Lyssam"Oh, na saan si Vira?" tanong sa akin ni ate Donna nang mapansing kaming dalawa lang ni Aela ang umuwi. Busangot ko siyang nilingon.
"Nag punta po muna kay Yiren." sabi ko nalang. Paniguradong inis na inis si Vira sa akin, kaya alam ko kung bakit gusto niyang pumunta kay Yiren. Ayaw ko sana siyang pag selosin pero naaaliw akong makita siyang nag seselos tapos ayaw niya pang aminin kahit halatang halata naman na.
Nilapag ko nalang muna sa couch ang mga pinamili naming gamit ni Aela. Pagod akong naupo at busangot namang nag lakad palapit sa akin ang anak ko. Kinukusot niya ang mga mata niya.
"Daddy... I'm sleepy." naiiyak niyang sabi habang humihikab. Agad akong tumayo at binuhat siya.
Umakyat nalang kami sa kwarto. Nang mailapag ko nga siya sa kama ay nakatulog na agad siya. Tinanggal ko pa muna ang sapatos niya at mga tali sa buhok. Saktong pagkatapos ko ay biglang tumunog ang phone ko. Kunot noo ko itong kinuha sa bulsa, lumayo pa ako ng kaunti dahil baka magising si Aela.
Mas lalo lang akong nag taka nang makitang si Yiren ang tumatawag. Sinagot ko naman iyon agad.
"Hello?" sabi ko pero walang nag sasalita sa kabilang linya. "Yiren?" tawag ko pa ulit pero wala namang sumasagot. Tinignan ko ulit ang phone ko at kita ko ngang si Yiren ang tumatawag. "Yiren, bakit ka napata—"
"So are you telling me that you like Sammie?" boses iyon ni Yiren. Nanlaki naman ang mga mata ko nang marinig kong binanggit niya ang pangalan ko. Tinitigan ko ulit ang phone ko, medyo malayo ang boses pero naririnig ko parin... alam kong si Yiren 'yon.
Bago pa ako makapag salita ay narinig ko na ang boses ni Vira sa kabilang linya.
"Gustong-gusto ko na siya... noon." napaawang na ang labi ko sa sinabi ni Vira. Gulat ko pang ilingon si Aela na mahimbing nang natutulog. Napatakip nalang ako sa bibig ko dahil gusto ko nang sumigaw. Tama ba pagkakarinig ko?!
"What?! Ibig sabihin gusto mo na siya noon pa? When? How? Why?!" di makapaniwalang sunod sunod na tanong naman ni Yiren. Nakagat ko nalang ang ibabang labi ko, sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Mas lumapit pa ako sa may bintana para lumanghap ng hangin dahil parang nahihirapan na akong huminga.
"Noong nag aaral pa tayo sa P.I.S... pero Yiren, huwag mong sabihin sa kanya ha, nabubwisit ako sa isang 'yon." sabi pa ni Vira. Mas lalo lang nanlaki ang mga mata ko. Gusto na niya ako simula nong nag aaral pa kami?! Parang nanghihina na ang tuhod ko. Agad akong napakapit sa bintana.
Napapansin ko na noon na kakaiba ang tingin ni Vira sakin, minsan nga ay naiinis pa ako dahil parang tumatagos iyon sa buong pagkatao ko. Akala ko inaasar niya lang ako dahil minsan niya na rin akong pinupuri o nilalandi sa pabirong paraan.
"Oo, hindi ko sasabihin. Pero Vira! Totoo nga?! Matagal mo na siyang gusto, ibig sabihin... ikaw nag plano nong nangyari sa inyo—-"
"Gaga ka ba?! Hindi no! Hindi pa naman ako ganun ka siraulo para pag planuhan ang ganun." agad na sabi naman ni Vira.
"You've liked him for that long? Why didn't you tell him?" tanong nanaman ni Yiren. Napaayos naman ako ng tayo dahil gusto ko ring malaman kung bakit hindi iyon sinabi ni Vira sakin. Nag wawala na ang puso ko. Parang magkakaheart attack ako.
"Kasi tanggap ko nang hindi niya naman ako magugustuhan." natigilan naman ako sa sinagot niya. Paano niya nasabing hindi ko siya magugustuhan?! "Babae ako at tanggap ko nang bakla si Sammie at lalaki ang gusto niya..." dagdag pa ni Vira. Napabuntong hininga nalang ako.
Napapaisip din tuloy ako. Ano kayang gagawin ko nun kung sakaling umamin nga si Vira sakin na gusto niya ako? Anong irereact ko? Anong sasabihin ko? Gusto ko si Rance nun... kaya kung umamin si Vira, paniguradong masasaktan ko lang siya dahil maguguluhan lang ako. Kahit pa siguro gusto ko rin siya nun... alam kong hindi ko tatanggapin sa sarili ko 'yon.

BINABASA MO ANG
A Feeling I Couldn't Resist (Vexed Men Series #5)
RomanceLyssam "Sammie" Sandoval, a gay man, never imagined that a single night with his friend, Alvira Silvas, would change everything. Habang nilalabanan ang kalituhan sa kanyang kasarian, nahihirapan siyang harapin ang sitwasyon kaya naman iniwan siya n...