Nakatitig lang ako kay Eris habang tinatahi niya ang gown na susuutin ko. Nakaupo lang ako sa kama niya habang seryoso lang siya sa ginagawa niya sa harap ko. Sinusuri ko ang buong mukha niya dahil sobrang gwapo niya talaga. Bukas pa ang mga bintana sa kwarto niya kaya pumapasok ang malamig na simoy ng hangin. Nililipad nun ang nakahalf-ponytail niyang buhok.Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang sobrang ganda, may mahahabang daliri. Mas maganda pa ata ang kamay niya kesa sa mukha ko. Biglang pumasok sa utak ko ang sinabi ni Tito kanina na parang nag papakamatay kami sa gagawin namin. Nakaramdam agad ako ng pagaalala.
"Sigurado ka bang... okay lang sayo to?" mahinang tanong ko sa kanya. Tumigil naman siya sa ginagawa at nag angat ng tingin sa akin.
"Hindi ba't ito ang gusto mo? Why does it seem like you want to back out?" tumaas pa ang kilay niya sakin. Hindi naman siya mukhang galit, kung hindi ako nag kakamali ay bakas pa sa tono ng boses niya na parang nang aasar siya.
"Iyon na nga eh... gusto ko 'to pero paano ka? Kung napipilitan ka lang, huwag nalang siguro natin ituloy." nakayukong sabi ko. Ngayon ko lang din kasi naisip na baka nga mas magalit lang si Papa Vincenzo pag nalaman niyang ikinasal ako sa iba, baka mas pag iinitan niya pa si Eris. Nakakatakot isipin iyon.
"I'm good with it. How about you? Are you sure this is what you want?" mas lumapit pa siya sakin kaya napaayos ako ng upo. Tinitigan ko lang siya at kita kong umangat pa ang gilid ng labi niya. Talaga bang okay lang sa kanya?
"Hindi ka ba natatakot?" tanong ko. Pinaningkitan niya lang ako ng mata na parang sinusuri ako ng mabuti. Ilang sandali pa bago siya umiling.
"Who am I supposed to be afraid of?" mataray na tanong niya sakin. Walang gana siyang nag patuloy sa ginagawa. Ang hinhin niyang gumalaw pero sa nakikita ko ay malapit na niyang matapos iyong gown.
"Hindi pumayag si tito, mapapagalitan ka, at hindi ka ba natatakot na baka pag initan ka ng Papa ko dahil... ikaw ang pinakasalan ko?" tanong ko naman. Nag buntong hininga lang siya.
"Let's cross that bridge when we get to it." malambing niyang sabi sakin. Ngumiti pa siya sakin. Tumango nalang din ako. Naiintindihan ko ang ibig niyang sabihin... pero hindi ko maiwasang isipin ang mga pwedeng mangyari sa susunod.
"It's almost done..." sabi niya pagkatapos ng ilang oras. Agad akong nabuhayan at nakangising lumapit sa kanya. Tumayo naman siya habang hinihilot ang batok. Excited kong tinignan ang gown nang itaas niya iyon. Agad akong napatakip ng palad sa bibig sa sobrang pagkamangha.
"Ang ganda ganda!" kinikilig na sabi ko. Pinipigilan ko lang na mapatili ng malakas. Pinasadahan ko ng kamay ang gown at mas lalo lang akong namangha nang maramdaman kong may mga maliliit na detalying nakalagay sa bandang baywang nun. Ang ganda!
Ngayong tinitigan ko ito ng mabuti ay kita kong katulad iyon nong ginuhit kong wedding gown na gusto ko. Nakanganga kong nilingon si Eris. Sobrang saya ko dahil talagang sinunod niya iyong gusto ko. Mas maganda nga lang at hindi nag mukhang turon!
"Sinunod mo pala iyong sketch ko..." nakangising sabi ko. Tumango lang siya sakin.
"Napansin kong gusto mo ang sheath silhouette kaya iyon na ang ginawa ko." sabi niya lang. Mangha ko lang siyang tinignan at tinitigan ang wedding gown. Hindi ko aakalaing mangyayari talaga ito. Ang mas nakakamangha pa ay ang mismong groom ko ang gumawa ng gown ko.
"Ang galing mo." nakangiting sabi ko. Tinitigan niya lang ako at hindi na ulit nag salita pa. Pagkatapos niya ngang ipakita ang kabouhan nito ay pinag patuloy niya lang ulit ang pag tapos nun. Hindi na rin naman ako ang tagal sa kwarto niya at umalis na ako nang makaramdam ako ng antok.
Nang makalipas ang iilan pang mga araw, palapit ng palapit na rin ang kaarawan ko. Nag hahalo ang excitement at kaba ko. Kinikilig ako tuwing naiisip kong ikakasal ako kay Eris. Kahit wala naman talagang namamagitan sa aming dalawa, masaya parin ako dahil ikakasal ako sa kanya!
Bukas na ang kaarawan ko at bukas na rin ang kasal. Wala namang ibang nakakaalak nun kundi kaming apat lang nila Tito at ate Lucia. Ang inaasahan ko nga ay may pipirmahan lang kaming papel at tapos na, pero nalaman kong may mangyayari palang seremonya kaya mas lalo lang akong kinilig!
"Ito... pirmahan niyo." may inabot na papel si ate Lucia. Inabutan niya rin ako ng ballpen kaya agad ko itong pinirmahan lalo na nang makitang marriage license iyon.
Akmang babasahin ko pa ang mga nakalagay pero agad na niya itong binawi at inabot kay Eris. Nakagat ko nalang ang ibabang labi para pigilan ang mapangiti nang makitang pinirmahan nga rin iyon ni Eris. Nang matapos ay kinuha na rin iyon ni ate Lucia.
"Grabe! Excited na ako! Bukas na ang kasal!" tumitiling sabi ni ate Lucia.
"Sino po ang ikakasal?" lahat kami ay natahimik nang biglang pumasok si Bella. Kunot noo siyang nag lakad palapit sa amin. Nauubo namang tumikhim si ate Lucia.
"Si Eris." sagot ni ate Lucia. Nanlaki naman ang mga mata ni Bella sa gulat. Tinignan niya pa si Eris na parang hinihintay niyang sabihin nito na biro lang iyon.
"Huh? Si Eris? Paanong... kanino?" naguguluhang tanong niya. Nagulat naman ako nang ituro ako ni ate Lucia gamit ang nguso niya. Mas lalo lang nanlaki ang mga mata ni Bella nang mapatingin siya sakin.
"Ano?! Hindi ba... bata pa si Hya?" takang tanong niya pa.
"Eighteen na siya bukas..." sagot lang ni Lucia.
"Bakit po parang biglaan naman yata?"
"Eh sa gusto nila ang isa't isa, wala na tayong magagawa." natatawang nag kibit balikat pa si ate Lucia. Hindi na nakapag salita pa ulit si Bella. Nag umpisa lang sila sa mga dapat nilang gawin.
Kinabukasan nga ay maaga akong nagising dahil may malakas na kumakatok sa pinto ng kwarto ko. Kinukusot ko pa ang mga mata ko at agad na bumangon. Pag bukas ko ng pinto ay bumungad agad sa akin ang nakangising mukha ni ate Lucia.
"Happy birthday, Hyacinth!" masayang sabi niya at agad na nilapit sa akin ang hawak na cake. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil hindi ko inaasahan na may cake ako. "Hipan mo na!" sabi niya pa kaya natatawa kong hinipan iyong kandila.
Pumasok naman siya sa kwarto ko at nilapag sa bedside table ang hawak na cake. Nagulat ako nang agad siyang lumapit sa akin at tinulak ako papasok ng banyo.
"Maligo ka na dahil ngayon ang kasal mo!" sabi niya sakin nang makapasok na ako ng banyo. Napaawang nalang ang labi ko dahil ngayon ko lang naalala iyon. Ngayon nga pala ang kasal namin ni Eris.
Nang matapos akong maligo ay lumabas na agad ako. Kita kong nasa loob na ng kwarto ko ang gown na susuutin ko. Nanlaki ang mga mata ko sa sobrang ganda nun. Naiiyak ko itong nilapitan at hinawakan, sobrang lambot ng tela... sobrang ganda. Hindi ako makapaniwalang ako ang susuot nun!
"Tulungan na kitang mag ayos, Hya." nakangiting lumapit sa akin si ate Lucia. Pinatuyo niya pa muna ang buhok ko. Inayusan niya na rin ako, magaling siyang mag make up kaya mabilis niya lang itong natapos.
"Naiiyak ako! Ang ganda ganda mo!" niyakap pa ako ni ate Lucia nang matapos niya akong ayusan. Nasuot ko na rin ang gown kaya tulala lang ako sa harap ng salamin. Naka-bun ang buhok ko ngayon kaya kitang kita ang mukha ko. Ang ganda ko at ang ganda ng gown! Parang gusto ko na rin umiyak nang makita ang sarili ko sa salamin. Umikot ikot pa ako para makita ito ng maayos.
"Bagay na bagay sayo ang wedding gown mo, Hya..." rinig kong sabi pa ni ate. "Bumaba na tayo... nag hihintay na sila sa labas." sabi niya sakin. Nakangiti akong tumango sa kanya at bumaba na nga kami.
Nang makalabas kami ng bahay ay inalalayan ako ni ate Lucia na mag lakad sa may buhanginan. Tanaw na tanaw ko sa di kalayuan... malapit sa dagat, ang mga nag gagandahang mga bulaklak. Nilibot ko ang tingin sa buong paligid at naiiyak akong makita na sobrang ganda nun.

BINABASA MO ANG
The Escape In Your Embrace (Isla Primavera Series #3)
RomanceOn a flower-filled island of Isla Primavera, Hyacinth runs away to escape an arranged marriage. She finds refuge with her mother's friend and meets Eris, a gay dressmaker. Desperate, she asks him to marry her to avoid her fiancé. Eris agrees, and th...