Alice's POV
“Mi’ lady, what brings you here?” Tanong ni Almira na may ngiti sa labi. Ang mga mata nya ay sumuyod mula ulo hanggang sa paa ko, parang sinisilip ang kaluluwa kong basag at pagod.
“Anong nangyari sa’yo? Para kang patay na biglang nabuhay?” Sabi niya na parang biro— Pero totoo. Ganun nga yata ako ka-lugmok.
“Ganon na ba ako kapangit tignan?” Bulong kong puno ng sakit.
“Kaya siguro hindi ako minahal ng sarili kong asawa— kasi ang pangit ko na. Wala nang sigla, wala nang ningning.”
Umiyak ako. Hindi ko na pinigilan.
Minsan kasi, pag sinabi mong okay ka, mas lalong sumisikip.“Asawa? May asawa ka na?” Gulat ni Almira, At napatawa ako—ironic, dahil kahit ako, minsan, di ko na rin alam kung asawa ba talaga ang turing niya sa akin.
“Oo, meron na.” At ngumiti ako ng mapait, tulad ng kape sa madaling-araw—mainit, mapait, pero gising ka.
“Shit! I’m sorry. Sa elevator… yung pag-akbay… Baka patayin ako nung asawa mo!”
Napailing ako.
“Akbay lang ‘yon. Wala namang halong malisya. At saka—hindi siya magagalit.
Dahil hindi naman ako ang mahal nun.”“Ha? Pero… bakit ka nya pinakasalan?”
Tama. Bakit nga ba? Ako’y nagbigay ng buong puso, pero siya— nagbigay lang ng pirma sa kontrata.
“I love her kaya ko siya pinakasalan.
Pero siya… Pinakasalan niya ako para sa negosyo, Para sa kumpanya niya.”“Her? Babae?” Tanong ni Almira, parang ang mundo niya'y sandaling natigil.
“Wait—wag mong sabihing... Ikaw yung asawa ng pinsan ko?”
“Sino bang pinsan mo?”
“Si Theresia... tama ba? Siya ‘yung tinutukoy mong asawa right?”
Para akong tinamaan ng kidlat.
Theresia.
Isang pangalang ayaw marinig ni Risa, isang pangalang nagdadala ng alaala ng inang iniwan siya.
“I'm Almira Hontiveros. Magkapatid ang ama ko at ama niya.”
Tumango ako, maliit at mahina.
“Y-yeah… siya ang asawa ko.”
“Pero hindi ikaw ‘yung nasa news at dyaryo. Hindi din ikaw ‘yung kasama niya sa social media?”
“That’s because… Kapatid ko ang kasama niya. Hindi ako.”
At doon, muli akong gumuho. Ang buong mundo, inaakala na si Sheila ang asawa ni risa. Ang sweet nila sa camera, pero ang tunay na asawa, Nandito— tahimik, nag-iisa at sugatan.
Nangmapansin iyon ni Almira ay agad naman itong humingi ng tawad.
“Sorry, mi' lady. Hindi ko sinasadya—”

BINABASA MO ANG
The Arranged Marriage (Guontiveros)
Fanfiction"Alice, kailangan nating mag-usap." sabi niya matapos ang ilang minutong katahimikan. Hindi ko alam kung paano ang apat na salitang ito ay kayang sirain ang buhay at pangarap ng isang tao-hanggang ngayon. Tahimik akong tumango, hudyat na magpatuloy...