Ilang linggo na ang lumipas at hindi ako mapakali sa kwarto ko, wala na akong ibang ginawa kundi ang magalit at umiyak. Pagkatapos nong araw na nakita ko si Eris dito sa kwarto ko ay hindi na siya ulit bumabalik dito. Pinipilit pa nilang Elias ang pangalan ni Eris kahit hindi! Siya si Eris!Pinipilit pa nilang ibang tao iyon pero alam kong siya 'yon... si Eris 'yon. Paano ko siya naging kapatid? Paano siya naging si Elias? Anong nangyari? Bakit ako na coma? Bakit sinasabi nilang nalunod ako? Bakit sinasabi nilang walang bahay na nasusunog?
Ilang linggo na akong nagising pero hindi ako makaalis sa kwarto na to dahil hindi ko magawang bumangon, hindi ko kayang mag lakad, hindi ko kayang gumalaw galaw na parang normal! Iyon ang isa sa mga ikinakagalit ko. Parang wala akong silbi. Gusto kong lumabas... gusto kong makita si Eris.
"Manang!" tawag ko sa isang kasambahay na nag lalagay ng mga preskong bulaklak sa flower vase malapit sa kama ko. Lumingon naman siya sa akin at ngumiti.
"Po, ma'am?" lumapit pa siya sakin.
"Tawagin mo si Eris..." agad na sabi ko. Nalukot naman ang mukha niya. Ilang beses na kasing ganito lagi ang sinasabi ko sa kanya. Halos umiyak na ako tuwing hindi nila napapapunta si Eris dito.
"Ma'am... wala po kaming kilalang Eris." nanghihinang sabi niya. Paulit ulit na rin ang sinasabi niya sakin.
Napabuntong hininga nalang ako at napatitig sa sahig. Ilang beses ko na ring sinabi sa kanila na si Eris ay iyong tinatawag nilang Elias. Pero hindi sila naniniwala. Tinitignan lang nila ako na parang nababaliw.
"Papuntahin mo siya rito." mahinang sabi ko habang tulala parin sa sahig. Napakamot naman sa ulo iyong katulong. "Eh, ma'am, paano nga eh hindi namin yan kilala..." parang naiiyak niya na ring sabi.
Bago pa ako makapag salita ulit ay bumukas na ang pinto. Napabuntong hininga nalang ako ulit nang makitang ang therapist ko iyon. Dahil nga hindi ko magalaw ng maayos ang katawan ko, hindi ako nakakalakad kaya kumuha sila ng therapist para tumulong sa akin.
Nakangiwi akong napalingon sa kasambahay nang bigla siyang ngumiti ng sobrang papansin, lalaki ang therapist ko at kahit papaano ay may itsura naman ito kaya napapansin ko sa mga kasambahay na kulang nalang humiling sila na sila nalang ang hindi makalakad para lang mapansin.
Walang ganang tinignan ko lang ang therapist nang ngumiti siya palapit sa akin. Ikalawang linggo niya palang ngayon na mag turo sa akin. Nong una ay tinuruan niya ako paano bumangon at umupo. Nahihirapan parin ako pero nakakagalaw naman na ako kahit papaano.
"How are you feeling, Primrose?" nakangiting tanong niya sakin at lumapit. Hindi ako sumagot at tinignan lang siya. Hinawakan niya naman ang mga tuhod ko at minasahe ito ng kaunti.
"We're going to try something new today, okay? Just standing up." sabi nanaman niya sakin. Tumango nalang ako. Kita kong gumilid muna ng kaunti iyong kasambahay namin at nakangiting nakatitig lang sa therapist ko.
"Pero pwede bang sa baba tayo?" tanong ko sa therapist. Natigilan naman siya at kunot noo akong tinignan.
"What do you mean?"
"Ayaw ko rito, ang pangit ng vibe... gusto ko sa baba. Sa living room... pwede bang doon mo nalang ako turuan ng kung ano-ano?" agad na tanong ko nanaman. Naguguluhan siyang lumingon sa kasambahay. Nilibot ko ang tingin sa buong kwarto at nang makita ko ang wheelchair sa gilid ay agad ko itong tinuro.
"Ibaba mo ako sa living room." ulit ko nanaman. Nang mukhang maintindihan na niya ang ibig kong sabihin ay ngumiti siya at tumango nalang. "Okay, sure..." Sabi niya lang at kinuha iyong wheelchair. Dinala niya ito sa harap ko.
Hindi ko na napigilan ang mapangisi nang tulungan niya akong maupo sa wheelchair. Ang saya ko dahil sa wakas ay makakalabas na ako ng kwarto! Sana nasa baba si Eris... gusto ko siyang makita. Ang dami kong gustong itanong. Gulong-gulo ang utak ko.
Masyadong malaki at malawak ang mansion kaya nang makalabas ako ng kwarto ay parang nalulula akong tignan ang buong paligid. Nakita ko pa sa baba na maraming kasambahay na abala sa mga gawain nila. Nang mag angat sila ng tingin sa akin ay ngumiti at yumuko pa iyong iba.
"Bubuhatin kita pababa, ayos lang ba sayo?" tanong sa akin ng therapist.
Tulala lang akong tumango. Napakapit nalang ako sa balikat niya nang maramdaman kong binuhat na nga niya ako. Hindi naman siya mahihirapan dahil malaki ang katawan niya. Kita ko namang kinuha nong katulong ang wheelchair ko habang buhat buhat ako ng therapist ko na pababa ng hagdan.
Nag angat ako ng tingin sa may pinto nang may marinig akong nag lakad papasok.
"Good afternoon po, sir Elias." rinig kong bati sa kanya ng mga katulong. Napaawang nalang ang labi ko nang mag tama ang mga mata namin ni Eris. Seryoso ang mukha niyang nag lalakad palapit sa amin. Nakasuot siya ngayon ng itim na longsleeve na turtleneck. Nakalukot iyon sa bandang siko.
Habang nakatitig ako sa kanya ay hindi ko maiwasang mapaluha, pinipigilan ko lang itong tumulo. Gusto ko siyabg lapitan. Gusto ko siyang yakapin. Gusto ko siyabg kausapin.
Dahan-dahang bumaba ang tingin niya sa kamay ng therapist ko na nakahawak parin sa akin habang buhat buhat ako. Nang tuluyan na nga siyang makalapit sa amin ay agad niyang binaling ang mga mata sa therapist.
"Where are you taking her?" tanong niya.
"She just prefers to do her therapy downstairs." nakangiting sagot naman ng therapist. Binaba na rin ng katulong ang bitbit na wheelchair kaya pinaupo ako ulit doon.
Hindi ko parin inaalis ang tingin kay Eris. Nang mapasulyap siya sa akin ay seryoso parin ang mukha niya. Tumango nalang siya sa therapist at akmang aalis na pero bago pa siya makalayo ay agad ko nang hinawakan ang kamay niya. Taka naman siyang lumingon sa akin.
Mas lalo ko lang siyang namiss nang mahawakan ko ang kamay niya. Ang init ng katawan niya... nararamdaman kong siya talaga ito. Bakit ba nila sinasabing hindi siya si Eris? Alam kong siya si Eris!
"Eris..." tawag ko sa kanya. Nag salubong naman ang kilay niya at dahan-dahang inalis ang hawak ko sa kanya. Nang tuluyan ko na nga siyang nabitawan ay ngumiti siya sakin. Nagulat pa ako dahil hindi ko inaasahan iyon.
"Primrose... my name is Elias." nakangiting sabi niya. Hinaplos niya pa ang buhok ko.
Hindi na ako nakagalaw nang tumalikod siya sakin at agad na nag lakad paakyat ng hagdan. Sinundan ko lang siya ng tingin.
"Alright, let's start Primrose." nakangiting sabi ng therapist ko pero hindi ko na magawang mag pukos dahil naiiyak ako. Bakit umaakto si Eris na hindi niya ako kilala? Bakit Primrose tawag niya sakin imbis na Hyacinth? Bakit niya sinasabing si Elias siya?
Walang gana kong sinusunod nalang ang mga tinuturo ng therapist sa akin. Lutang akong tinutulungan niyang tumayo, humakbang, umupo at kung ano ano pa. Hindi naalis sa utak ko ang nangyari kanina. Naiiyak ako tuwing naalala ko kung paano niya sabihing si Elias siya.
"Where's Elias?" biglang sulpot ni Papa Vincenzo. Seryoso ang mukha niya at derederetsong nag lakad lang papasok ng mansion. Ni hindi niya man lang ako kayang tapunan ng tingin.
"Nasa atalier niya po." sagot naman nong katulong. Nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig. Atalier? May studio ba siya? Anong ginagawa niya? Nag dedesign? Nag tatahi?! Agad na bumilis nanaman ang tibok ng puso ko.
"Manang..." tawag ko sa isang kasambahay na laging nakabantay sakin. Lumapit naman siya sakin.
"Ma'am?"
"Anong ginagawa ni Eri—Elias... sa atalier niya?" mahinang tanong ko. Ngumiti naman iyong katulong.
"Fashion designer po si sir kaya gumagawa siya ng mga damit at mga gown..." tuluyan na ngang nag wala ang puso ko sa narinig.
Tama nga ako, siya si Eris. Nag papanggap lang siyang si Elias... nag papanggap siyang kapatid ko. Bakit niya ba ito ginagawa?

BINABASA MO ANG
The Escape In Your Embrace (Isla Primavera Series #3)
RomanceOn a flower-filled island of Isla Primavera, Hyacinth runs away to escape an arranged marriage. She finds refuge with her mother's friend and meets Eris, a gay dressmaker. Desperate, she asks him to marry her to avoid her fiancé. Eris agrees, and th...