Alvira"Which one, Aela?" nakangiting tanong ni Sammie habang hawak hawak ang dalawang maliliit na helmet. Nanlaki naman ang mga mata ni Aela, napatakip pa ito sa bibig niya habang excited na nakatitig lang dalawang helmet sa harap niya.
"I want the one in pink and purple!" excited na sabi niya sabay turo sa isang helmet na parihong may kulay pink and purple.
"Can I put stickers on it, daddy?" tanong pa ni Aela. Tumango naman si Sammie at agad na tumayo. Iyon na nga ang napili. Pinapanood ko lang silang dalawa habang namimili ng mga gagamitin para sa pony riding ni Aela sa birthday niya.
"And a pink jacket?" tanong naman ni Sammie habang hawak hawak ang maliit na jacket. Tumalon naman sa tuwa si Aela habang mabilis na tumango.
"Yes! It's so squishy!" humagikhik pa si Aela nang mahawakan niya ang jacket na iyon. Natatawa naman siyang tinignan ni Sammie. "Are these for me too?" tanong nanaman ni Aela habang tinuturo ang maliliit na riding gloves. Tumango lang si Sammie sa kanya.
Nakatayo lang ako sa likuran nilang dalawa, mukhang hindi na rin naman nila ako kailangan dito. Kita kong may kinuhang boots si Sammie at pinasukat iyon kay Aela.
"These shoes look weird..." nakangiwing sabi ni Aela. Agad akong napanguso para pigilan ang matawa. Napasulyap pa sa akin si Sammie na natatawa na rin.
"That's because these are riding boots, Aela." sabi nalang ni Sammie.
"They're long and don't sparkle." busangot na sabi ni Aela.
"But they help your feet stay safe when you ride..." sabi nanaman ni Sammie. Nag patuloy lang sila sa pag uusap hanggang sa matapos na nga nilang mapili at mabili lahat ng mga dapat gagamitin ni Aela. Kita ko rin na namili na rin si Sammie ng para kay Levi dahil gusto nga rin daw nitong sumakay ng kabayo.
Nang matapos nga kaming mamili ay nag pasya si Sammie na kakain muna kami. Nag tungo kami agad sa pinakamalapit na restaurant dahil gutom na rin si Aela. Nang makaupo kami at lumapit ang waiter ay umorder na kami agad. Nakaupo lang si Sammie sa harap ko katabi ni Aela.
Ano yan? Mas close pa sila? Nakakainis. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa na nag bubulungan ngayon sa harap ko. Parihong pariho talaga ang itsura... pati ugali. Nang bumaling si Sammie sa akin ay agad ko siyang inirapan na agad niya rin namang binalik sakin. Talagang ang taray niya!
"Mr. Sandoval?" napalingon ako agad sa babaeng lumapit sa amin. Ang lapad ng ngisi niya nang makita si Sammie. Pinasadahan ko agad siya ng tingin, ang hapit na hapit sa katawan ng suot iyang dress, nakalugay lang ang mahaba niyang buhok. Ang haba pa ng suot niyang heels.
Lumipat ang tingin ko kay Sammie na ngayon ay hilaw lang na nakangiti sa babae. Napalingon pa siya sa banda ko at kita ko kung paano siya napalunok ng laway. Kinakabahan siya, bakit siya kinakabahan? Sino ba ang babaeng ito? Hindi ko ba dapat ito makita?
"Oh, I didn't know you had a kid already!" natunugan ko pa ang pagkadismaya sa boses nong bruha habang nakatingin kay Aela. Halos sabunutan ko na siya nang makitang hinawakan niya ang buhok nito, mabilis niya rin namang inalis ang kamay niya. Napabaling siya sakin at agad siyang ngumiti.
"Uh, yeah... this is Aela, my daughter." nakangiting sabi naman ni Sammie. Ngumiti lang ulit iyong babae kay Aela. Tinitigan ko lang si Sammie, alam kong napapansin niya ang tingin ko sa kanya kaya iniiwasan niyang napalingon sa banda ko.
"I didn't know you were a family man. Thought you were still enjoying the single life." busangot na sabi nanaman nong babae. Hindi ko na napigilan ang mapa-irap sa hangin. Mukhang hindi naman nila nakita iyon dahil hindi naman sila nakatingin sa akin.
"Kristen... let's go." may lumapit nanamang isa pang babae. Kristen pala ang pangalan ng babae ni Sammie...
"Oh, I have to go now... it was nice meeting you." nakangiting sabi nong Kristen. Ngumiti na rin sa akin iyong babaeng lumapit sa kanya.
"Bye Mr. Sandoval." paalam naman niya kay Sammie. Kumakaway pa siya habang nag lalakad paalis. Tumikhim lang si Sammie at uminom ng tubig nang tuluyan na ngang makalayo iyong dalawa.
"Sino 'yon?" seryosong tanong ko kay Sammie. Nakatitig lang siya sakin na parang nag dadalawang isip na umamin. Mas lalo lang akong nairita nang mapansing mukhang wala na nga siyang balak sabihin sakin. Pinanood ko lang siyang suklayin ng daliri ang buhok niya.
"Sasabihin ko lang sayo kung aaminin mo nang nag seselos ka at gusto mo 'ko." nakangusong sabi niya, parang nag pipigil ng ngisi. Mas lalo lang uminit ang ulo ko. Napapikit nalang ako ng mariin para pakalmahin ang sarili ko hanggang sa hindi ko na nga mapigilan ang matawa ng mahina.
Ano? Hindi niya sasabihin sakin kung sino ang babaeng iyon hangga't hindi ko sinasabing gusto ko siya? Para siyang bata. Ano kami, bata?!
"Yan parin ba ang pag uusapan natin, Sammie? Ang immature..." Napahilot pa ako sa noo ko.
"Immature? Oh please, who's the one here acting all shy, like a school kid too embarrassed to admit they have a crush on someone?" taas kilay na tanong niya sakin. Galit ko lang siyang tinignan. Bago pa ako makaresbak sa kanya ay dumating na ang waiter para ihatid ang inorder naming mga pagkain. Hindi nalang ako umimik.
"Come on, I won't make fun of you if you admit you have feelings for me, Vira. It's not like I'm going to stand on the table and shout it to the whole restaurant." umangat pa ang gilid ng labi niya na mas lalo kong ikinairita.
Kung noon ay nag dadalawang isip pa akong umamin sa kanya. Ngayon ay naisip kong mas mabuting huwag na nga lang. nabubwisit na ako sa kanya. Pakiramdam ko, mas lalo lang siyang mag yayabang pag may sinabi ako.
Hindi na nga ako umimik, nakatuon lang ang buong atensyon ko sa pagkain. Si Sammie na rin naman umaasikaso kay Aela. Hanggang sa natapos kami ay hindi na ako nakipag usap kay Sammie. Nandito na kami ngayon sa kotse niya. Nilingon ko si Aela sa backseat at maayos naman siyang nakaupo doon.
"Idaan mo nalang ako sa condo ni Yiren, ikaw na muna mag babantay kay Aela." sabi ko kay Sammie nang hindi siya tinitignan. Deretso lang sa harap ang tingin ko. Pansin ko namang taka niya akong nilingon.
"Why?"
"Kasi gusto kong puntahan si Yiren." iritang sabi ko. Hindi ko na napigilan at nilingon ko na nga siya. Napabuntong hininga naman siya.
"Edi tayong tatlo nalang pupunta."
"Kailangan nang mag pahinga ni Aela, halos buong araw tayong nasa mall." pag dadahilan ko naman. Mukhang naniwala siya kaya walang gana niya nalang na pinaandar ang kotse. Tahimik lang kaming dalawa buong byahe kaya nang makarating kami sa condo ni Yiren ay bumaba na rin ako. Humalik at nag paalam muna ako kay Aela saka ako nag lakad papasok.
"So, why are you here?" tanong sa akin ni Yiren nang makarating ano sa unit niya. Bagsak ang balikat akong naupo sa sofa at nakatayo lang naman siya sa harap ko habang nag seselpon.
"Nakakabwisit si Sammie." naiiyak na sumbong ko. Kumunot naman ang noo niya.
"Ano nanaman bang ginawa ng tanginang 'yon?" nag angat na siya ng tingin sa akin.
"Sinasabi niyang... gusto niya ako pero bakit ganun? May kasama siya laging babae." mahinang sabi ko. Nakagat ko pa ang ibabang labi ko dahil kahit ayaw kong aminin. Nag seselos talaga ako. Kita ko namang napaawang ang labi ni Yiren sa narinig.
"What do you mean? Baka kaibigan? Kakilala..."
"May bago ba siyang kaibigan nong nasa Canada ako?" busangot na tanong ko. Dahan-dahan naman siyang umiling. Napasandal nalang ako sa sofa. Tumabi naman siya sakin.
"Are you jealous?!" gulat na tanong niya. Hindi ako umimik.

BINABASA MO ANG
A Feeling I Couldn't Resist (Vexed Men Series #5)
RomanceLyssam "Sammie" Sandoval, a gay man, never imagined that a single night with his friend, Alvira Silvas, would change everything. Habang nilalabanan ang kalituhan sa kanyang kasarian, nahihirapan siyang harapin ang sitwasyon kaya naman iniwan siya n...