Chapter 21

2.9K 169 40
                                        


Halos buong araw na akong nag kulong sa kwarto ko. Naubos ko na ata lahat ng luha ko sa walang tigil na pag iyak. Nang makaramdam ako ng uhaw ay agad akong bumangon. Iyon nga lang nang tignan ko ang baso sa bedside table ay wala na iyong laman.

"Manang!" tawag ko sa kasambahay. "Manang!" ulit ko pero wala paring pumasok sa kwarto ko. Nakailang ulit pa ako ng tawag pero wala talaga. Binaba ko nalang ang mga paa ko at sinubukang tumayo.

"Shit!" mura ko nang matumba ako at saktong nahawakan ko iyong lamp kaya natuma lahat ng laman sa bedside table. Nabasag ang baso. Napangiwi nalang ako sa sakit. Mas lalo pa tuloy akong nahirapan pero nagawa ko parin namang tumayo.

Hinihingal akong nag lakad patungo sa pinto. Laking pasasalamat ko nang mabuksan ko na iyon. Mabagal ang bawat pag hakbang ko. Halos hindi ko pa rin maramdaman ang mga paa ko. Hirap na hirap akong mag lakad pero kahit papaano ay nagagawa ko na.

Nang nasa harap na ako ng hagdan ay huminga muna ako ng malalim bago sinubukang humakbang pababa. Nang iangat ko na nga ang paa ko ay muntik na agad akong mahulog. Mabuti nalang at may humawak agad sa baywang ko. Mabilis niya akong hinila. Gulat kong nilingon iyon.

"Eris..." agad na sabi ko nang makita ko siya. Binitawan na niya ako at muntik pa akong matumba ulit kaya sinalo nanaman niya ako. Narinig ko pa siyang nag mura pero hindi ko na iyon pinansin dahil titig na titig ako sa mukha niyang sobrang lapit sakin.

"Where are you going?" tanong niya sakin. Nakahawak na siya ngayon sa braso ko para hindi ako mawalan ng balanse. Lumunok muna ako ng laway habang titig na titig parin sa kanya. Seryoso lang din siyang nakatingin sa akin.

"Nauuhaw ako..." mahinang sabi niya. Tumango lang siya at luminga-linga sa paligid. "Sit here." turo niya lang sa gilig ng hagdan. Taka ko naman siyang tinignan pero inalalayan niya akong maupo doon kaya wala na akong nagawa. Nag angat lang ako ng tingin sa kanya.

"Kukuha ako ng tubig." sabi niya naman at bumaba na agad ng hagdan. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa hindi ko na siya nakita. Nakatitig lang ako sa buong bahay at hindi nag tagal, bumalik na rin naman siya na may dalang basojg tubig. Inabot niya iyon sa akin.

"Eris—"

"My name is Elias..." madiin na sabi niya sakin. Humigpit ang hawak ko sa baso.

"Pwede bang huwag na tayong mag lokohan? Bakit ka ba nandito? Bakit ka nag papanggap na kapatid ko?!" naiiyak na tanong ko sa kanya.

"I am your brother, Primrose. I am not just pretending." seryoso niyang sabi sakin. Agad ko siyang hinila palapit sakin. Nagulat pa siya sa ginawa kong iyon.

"Hyacinth ang pangalan ko... tawagin mo akong Hyacinth!" inis na sabi ko. Nag salubong ang kilay niya at inalis ang kamay kong nakahawak lang sa damit niya. Naiiyak ko siyang tinignan. Seryoso lang siyang nakadungaw sakin. Inayos niya pa ang mahabang buhok.

"Wala kaming kilalang Hyacinth." napapikit na ako ng mariin sa narinig. Hindi ko na nga napigilan ang luha ko.

"Kinasal tayo diba? Pwede bang huwag ka nang mag maang-maangan, Eris?! Alam kong ikaw 'yan!" hinampas hampas ko pa siya sa sobrang inis ko na agad niya rin namang pinigilan ang kamay ko. Humihikbi akong nakatingin lang sa kanya.

"Stop, Primrose! I am your brother—"

"Bwisit!" galit na mura ko. "Hindi kita kapatid! Hindi ko alam kung paano mo nagawa ito, I don't even know what you're planning pero... please, umamin kang ikaw si Eris! Huwag niyo ako gawing baliw dito!" galit na sabi ko sa kanya. Huminga lang siya ng malalim na parang pagod nang makinig sakin. Hindi siya umimik.

"Si Tito? Eris... si Tito Alonzo, buhay pa siya diba? Sabihin mo saking buhay pa siya..." Pag mamakaawa ko.

"Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy mo." napaawang nalang ang labi ko. Napayuko nalang ako dahil napapagod na akong pilitin siyang umamin. Mukhang wala siyang balak na sabihing siya nga si Eris.

"Tulungan na kitang bumalik sa kwarto mo." sabi niya pa. Naramdaman kong inalalayan niya akong tumayo. Pagod na akong makipag talo kaya hindi na ako pumalag.

Hanggang sa pag lalakad patungo sa kwarto ko ay nakaalalay siya sakin. Ang pag hawak niya sakin... masyadong pamilyar. Ang init ng katawan niya ay katulad na katulad ni Eris. Kaya naniniwala parin akong... siya nga ito.

Nang makaupo na ako sa kama ko ay nag angat lang ako ng tingin sa kanya. Kunot noo naman siyang napatingin sa sahig kung saan nag kalat ang mga gamit kong natumba kanina. May mga basag pa. Sumulyap siya sa akin at kita kong gusto niyang mag tanong pero di niya ginawa.

Umalis lang siya saglit at pag balik niya ay may dala na siyang mga pang linis. Inayos niya lahat ng kalat at niligpit ang mga bubog. Nakatitig lang ako sa kanya habang ginagawa iyon.

Naalala ko si Eris... nong natapon ko ang kape noon... hindi siya nagalit, tahimik niya lang na nilinis iyon. Ganun din ngayon. Kaya alam kong siya nga si Eris. Kahit pinipilit niyang hindi, alam kong nag sisinungaling lang siya.

Nang makita kong natapos na niyang ligpitin ang kalat ay akmang tatalikod na siya sakin nang agad kong hilahin ang braso niya. Bago pa siya makapag salita ay hinila ko na ang collar niya payuko sa akin. Naramdaman ko pang nanigas ang katawan niya nang halikan ko na siya. Mabilis lang iyon dahil agad niya akong tinulak. Tumayo siya ng maayos at gulat akong tinignan.

"Have you lost your mind?! I'm your brother!" inis na sabi niya sakin. Napatiim bagang nalang ako at masama siyang tinignan.

"Hindi kita kapatid." madiin na sabi ko naman sa kanya. Pa-irap siyang tumalikod sa akin at nag lakad palabas ng kwarto. Sinarado niya rin ang pinto at naiwan akong tulala lang sa sahig. Naramdaman ko nalang na tumulo na ang luha ko.

Kinabukasan ay tulala lang akong nakaupo sa harap ng salamin. Sinusuklay ni manang ang mahaba kong buhok. Ang noong lagpas lang ng kaunti sa balikat ay ngayon halos hanggang baywang na. Hindi ko pa halos kayang suklayan ang sarili ko kaya si manang na ang gumagawa. Pinapatuyo niya rin iyon dahil kakatapos ko lang maligo.

"Manang... paano ko naging kapatid si... Elias?" tanong ko. Kita ko pang natigilan si Manang. Tinignan niya ako sa repleksyon ng salamin. Seryoso lang akong nakatingin sa kanya. Hinihintay ang magiging sagot niya.

"Diba nga po nong pinanganak kayo, nawala iyong kapatid mong lalaki? Ngayon ay nahanap na siya sa wakas! Tuwang tuwa si sir Vincenzo nang pumayag itong pumunta rito sa mansion." nakangiting sabi ni manang. Kumunot naman ang noo ko.

"Kailan po siya nakabalik rito?"

"Nong nakabalik ka rin dito ma'am... nong na coma ka, dumating na rin si sir Elias." agad kong naikuyom ang kamao ko. Paniguradong... si Eris nga siya. Nag papanggap lang siyang kapatid ko. Hindi man lang ba sila nagpa-DNA test?!

"Wala po bang DNA test na nangyari?" tanong ko nanaman. Mukha namang nag isip si manang.

"Ang alam ko po meron eh... hindi ko lang alam ang resulta, pero dahil nandito na si sir ay paniguradong positibo iyon!" nakangising sabi niya.

"Sino po ba ang doctor na kumuha ng mga samples niya?"

"Hindi ko po kilala ma'am eh... hindi iyon ang family doctor ng mga Monticelli." mas lalo lang lumakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi family doctor namin ang kumuha ng mga samples ni Eris... mas lalo lang akong nag hinala. Pwedeng-pwede madaya ang DNA test. Paniguradong may ginawa si Eris.

Hindi ko alam kung anong pinaplano niya pero alam kong hindi ito maganda. Bakit kailangan niyang mag panggap na kapatid ko? Bakit kailangan niyang mag panggap na hindi ako nakikilala? Na hindi kami kinasal? Na hindi kami magkakilala noon...

Napaayos ako ng upo nang biglang may pumasok sa isip ko. Nasunog ang bahay nila noon, kasama roon si ate Lucia, namatay si tito Alonzo na paniguradong kagagawan ni papa Vincenzo para makuha lang ako... nandito kaya si Eris para... mag higanti?

Galit siya kay papa Vincenzo.

Galit din ba siya sakin?

Papatayin niya ba kami?

The Escape In Your Embrace (Isla Primavera Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon