Chapter 20

3.4K 185 34
                                        


Makalipas ang ilan pang mga linggo. Laking pasasalamat ko na kahit papaano ay nagagawa ko nang mag lakad, kahit kailangan pang may umaalalay sa akin, mas okay na rin iyon kesa sa laging nakahiga lang ako sa kwarto. Gusto kong lumabas, gusto kong puntahan si Eris kaya sinisikap kong makalakad ulit.

"Manang... sabihan mo lang ako pag kakain na sila, gusto kong sumabay." nakangiting sabi ko sa kasambahay. Naguguluhan pa siya pero tumango nalang din.

Dahil nga nandito lang naman ako lagi sa kwarto, tuwing kakain na ay lagi lang akong hinahatiran ng pagkain. Ngayon, gusto kong bumaba. Hindi ko naman na kailangan ng wheelchair, kailangan ko lang magpapaalalay kay manang sa pag lalakad dahil kaya ko naman na.

Simula nong bumaba kami ng therapist kong si Ethan at nakita ko si Eris. Iyon na ang huli ko siyang nakita sa mga sumunod na linggo. Lagi ko siyang hindi naaabutan tuwing bumababa kami. Minsan ay hindi rin siya lumalabas sa atalier niya. Kaya ngayon... sasadyain kong lumabas tuwing kainan para talagang maabutan ko siya.

Nagpatulong na rin ako kay manang na mag bihis, nag suot lang ako ng babypink na dress na may mga disenyong bulaklak. Mahaba na rin ang buhok ko kaya nagpatuloy na rin akong magpasuklay. Hindi ko pa masyadong nagagalaw ang kamay ko. Marami parin akong hindi kayang gawin... kahit sa pag ligo ay hirap parin ako.

Nong una ay nag tataka pa ako kung bakit ako nagkaganito pero nang malaman kong halos nine months pala akong na coma ay hindi ako makapaniwala... nine months akong na coma? Isang himala na nagising pa raw ako.

Ilang oras akong tulala lang sa kama ko at nang pumasok na nga ulit si Manang galing sa baba ay nakangiti siyang lumapit sa akin.

"Ma'am, kakain na raw po." nakangiti niyang sabi.

"Nandoon po ba si Eris?" tanong ko. Kumunot naman ang noo niya. "Elias... si Elias." ulit ko nalang. Ngumiti naman siya sakin at mabilis na tumango.

"Ah, si sir Elias? Opo." agad naman akong nabuhayan. Nakangisi kong dahan-dahan na binaba ang mga paa ko. Nang maramdaman ko nang nakaapak na ako sa sahig ay sinubukan ko nang tumayo. Tinulungan naman agad ako ni Manang.

"Salamat po." agad na sabi ko.

Humawak ako sa balikat niya at sinubukan ko na ngang humakbang. Nanginginig pa ang mga tuhod ko at halos hindi ko pa maramdaman ang mga paa ko pero pilit ko parin itong hinahakbang. Halos ilang minuto na ang lumipas at ngayon lang kami nakalabas sa kwarto.

Pariho kaming napabuntong hininga ni manang nang makita na namin ang malaki at mataas na hagdan. Hilaw akong ngumiti kay manang at ganun din siya sakin. Wala na rin naman siyang magawa kundi ang alalayan akong bumaba ng hagdan. Ilang beses pa akong muntik nang matumba mabuti nalang at nakakapit naman ako agad.

Hanggang sa wakas ay nakarating na nga kami sa dining table. Unang dumapo ang mga mata ko sa taong noon ko pa gustong-gustong makita. Nakahalf ponytail ang buhok niya ngayon habang nakadark red na long sleeve. Nang mapansing nakalapit na ako ay bumaling siya sakin. Titig na titig lang ako sa kanya.

"Primrose... I'm glad na makakasabay ka saming kumain, sweetheart!" masayang sabi ni Beatrice, tipid akong ngumiti sa kanya.

Seryosong nakamasid lang si Papa sa akin kaya tahimik akong naupo sa upuan, halos katabi ko lang si Eris kaya muli ko siyang sinulyapan pero nag umpisa na siyang kumain.

"I've been keeping an eye on your recovery, Primrose..." nagulat ako nang biglang mag salita si Papa. Nag angat ako ng tingin sa kanya. Seryoso lang siyang kumakain. Nilalagyan naman ng mga kasambahay ng pagkain ang plato ko.

"The fact that you're sitting here with us, eating dinner again... it's more than we could have hoped for." nakangiting singit naman ni Beatrice. Hindi ko na siya pinansin. Nakatitig lang ako sa harap kong si Papa Vincenzo. Nakakatakot talaga ang awra niya, para siyang demonyo.

"And I must say, I'm impressed with how far you've come. Your strength is returning, and the progress is better than expected. It seems the physical therapy is working." dagdag nanaman ni Papa.

Sumulyap pa siya sakin at pinahiran ng tissue ang bibig. Nang mag tama ang mga mata namin ay agad akong nag iwas dahil natatakot ako sa kanya. Nag umpisa nalang akong kumain.

"I've made a decision. Since you're recovering well, there's no more reason to delay." kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Muli ko siyang tinignan. Seryoso parin siyang nakatingin sa akin.

"Delay what?" takang tanong ko. Uminom naman siya ng tubig at ngumisi sakin.

"Your wedding." agad akong napasinghap sa sinabi niya. Nabitawan ko pa ang hawak kong kutsara na agad ikinalukot ng mukha niya. Nilingon ko agad si Eris sa tabi ko na nag patuloy lang sa pagkain na parang wala man lang siyang paki sa narinig.

Anong wedding? Wedding ko?! Bakit ako ikakasal?! Kanino nanaman ba ako ikakasal?!

"Anong kasal?" di makapaniwalang tanong ko.

"Your wedding with Matteo Munzo... hija." ulit niya. Doon na ako naiyak. Hindi ko na napigilan ang luha ko dahil narinig ko nanaman ang putanginang pangalan na yan. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili.

"Hindi ako pwedeng ikasal sa lalaking yan!" naiiyak na sabi ko. Kumunot naman ang noo niya sakin. Maging si Beatrice ay napatingin na rin sa akin. Kita ko ring sumulyap si Eris. Mabigat na ang pag hinga ko sa sobrang galit.

"Why?"

"Kasi... kasi kasal na 'ko! Diba sinabi ko na nga sa inyo na kasal na ako?!" galit na sabi ko habang patuloy na tumutulo ang luha. Nag tataka naman akong tinignan ni Beatrice. Lumapit pa siya sakin at sinubukan akong pinapakalma pero agad kong inalis ang kamay niyang nakahawak sakin.

"You're not married! There's no proof of any marriage. Stop saying things that don't make sense!" umalingawngaw sa buong mansion ang napakalalim na boses ni Papa. Napapikit pa ako at napahikbi dahil hindi sila naniniwala sakin.

"Nag sasabi ako ng totoo! Kinasal ako, may asawa na ako!"

"At sino naman?!" bakas na sa boses niya ang galit. Nag mulat ako ng mata at agad na tinuro si Eris na ngayon ay pinapahiran na ng tissue ang bibig niya. Salubong ang kilay niyang napatingin sa akin nang mapansing tinuro ko siya.

"Siya... si Eris. Kinasal na kami—"

"That's your fucking brother, Primrose! Are you out of your mind?!" sigaw ni Papa sakin. Umiiyak akong napailing nalang. Tahimik lang na nakatingin sa akin si Eris.

"Sabihin mo sa kanya ang totoo! Please! Sabihin mong kinasal tay—" naputol ang sasabihin ko kay Eris nang biglang hampasin ni Papa ang mesa. Kita ko pa kung paano tumalon ang mga plato sa lakas ng ginawa niya. Napasigaw pa nga si Beatrice sa gulat.

"Enough with your nonsense!" sita niya sakin. Nakagat ko nalang ang ibabang labi ko at humihikbing napayuko. Ilang segundo kaming natahimik.

"The engagement party will proceed as planned. It's time to move forward." sabi ni Papa sa medyo kalmadong boses. Umiling ako agad at tinignan siya.

"No!"

"I've made my decision, Primrose. You will recover, and this engagement, this wedding... is going to happen." madiin na sabi niya sakin. Lumalabo na ang paningin ko dahil sa luha. Halos hindi ko na makita ng maayos ang mukha ni Papa pero kita ko paring mukha siyang demonyo.

"You will get back to your life. Your wedding is a part of that. I expect you to participate fully in the engagement party. There will be no more delays." dagdag niya pa. Huminga nalang ako ng malalim.

"Ayaw ko ngang makasal sa lalaking 'yon!"

"You will get well, and you will marry. This is what we agreed on, and it will happen. End of discussion!" galit na sigaw niya sakin. Napalunok nalang ako ng laway. Bumaling ako kay Eris na seryosong nakatingin lang kay Papa. Wala man lang ba siyang sasabihin?

"Elias, you are going to make your sister's wedding gown." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Papa. Sumulyap sa akin si Eris at ngumiti siya nang mag tama ang mga mata namin. Bakit siya ngumiti? Diba dapat hindi siya papayag?! Kasal kami tapos ikakasal ako ulit?!

"Of course pa, it would be a pleasure..." para akong sinaksak nang marinig kong sinabi niya iyon.

The Escape In Your Embrace (Isla Primavera Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon