Chapter 17

2.9K 184 50
                                        


"Eris, do you take Hyacinth to be your lawfully wedded wife, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, until death do you part?" sabi nong pastor sa harap namin. Tinignan ko si Eris at nakatitig lang din siya sakin.

Naka-low ponytail ang buhok niya ngayon. Ang gwapo gwapo niya sa suot na puting suit. Nililipad pa ng malakas na hangin ang iilang hibla ng buhok. May mga iilan pang petals na nag liliparan sa paligid. Pakiramdam ko ay nananaginip lang ako. Masyado siyang perpekto at hindi ako makapaniwalang totoong ikinasal kami ngayon.

"I do." agad na sagot niya. Nakagat ko ang ibabang labi para pigilan ang mapangiti.

"Hyacinth, do you take Eris to be your lawfully wedded husband, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, until death do you part?"

"I do." nakangiting sagot ko.

"Now, we come to the exchange of rings... a symbol of the promises you've just made and the lifelong commitment you're about to embrace." sabi nong pastor. Nakangiti siyang bumaling kay Eris.

"Eris, do you have the ring for Hyacinth?" agad namang tumango si Eris at may kinuha sa bulsa niya. Ngumiti pa siya sakin bago dahan-dahang hinawakan ang kamay ko. Kita ko pang napalunok siya ng laway bago nag salita. Nakatitig lang ako sa mukha niya.

"With this ring, I promise to love you with all my heart... I will stand beside you through every joy and sorrow, today and for the rest of our lives." kasabay nun ay nag pag suot niya sa akin ng napakagandang singsing. Nakaawang ang labi kong nakatitig lang doon.

"Hyacinth, do you have the ring for Eris?" tanong sa akin nong pastor, bago pa ako makapag salita ay inabot na sa akin iyon ni ate Lucia. Ngumiti ako sa kanya at binalingan agad si Eris. Tumango tango lang iyong pastor at nakangiting nakatingin sa amin. Huminga muna ako ng malalim nang hawakan ko ang kamay ni Eris.

"With this ring... I give you my heart. I promise to be there for you, to love you, to laugh with you, and to face every challenge together, forever." nakangiti kong sinuot iyon sa kanya.

"By the power vested in me, I now pronounce you husband and wife. You may kiss your bride." nakangiting anunsyo nong pastor. Parang sasabog na ang puso ko nang makitang mas lumapit si Eris sa akin. Dahan-dahan akong napapikit nang mapansing ang lapit na nga niya. Iyon nga lang napasinghap ako nang maramdamang...

Sa noo niya ako hinalikan. Napamulat ako agad ng mga mata at kita kong ngumiti lang siya sakin at lumayo na ulit. Busangot ko lang siyang tinignan dahil inaasahan kong sa labi niya ako hahalikan! Talaga bang... hindi niya kayang humalik ng babae?!

Nang marinig ko ang palakpak ni ate Lucia ay nabaling sa kanya ang atensyon ko. Nang matapos nga ang kasal ay pumasok lang kami ulit ng bahay. Hindi na rin naman nag tagal iyong pastor at umalis na. Dahil nga kaming tatlo lang naman nila ate Lucia rito ay kami kami lang din ang nag sa-salo-salo.

Nakatitig lang ako sa singsing na suot. Sobrang ganda nun at hindi ko inaasahang may hinanda rin pala talaga silang singsing para rito.

"Tinuloy niyo parin pala talaga?" sabay kaming napabaling sa pinto nang biglang pumasok si Tito. Agad akong napalunok ng laway. Deretso kay Eris ang tingin ni tito, halatang galit na galit. Nakaramdam agad ako ng takot. Alam kong nagagalit siya dahil baka mapapahamak lang kami...

"Kuya! Halika... sumali ka na sa inuman!" nakangising hinila ni ate Lucia si tito paupo, walang ganang sumunod naman si tito na galit paring nakatingin kay Eris. Hindi parin naaalis ang excitement ni ate Lucia lalo na ngayon na parang nalalasing na nga siya. Tumatawa na siya kahit wala namang nakakatawa sa mga nangyari.

The Escape In Your Embrace (Isla Primavera Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon