Chapter 18

3.2K 200 184
                                        


Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Malabo... umiikot ang paligid. Sumasakit ang ulo ko, ang sakit ng mga mata ko... masyadong maliwanag. Nang tuluyan ko na ngang mamulat ng maayos ang mga mata ko ay dahan-dahan kong nilibot ang tingin sa buong paligid. May nakikita akong mga monitors. Sobrang tahimik... ang naririnig ko lang ay mga machines.

Pamilyar sa akin pero hindi ko na matandaan kung saan. Na saan ako? Bakit ako nandito? Anong nangyari? Bakit hindi ko magalaw ang katawan ko? Hindi ko maramdaman ang katawan ko, parang mabibiyak na rin ang ulo ko sa sobrang sakit.

Napalingon ako sa may pinto nang bigla itong bumukas. Pumasok ang isang kasambahay. Nabitawan niya pa ang hawak na flower vase nang makita ako. Halos lumuwa na ang mga mata niya sa gulat.

"Gising na... gising na po siya!" natataranta siyang lumabas ulit sa pinto at tumakbo papunta sa hindi ko alam. Nakatitig lang ako doon dahil wala akong maintindihan sa mga nangyayari. Tulala lang ako. Ilang sandali lang nakarinig na ako ng mga yapak ng paa.

"Primrose... oh my gosh, finally! You're awake!" sinundan ko lang ng tingin si Beatrice... siya ang ikatlong asawa ni Papa Vincenzo. Nakasuot siya ng mahabang floral dress, kulot na kulot ang dulo ng blonde niyang buhok. Ang kapal ng make up at ang hahaba ng kuko. Mabilis siyang lumapit sa akin at agad na hinawakan ang kamay ko.

"Call Vincenzo! Tell him Primrose is awake!" utos niya sa mga kasambahay. Nag mamadali naman itong lumabas. Binalik ko ang tingin kay Beatrice na ngayon ay ngiting ngiti sa akin. Gusto kong mag salita pero hindi ko magawang igalaw ang bibig ko.

"I'm so happy na nagising ka na..." hinahaplos haplos niya pa ang kamay ko. Tulala lang ako sa kanya. Hindi nag tagal may pumasok na rin ulit sa pinto.

Napalunok ako ng laway nang makitang si Papa Vincenzo iyon. Seryoso ang mukha niya habang suot ang itim na suit. Nakakatakot ang awra niyang nakatingin lang sa akin. Hindi ko alam kung galit ba siya o masaya. Nabaling lang ang atensyon ko nang may lalaking lumapit sa akin, kita kong doctor iyon base sa suot niya.

Ngumiti si Beatrice at agad na tumayo nang lumapit na sa akin ang doctor. Sinuri niya ang katawan ko. Tahimik lang din siyang pinapanood nila Papa at ng mga kasambahay.

"Her heart sounds strong. Breathing's a little weak, but stable. Pupils reactive. Reflexes sluggish, but... she's here. She's really here..." Nakangiting sabi nong doctor. Kita ko namang nakahinga ng maluwag si Beatrice. Tumango tango naman si Papa.

"Is she going to be okay?" seryosong tanong ni Papa Vincenzo. Napapikit pa ako nang marinig ko ang napakalalim niyang boses. Parang boses... demonyo.

"She's waking up from a prolonged coma, so recovery won't be instant. She may be disoriented, confused, and physically weak. It'll take time, therapy, monitoring... but... this is a miracle. And a very, very good sign." nakangiting sabi nanaman nong doctor. Nag angat ako ng tingin sa kanya. Napaawang nalang ang labi ko sa narinig.

Na coma ako? Paano nangyari? Bakit ako na coma? Bakit nga ba ako nandito? Napapikit ako ng mata at bigla kong naalala ang mga nangayari... nasunog ang bahay. Si Eris ang kasama kong lumabas—nasaan si Eris? Nasaan si Eris?!

"Saan... si Eris?" nagulat pa ako sa sariling boses nang lumabas iyon sa bibig ko. Sobrang hina na halos hindi na marinig. Agad na lumapit sa akin si Beatrice, kunot ang noo niya.

"What is it Primrose?" tanong niya ulit, mukhang hindi nga nila narinig ang sinabi ko.

"Eris..." iyon lang ang lumabas sa bibig ko. Mas lalo lang kumunot ang noo niya.

"Who's Eris?" takang tanong niya. Tinitigan ko lang siya ng ilang segundo. Lumunok ako ulit ng laway.

"Asawa ko... nasan siya?" pinipilit ko pang mag salita dahil halos hindi ko na magalaw ang bibig ko at walang boses na lumalabas sa bibig ko. Napaayos naman ng upo si Beatrice at takang sumulyap kay Papa. Naguguluhan ding nakatingin sa akin ang doctor.

"Prim, you don't have a husband... you've never been married." naguguluhang sabi ni Beatrice. Nanlaki naman ang mga mata ko. Tinignan ko si Papa at kita kong kumunot na rin ang noo niya. Hinawakan ni Beatrice ang kamay ko.

"Si Eris... I remember him. We were married." Sabi ko nanaman. Natatandaan ko pa, pumunta ako sa kanila nong tumakas ako ng mansion. Pinilit ko siyang pakasalan ako... pinakasalan niya ako, siya ang gumawa ng gown ko nun. Nasaan siya? Ayos lang ba siya? Pariho ba kaming nakaligtas sa sunog na 'yon?

"There's no Eris. You've never been married. While you were in the coma... you were here. We were with you every day. But no one named Eris ever came." seryosong sabi sa akin ni Beatrice nakatitig lang ako sa kanya at hindi ko na namalayang tumulo na pala ang luha ko.

"What is she talking about, Dr. Alvarez?" tanong nanaman ni Papa.

"Ah, Mr. Monticelli, when the brain is in a prolonged coma, it can create entire experiences. Dreams that feel real. Emotions, relationships, places... even people. It's the mind's way of holding on." sabi nong doctor. Kunot noo ko siyang tinignan. Mas lalo lang lumakas ang pag tulo ng mga luha ko.

"Sinasabi mo bang hindi siya totoo?" napapaos na tanong ko. Bumibigat ang pag hinga ko. Galit kong tinignan ang doctor. Kita kong napabuntong hininga siya. "Sinasabi mo bang nanaginip lang ako?!" hindi ko na napigilang mapahikbi.

"It's understandable that you'd feel like Eris was real, Primrose. When people are in a coma, their minds create experiences, memories, and sometimes even people to help them through. These can feel incredibly vivid, like real interactions, but they're not always grounded in reality."

Napaawang na ang labi ko sa sinabi nong doctor. Kung nakakamatay lang ang tingin ay paniguradong hindi na niya magawang isalba ang sarili niya. Hindi ko na nagawang mag salita dahil puro hikbi nalang ang lumalabas sa bibig ko. Galit ko lang siyang tinitigan.

"Some even say they spent years somewhere else, had relationships, lived stories that felt more real than this moment. Some even come back speaking languages they didn't know." dagdag niya pa na mas lalo kong ikinaiyak. Tinitigan ko ang kamay ko at mas lalo lang nanikip ang dibdib ko nang makitang wala akong suot na singsing. May suot dapat akong singsing! Kinasal ako—kinasal kami!

"The human brain is incredibly powerful. When you're in a coma, it's not truly 'asleep.' It's in a state where your senses are quiet, but your mind is still working." rinig kong sabi nanaman ng doctor. Napapikit nalang ako ng mariin.

"Shut up!" galit na sigaw ko sa kanya. Humigpit naman ang hawak sa akin ni Beatrice. "Primrose..." pinapakalma niya ako pero mas lalo lang lumakas ang hagulhul ko.

Nasaan si Eris? Si Ate Lucia? Si Tito.... Si Tito Alonzo... natatandaan ko pa siyang nakahandusay sa sahig nong nasunog ang bahay.

"Diba na coma ako dahil nasunog iyong bahay... nasunog ang bahay. Sino ang kumuha sakin?! Alam kong ikaw ang nag sunog nong bahay! Isa kang demonyo!" galit na sigaw ko kay Papa. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin.

"Primrose! Walang bahay na nasusunog!" sigaw naman sa akin ni Beatrice. Humihikbi ko siyang tinignan. "Tumakas ka sa mansion diba? Natagpuan ka nalang na palutang lutang sa dagat!" natigilan ako sa sinabi niya.

Palipat lipat ang tingin ko sa kanilang tatlo. Patuloy parin sa pag tulo ang mga luha ko. Nag sisinungaling sila. Alam kong nag sisinungaling sila. Totoong nasunog ang bahay, totoong kinasal kami ni Eris. Totoo si Eris... ginagawa nila akong baliw. Totoo si Eris!

Halos ilang minuto rin akong umiiyak. Nag uusap usap lang si Papa at ang doctor. Marami itong bilin na mga dapat gawin ngayong nagising na nga ako. Natigilan lang sila sa pag uusap nang biglang bumukas ang pinto.

Nag angat ako ng tingin at parang tumigil sa pag pintig ang puso ko nang makita ko kung sino iyon. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Lalo lang akong nanigas nang mag tama na ang mga mata namin. Seryoso lang siyang nakatitig sa akin. Nakalugay ang mahaba niyang buhok, nakasuot siya ng itim na suit.

Si... Eris.

"Elias... your little sister is awake." nakangiting sabi ni Papa Vincenzo sa kanya. Agad akong natigilan sa narinig. Ngumiti lang sa akin si Eris. Ang ngiti na 'yon... tandang tanda ko pa.

Elias? Anong Elias?! Bakit Elias ang tawag sa kanya?

Little sister? Ako ba ang tinutukoy nila? Kapatid ako?! Nino?!

The Escape In Your Embrace (Isla Primavera Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon