangalan ang Hyacinth?!" umiiyak na tanong ko. Hindi nanaman siya sumagot kaya napayuko nalang ako at naupo sa sahig habang humahagulhul.

Kaya ba pumayag siya agad noon dahil alam niyang hindi naman kami totoong ikakasal? Bakit nga ba Hyacinth ang ginamit kong pangalan nong panahon na 'yon? Bakit hindi ko naisip 'yon?! Baka nga hindi totoong marriage license iyong natanggap namin eh... ni hindi ko nabasa nun ang pangalan niya.

The Escape In Your Embrace (Isla Primavera Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon