Hindi ko na napigilan ang pag tulo ng luha ko habang nag lalakad lakad lang sa kalsada. Pinagalitan ako nong taxi driver, galit na galit siya sakin nong umalis siya dahil wala nga akong nabigay na pera. Pero ang mas ikinaiyak ko ay ang nakita ko kanina.Nag hahalikan si Eris at Bella. Naiinis ako. Wala naman dapat akong karapatang mag selos pero nag seselos parin ako! Naiinis ako dahil bakit ang bata bata ko pa? Kung magkaedad lang din ba kami ni Eris... magugustuhan niya rin ako? Pwede ko rin ba siyang halikan ng ganun?
Natigilan ako sa pag lalakad nang matanaw ko ang napakagandang dagat. Kahit gabi na ay kitang kita parin ito dahil ang liwanag ng buwan. Huminga ako ng malalim at pinahiran ang luha ko.
Nililipad ng hangin ang buhok ko, kasabay nun ay ang pag hampasan din ng mga bulaklak sa paligid. Ang lakas at lamig ng hangin... niyakap ko nalang ang sarili ko dahil ang nipis ng suot kong dress. Napasinghap ako nang biglang may nag lagay ng jacket sa balikat ko. Agad kong nilingon iyon at mas lalo lang akong nagulat nang makitang si Eris iyon.
"Put that on, you're cold." sabi niya lang. Kumurap kurap naman ako dahil hindi ako makapaniwalang nandito siya ngayon sa harap ko. Luminga-linga pa ako sa paligid dahil baka nandito rin si Bella pero wala.
Binalik ko ang tingin kay Eris na ngayon ay nakapamulsang nakaharap na rin sa dagat. Sinuot ko nalang ang bigay niyang jacket.
"Bakit ka nandito?" busangot na tanong ko. Sumulyap naman siya sakin at tinaasan ako ng kilay. Nililipad ng hangin ang buhok niya, kahit madilim... kitang kita parin ang gwapo niyang mukha.
"I should be the one asking you that." madiin na sabi niya. Nakagat ko naman ang ibabang labi ko at napaiwas nalang ng tingin. "Didn't I tell you to go with Lucia? Bakit ka sumunod dito?" dagdag niya pa.
Muli ko siyang nilingon, titig na titig ako sa mga mata niya at ganun din siya sakin. Bumaba ang tingin ko sa labi niya at pumangit agad ang pakiramdam ko nang maalala ang nakita kanina. Nag halikan sila ni Bella.
"Do you like Bella?" mahinang tanong ko sa kanya. Kita kong nanlaki ang mga mata niya sa gulat pero mabilis lang iyon, agad din siyang kumurap kurap at unti-unting kumunot ang noo.
"No." mabilis na sagot niya.
"Bakit mo siya hinalikan?" hindi ko na napigilan ang mapatanong, bakas din sa boses ko ang inis pero wala na akong paki. Alam kong napapansin niya iyon. Napaawang naman ang labi niya sa gulat. Tumikhim siya at nag iwas ng tingin.
"Hindi ko siya hinalikan. Umuwi na tayo, ang lamig na dito, you could catch a cold." agad niya akong hinahawakan sa braso para sana umalis na pero agad kong iniwas iyon. Busangot ko parin siyang tinignan. Napabuntong hininga naman siya, kita ko pang inayos niya ang lumilipad niyang buhok.
"I'm gay... hindi ko kayang humalik ng babae. I didn't kiss her. Let's go home." ulit nanaman niya. Para namang kumirot ang puso ko sa sinabi niya, hindi niya kayang humalik ng babae?! Parang sinabi niya na rin na kahit ako ay hindi niya kayang halikan.
"Hindi mo kaya? Nasubukan mo na ba?" taas kilay na tanong ko. Mas lalo lang nag salubong ang mga kilay niya. Nag lakad ako sa kanya palapit. Kita ko namang napaayos siya ng tayo.
"You never know until you try, right?" nakangising tanong ko pa nang makatayo na ako sa harap niya. Halos mag dikit na ang mga katawan namin. Nakatingala lang ako sa kanya at nakatitig lang din siya sakin. Nang akmang titingkayad na ako para abutin siya ay agad siyang umatras.
"Kissing a girl is one thing... but a minor? Hyacinth, that's where I draw the line." madiin na sabi niya sakin. Hindi nakatakas sa mga mata ko ang pag angat ng gilid ng labi niya. Napalunok nalang ako ng laway.

BINABASA MO ANG
The Escape In Your Embrace (Isla Primavera Series #3)
RomanceOn a flower-filled island of Isla Primavera, Hyacinth runs away to escape an arranged marriage. She finds refuge with her mother's friend and meets Eris, a gay dressmaker. Desperate, she asks him to marry her to avoid her fiancé. Eris agrees, and th...