Chapter 14

3.3K 206 58
                                        


Dahil nga sa nalaman ko ay buong araw akong nakakulong lang sa kwarto ko. Wala na akong ibang ginawa kundi umiyak. Hindi nawawala sa isip ko si Mama Marcella. Sinisisi ko ang sarili ko kung bakit iyon nangyari sa kanya.

Kung alam ko lang na ganito ay baka mas pipiliin ko pang mag dusang ikasal sa lalaking hindi ko kilala kesa ang mawala si Mama Marcella. Hindi ko rin naman inaasahan na kayang gawin iyon ni Papa sa sarili niyang asawa. Alam kong hayop siya pero hindi ko inaasahang ganun na siya ka demonyo.

Natatakot din ako, alam kong bilang nalang ang mga araw ko rito. Hinahanap na nila ako, maraming tauhan si Papa Vincenzo kaya alam kong mahuhuli rin nila ako agad. Hindi nila ako kayang patayin pero para na rin akong pinapatay kung makakasal ako sa Matteo na 'yon.

Paano kaya kung aalis ako rito? Aalis ako ng Isla Primavera. Habang maaga pa ay mas mabuti sigurong lumayo ako. Ayaw ko ring madamay sila tito Alonzo kung sakaling umabot na rito ang mga tauhan ni Papa. Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at nag umpisa na nga akong ligpitin ang mga gamit ko. Umiiyak ako habang ginagawa iyon. Malalim na ang gabi kaya paniguradong tulog na rin sila ate Lucia. Nang matapos akong mag imapake ay nakatayo lang ako sa harap ng salamin. Tinitigan ko ang sarili kong pulang pula na ang mukha kakaiyak.

Sinubukan kong dumungaw sa bintana pero hindi ko kayang dumaan doon dahil masyadong mataas. Baka mabalian pa ako kung tatalunin ko iyon. Dahan-dahan nalang akong lumabas sa kwarto. Mabagal at tahimik ang bawat hakbang ko pababa ng hagdan. Medyo madilim na ang living room.

Nakailang hakbang na ako pababa nang biglang may pumigil sa braso ko. Napasinghap pa ako sa gulat. Lumingon ako sa likuran at nanlaki ang mga mata ko nang makitang si Eris iyon. Kunot noo niya lang akong tinignan. Bumaba ang mga mata niya sa hawak kong bag.

"Where are you going?" pabulong pero madiin niyang tanong. Napalunok lang ako ng laway. Pinipigilan kong tumulo ang luha ko. Bago pa ako makasagot ay hinila na niya ako paakyat ulit ng hagdan. Mas malakas siya sakin kaya wala na akong nagawa.

Nagulat pa ako nang mapansing sa kwarto niya pala niya ako dinala. Nang makapasok kami ay agad niyang sinara ang pinto. Binuksan niya ang mga ilaw kaya ngayon ay kitang kita ko na ang itsura niya. Nakalugay lang ang mahaba niyang buhok, seryoso pero maamo ang nukha. Nakasuot lang siya ng loose na puting longsleeve at itim na pants.

"So, saan ka pupunta?" tanong niya ulit sa akin dahilan para bumalik ang tingin ko sa mukha niya. Hinihingal din siya at kung hindi ako nag kakamali ay parang nag aalala siya.

"Aalis. Gusto kong tumakas—"

"Hindi ba't tumakas ka na? Kaya ka nga nandito dahil tumakas ka sa inyo." pinaningkitan niya pa ako ng mata, mukha siyang galit pero ang hinhin naman ng boses niya. Napayuko nalang ako dahil naiiyak nanaman ako.

"Mahahanap at mahahanap din ako nila Papa... gusto kong lumayo dahil ayaw ko kayong madamay. Baka pag pumunta sila rito ay mahuhuli nila ako. Ayaw kong makasal sa Matteo na 'yon kaya aalis ako. Gusto kong umalis ng Isla."

"You can't leave Isla Primavera anymore. When they found out you were missing, they had every part of the island guarded to make sure you couldn't escape... ang dapat mo lang gawin ay mag tago rito." madiin niyang sabi. Nanlaki naman ang mga mata ko sa nalaman. Bantay sarado na ang buong Isla para hindi ako makalabas?!

Mas lalo lang akong naiyak. Napayuko nalang ako dahil hindi ko na alam ang gagawin. Nilalamon na ako ng takot at ng lungkot. Iniisip ko pa si Mama Marcella... nag babakasakali parin akong buhay pa siya. Sana buhay siya. Sana hindi iyon totoo.

Nanigas ako nang maramdaman kong may humaplos ng ulo ko. Dahan-dahan akong nag angat ng tingin kay Eris. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Naiiyak ko lang siyang tinignan hanggang sa hindi ko na nga napigilan at niyakap ko na siya. Mas lalo lang lumakas ang hikbi ko nang maramdaman kong niyakap niya rin ako pabalik.

Ang init ng katawan niya... mahigpit ang yakap niya sakin pero hindi ako nasasaktan, kumakalma lang ako, pakiramdam ko ay ligtas ako sa mga bisig niya. Napapikit na ako nang maramdaman kong hinahagod niya ang likuran ko. Until-unti na ring nawala ang mga hikbi ko.

"You should stay here..." rinig kong bulong niya. Nag angat ako ng tingin sa kanya at nakatingin lang din siya sakin.

"May nagugustuhan ka ba?" biglang tanong ko. Taka niya lang akong tinignan. "Do you have someone... you love?" tanong ko nanaman mas lalo lang siyang naguluhan pero dahan-dahan siyang umiling.

"Marry me." agad na sabi ko. Naramdaman ko namang nanigas ang katawan niya. Nakatingin parin siya sakin pero halata sa mukha niyang hindi niya inaasahan na sasabihin ko iyon. Unti-unti siyang lumayo sakin.

"Kahit huwag mo na akong gustuhin... basta hindi lang ako makasal kay Matteo." mahinang sabi ko. Nakagat ko pa ang ibabang labi ko. Kita kong bumaba ang tingin niya doon pero agad din siyang umiwas ng tingin at napasuklay ng daliri sa buhok niya. Nakatitig lang siya sa pader na parang nag iisip.

"Aren't you being a little too selfish to say that? Parang sinabi mo na rin na pumayag akong gamitin mo." mahina pa siyang natawa pero tawang hindi naman natutuwa. Nag buntong hininga nalang ako. Tama nga siya... gagamitin ko lang siya kung ganon.

"Huwag na pal—"

"Fine. We can get married, but only for the title. Don't expect anything else from me." putol niya sakin. Napaawang naman ang mga labi ko. Halos lumuwa na ang mga mata ko sa sinabi niya. Gulat ko siyang nilapitan, naalarma pa siya nang hawakan ko ang kamay niya.

"Talaga?! Pumapayag ka na?!" di makapaniwalang tanong ko. Napatiim bagang naman siya at pa-irap na umiwas ng tingin. Mas lalo lang lumapad ang ngisi ko nang makitang tumango siya. Agad kong sinampal ang mukha ko dahil baka nanaginip lang ako. Nagulat pa siya sa ginawa ko pero wala na akong paki.

"Totoo?!" di parin ako makapaniwala. Hindi na siya umimik at seryoso lang akong tinignan. Nag tatalon na nga ako sa tuwa. Nang maalala ko ang sinabi niyang papakasalan niya lang ako sa papel ay biglang may pumasok sa isip ko.

"Pero gusto kong... mag suot ng gown." nahihiya kong sabi. Nagulat naman siya. Ilang segundo rin kaming binalot ng katahimikan. Mas lalo lang akong nakaramdam ng hiya nang hindi talaga siya ang salita!

Taka ko lang siyang tinignan nang mag lakad siya patungo sa isang cabinet at may kinuhang... tape measure. Napatakip nalang ako sa bibig ko nang makitang nag lakad na siya palapit sakin. Talaga bang gagawin niya?!

"Come here..." malambing niyang sabi. Hindi na ako nakapag salita nang maupo siya sa kama niya at hinila niya ako palapit sa harap niya.

Nakatingala lang siya sakin habang inaayos ang hawak na tape measure. Sobrang bigat na ng pag hinga ko dahil ang lapit lapit niya sakin. Nang tignan niya ako sa mata ay napasinghap pa ako sa gulat dahil... ang titig niya... nakakatunaw.

Dahan-dahan niyang tinaas ang dalawang braso ko. Mas lalo lang nag wala ang puso ko nang maramdaman kong nilibot niya sa may dibdib ko ang hawak na tape measure. Pakiramdam ko mamamatay na ako. Nakatitig lang siya sa katawan ko habang ginagawa iyon. Nang matapos ay nakahinga ako ng maluwag. May sinulat siya sa isang notebook.

Nang humarap siya ulit sa akin ay bumaba naman ang kamay niya sa baywang ko. Naninigas nanaman ang katawan ko. Kahit hindi naman masyadong nadidikit ang kamay niya sa katawan ko ay nararamdaman ko paring ang init nun.

Mas lalo lang parang sasabog na ang puso ko nang bumaba na sa balakang ko ang kamay niya. Bukas pa naman ang bintana ng kwarto niya, pumapasok ang preskong hangin pero pakiramdam ko ang init init. Hindi ako makahinga. Sumulyap pa siya sakin, nang mag tama ang mga mata namin ay pilit akong ngumiti, tinaasan niya lang ako ng kilay at binaba na niya ang kamay niya. Sinulat niya ito ulit sa notebook.

Marami pa siyang sinukat na parte sa katawan ko. Saktong natapos iyon ay nanghihina na ang tuhod ko. Nakahinga lang ako ulit ng maayos nang tumayo na siya at nilagay sa bedside table ang notebook na hawak niya.

Sinundan ko lang siya ng tingin nang buksan niya ang wardrobe niya. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may kinuha siyang tela doon. Dali-dali akong lumapit nang makitang pamilyar iyon. Mas lalo lang akong namangha nang mahawakan ko na ito. Iyon ang telang nahawakan ko sa fabric shop na gustong gusto ko.

"Binili mo pala yan?!" di makapaniwalang tanong ko. Hindi naman siya umimik at nilabas lang iyon. Kumuha siya ng kung ano anong gamit na parang gugupitin niya na iyon.

"Gagawin mo na agad ang gown?" tanong ko nanaman. Sumulyap lang siya sakin at tumango.

"I'll do it now, we don't have much time left." sabi niya lang.

The Escape In Your Embrace (Isla Primavera Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon