"Ma'am! Kailan ka pa po nakalakad?" gulat na tanong ni manang nang makapasok na kami sa kwarto ko. Natatawa ko lang siyang tinignan."Last week po..."
"Last week?! Ang tagal na pala bakit hindi mo sinabi..." napakamot pa siya sa ulo niya. Huminga lang ako ng malalim at nag lakad lakad sa buong kwarto. Mangha niya lang akong tinignan.
"Kasi ayaw kong malaman nila, huwag mong ipag sabi sa iba manang ha... ayaw kong makasal kay Matteo." mahinang sabi ko. Mukha naman siyang naguguluhan pero tumango nalang.
"Pero ma'am, gwapo naman si sir Matteo, mayaman din ang pamilya niya, bakit ayaw mo sa kanya?" takang tanong niya.
Bagsak ang balikat akong nag tungo sa bintana ko at binuksan iyon. Napapikit ako agad nang sumalubong sa akin ang napakalakas na hangin. Maraming bulaklak sa labas at sa baba kaya amoy na amoy ko ang bango ng mga iyon.
"Kasi may asawa na ako manang... kinasal na ako noon." nakangiting sabi ko habang nakapikit parin. Narinig ko naman siyang napasinghap. Hindi na rin siya nag salita pa at alam kong iniisip na niyang nababaliw nga ako.
Dahan-dahan akong nag mulat ng mata at napatingin sa gilid ko at nanlaki agad ang mga mata ko nang makitang bukas din ang bintana sa kabilang kwarto at... kita kong nakatayo rin doon si Eris, may hawak siyang wine at nakadungaw lang sa baba.
Nang mapansin niyang may nakatingin sa kanya ay napalingon din siya sa banda ko. Kita ko pang napaayos siya ng tayo nang mag tama ang mga mata namin. Bago pa ako makapag salita ay agad na siyang pumasok sa loob. Napahawak nalang ako sa dibdib ko dahil nag wawala ang puso ko kahit sandali lang naman nangyari iyon.
Napaupo ako agad sa kama nang biglang may kumatok sa pinto. Umaakto pa akong hinihilot ang mga paa ko. Natataranta namang binuksan ni manang ang pinto pero isang kasambahay lang naman pala iyon.
"Ma'am Primrose... pinapatawag po kayo ni sir Elias sa atalier, susukatan ka raw po niya." nakangiting sabi niya. Napaawang naman ang labi ko sa gulat. Umalis na rin naman iyong kasambahay at nang isara na ni manang ang pinto ay tumalon talon na ako at pigil na pigil ang mapatili.
"Ma'am, ayos lang po ba kayo?" nag aalala at nag tatakang tanong ni manang mabilis akong tumango habang ngising ngisi.
Nang kumalma ako ng kaunti ay agad akong nag tungo sa pinto at lalabas na sana nang bigla kong maalala na hindi nga pala dapat ako nakakalakad.
"Manang, halika! Tulungan mo ko mag lakad papunta sa atalier!" nakangiting sabi ko, kumunot naman ang noo niya.
"Akala ko po ba ayaw niyong makasal kay Matteo? Bakit parang excited kayong magpasukat ng wedding gown?" Naguguluhang tanong niya hindi ko na siya sinagot pa. Syempre excited ako, makikita ko na ulit si Eris ng malapitan!
Tinulungan nga ako ni manang na mag lakad papuntang atalier kahit kaya ko naman na. Nang makarating kami roon ay agad na kumatok si manang. Hindi nag tagal, bumukas naman ito agad. Nang bumungad ang mukha ni Eris ay nakangisi akong pumasok sa loob.
"Bye, manang!" mabilis akong kumaway kay manang na naiwan sa labas at agad kong sinara ulit ang pinto.
Sa bilis ng pangyayari ay hindi na nakapag react si manang at si Eris na ngayon ay nakatitig lang sa akin na parang naeestatwa na. Ngumisi ako agad sa kanya. Mas lalo lang siyang nanigas nang yakapin ko siya ng mahigpit. Naramdaman ko pang hinawakan niya ang braso ko at unti-unti akong pinalayo sa kanya.
"I missed you..." bulong ko. Nag angat ako ng tingin sa kanya at seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Nang tuluyan na nga akong makakalas sa kanya ay busangot ko siyang tinignan. Tinitigan ko siya sa mata pero iniiwasan niya.

BINABASA MO ANG
The Escape In Your Embrace (Isla Primavera Series #3)
RomanceOn a flower-filled island of Isla Primavera, Hyacinth runs away to escape an arranged marriage. She finds refuge with her mother's friend and meets Eris, a gay dressmaker. Desperate, she asks him to marry her to avoid her fiancé. Eris agrees, and th...