Alvira"Oh my gosh! I'm so excited! Happy birthday, baby Aela!" hinalikan pa ni Tita si Aela. Nakikiliti naman itong umiiwas sa kanya habang humahagikhik.
"Are you ready to ride a pony, sweetheart?" nakangising tanong naman ni Tito, ginulo niya pa ang buhok ni Aela.
"Yes! Yes! Daddy-lo, I'm gonna ride a baby pony!" excited na tumalon talon naman si Aela nag bobounce pa ang suot niyang pink dress na agad namang ikinatawa nila Tita.
"I'm riding the real horse. Not the baby one." mayabang na singit naman ni Levi habang pababa sila ng hagdan ni ate Donna. Kita ko pa kung paano napangiwi si ate Donna sa sinabi ng anak niya. Natawa nalang ako.
"Ponies are cuter." mataray na lumapit naman sa amin si Sammie, inirapan niya pa si Levi. Kahit talaga bata ay hindi niya pinapalampas.
"Ponies are for babies. Horses are for cowboys. And I'm a real cowboy." pag paparinig nanaman ni Levi.
Kita kong akmang may sasabihin nanaman si Sammie pero agad ko siyang sinabunutan. Mabilis lang naman iyon dahil agad siyang napanganga sa ginawa ko. Inis niya pa akong nilingon.
"Hello, sweethearts!" lahat kami ay napalingon sa bagong dating na si Yiren.
May suot pa siyang sunglasses na agad niya rin namang tinaas sa ulo niya. Nakabutton down longsleeve siya na kulay mint green na bukas ang mga naunang butones. Mabilis siyang nag lakad palapit kay Aela.
"Happy birthday, unicorn fairy!" bati niya kay Aela, inikot ikot niya pa ito.
"Yiren, I missed you so much hijo." naiiyak na lumapit naman si Tita sa kanya at niyakap siya.
"I missed you too, tita!" nang matapos silang mag yakapan ay sunod namang yumakap si ate Donna. Nalaman ko nga na noong nasa Canada ako ay hindi rin pumupunta rito si Yiren.
"I missed you too, babe." pabiro niya pa akong niyakap, natatawa ko nalang na tinapik ang likuran niya. Kumalas lang siya sakin nang biglang may tumikhim sa likuran niya. Walang gana niya naman agad na nilingon si Sammie.
"How about me? Di mo na miss?" taas kilay na tanong ni Sammie pero hindi siya pinansin ni Yiren at nilapitan nalang agad si Aela. Umirap nalang si Sammie sa hangin.
"Okay na ba lahat? Tara na." yaya ni kuya Larry na sumilip lang sa pinto. Tumango naman sila Tita at excited na nga silang naunang lumabas. Sumunod naman kami agad. Nang makalabas kami ng bahay ay kita kong iisang kotse lang sila tita at ate Donna. Iba naman ang amin ni Sammie.
Nang makalapit kami sa kotse ay pinasakay agad ni Sammie si Aela sa backseat. Inayos niya lang ito at nang matapos ay pinag buksan niya na rin ako ng pinto sa front seat. Pumasok naman ako agad at kita kong umikot siya papasok sa driver's seat.
Napasinghap pa ako nang bigla siyang lumapit sa akin para ayusin ang seatbelt ko. Nakatitig lang ako sa mukha niyang sobrang lapit, nag angat naman siya ng tingin sa akin, mabilis siyang ngumisi at bago pa ako makapalag ay hinalikan na niya.
Iyon nga lang, naputol din ito agad dahil biglang bumukas ang pinto sa backseat. Sabay kaming napalingon doon at gulat ko lang na tinignan si Yiren na nakangiwi na ngayon.
"Oh my gosh! That was horrific, traumatizing, appalling, soul crushing, nightmarish, gut-wrenching... unbearable!" di makapaniwalang sabi niya. Napatakip pa siya sa bibig niya na parang naiiyak na natatakot na nasusuka. Tangina, nakita niya?!
"What the fuck are you doing here, Yiren?" inis na tanong naman ni Sammie sa kanya.
Huminga ng malalim si Yiren at napapikit pa siya ng mariin na parang pinapakalma ang sarili. Nang mag mulat siya ng mata ay nakangiwi parin siya pero agad ding pumasok sa backseat na mas lalong ikinalukot ng mukha ni Sammie.

BINABASA MO ANG
A Feeling I Couldn't Resist (Vexed Men Series #5)
RomanceLyssam "Sammie" Sandoval, a gay man, never imagined that a single night with his friend, Alvira Silvas, would change everything. Habang nilalabanan ang kalituhan sa kanyang kasarian, nahihirapan siyang harapin ang sitwasyon kaya naman iniwan siya n...