"Ma'am ito po ang susuutin niyo... ang ganda, paniguradong magugustuhan kayo lalo ni sir Matteo!" kinikilig na sabi ni manang habang pinapakita sa akin ang mahabang dress na kulay itim. Masyado itong hapit na hapit sa katawan. Hindi na ako umimik pa.Isang linggo na ang nakalipas at ngayon nga ay nakakalakad na ako pero nag kukunwari parin akong hindi dahil... ayaw kong matuloy ang engagement party. Pag nakita nilang magaling na ako ay baka bukas agad ikakasal na ako! Ayaw kong mangyari iyon.
Ngayon nga ay dadating daw sa mansion ang magiging fiancé ko. Inaayusan ako ni manang. Ngayon ko lang makikita ang lalaking matagal ko nang tinatakas takasan. Ayaw na ayaw kong makasal sa kanya. Kasal na ako... hindi ko na kayang magpakasal pa ulit.
Nang matapos akong ayusan ni manang ay tinulungan na niya akong bumaba ng hagdan. Kaya ko nang mag lakad pero umaakto parin akong natutumba pag mag isa dahil nga kailangan kong ipakita na pabigat parin ako at hindi ako pwedeng ikasal!
Nang makababa na kami ay kita ko agad sila Papa sa living room. Nakatayo siyang may kausap na isang taong hindi ko naman kilala. Nakakatakot ang awra niya sa suot na itim na suit. Naka tayo lang din sa tabi niya si Beatrice na nakapulupot ang kamay sa braso ni Papa.
Bumaba ang tingin ko sa couch kung saan makikita si Eris na nakacross legs habang nakasandal. Deretso sa akin ang tingin. Nakatitig lang din ako sa kanya habang palapit ako. Hindi niya rin naman inaalis sa akin ang titig niya. Pinasadahan niya pa ako ng tingin.
"Nandito ka na pala Primrose." nakangiting sabi ni Beatrice. Hindi ko siya pinansin. Naiinis ako sa presensya niya. Mukha lang siyang mabait dahil nakangiti siya lagi sa akin pero nararamdaman kong hindi ko dapat siya pagkakatiwalaan.
Umalis lang agad iyong lalaking kausap ni Papa kaya ngayong ay bumaling na siya sa amin. Naupo ako sa katapat na sofa at nakahalukipkip lang siyang nakatitig kay Eris.
"Your sister's engagement will be finalized soon. You're next, Elias. It's time you start thinking about your responsibilities as my son." seryosong sabi ni Papa.
Gulat kong nilingon si Eris na ngayon ay maarteng hinihilot ang noo niya. Anong ibig sabihin ni Papa? Na ikakasal din si Eris?! Ikakasal siya sa iba?!
"I can't..." walang ganang sabi ni Eris. Nag angat siya ng tingin at saktong tumama iyon sa akin. Napasinghap pa ako pero agad din siyang nag iwas at bumaling kay Papa na ngayon ay parang puputok na sa galit.
"What?! You're a Monticelli! You carry this name. That comes with duty." madiin na sabi ni Papa sa kanya. Kita kong napatiim bagang si Eris at mukhang iritang irita na.
"I can't marry a woman." agad na sabi niya.
"What are you saying?!" gulat na tanong ni Papa. Natahimik kaming lahat dahil napalakas ang boses niya at nakakatakot itong pakinggan na umalingawngaw sa buong mansion. Napapalingon pa sa amin ang mga katulong.
"I'm saying I'm gay. And I won't marry a woman..." walang ganang sabi nanaman ni Eris. Kita kong natigilan si Papa at napatakip pa sa bibig si Beatrice. Hindi na ako nagulat dahil alam ko naman na iyon... maliban syempre, na kasal naman na siya sakin.
"E' una stronzata!" naiiling na sabi ni Papa. Hindi ko iyon maintindihan pero base sa itsura niya ay mukhang hindi maganda ang sinabi niya. Tinitigan ko lang si Eris na mukhang hindi man lang nakaramdam ng takot.
"Sir, nandito na po sila." agad na lumapit ang isang kasambahay. Agad na napalitan ng ngiti ang mukha ni Papa. Napairap nalang ako sa hangin dahil tangina, talagang dadating ang mga iyon?!
Ilang sandali lang, may dumating nang dalawang lalaki. Isang matanda na na ka-edad lang ni Papa at isang lalaking paniguradong iyon na ang Matteo, gaya ng inaasahan ko, nakakatakot ang awra niya, katulad lang siya ni Papa at hindi ko na agad siya gusto.

BINABASA MO ANG
The Escape In Your Embrace (Isla Primavera Series #3)
RomanceOn a flower-filled island of Isla Primavera, Hyacinth runs away to escape an arranged marriage. She finds refuge with her mother's friend and meets Eris, a gay dressmaker. Desperate, she asks him to marry her to avoid her fiancé. Eris agrees, and th...