Chapter 47

8.4K 410 97
                                        


Alvira

Pagkatapos naming mag hapunan ay umakyat na kami ni Aela patungo sa unicorn niyang kwarto. Napalingon ako sa likuran nang may mapansin akong nakasunod. Kita kong si Sammie iyon, saktong nag angat siya ng tingin sa akin pero agad din niya akong inirapan. Tumaas naman ang kilay ko.

Tinatarayan niya ako.

"Aba? Tinatarayan mo 'ko?" natatawang tanong ko sa kanya pero hindi siya sumagot at mas nauna pa sa aming mag lakad. Padabog pa siyang nag tungo sa kwarto niya. Nakagat ko nalang ang ibabang labi ko.

"Aela... mas babae pa kung mag tampo ang daddy mo." naiiling na sabi ko kay Aela. Kunot noo naman itong tumingala sa akin, halatang hindi naman naiintindihan ang sinabi ko. Nag patuloy nalang kami sa pag lalakad papasok ng kwarto.

Alam kong galit si Sammie dahil sa sinabi ko, hindi naman iyon totoo. Hindi ko na nga matandaan kung gaano katagal ko na siyang nagugustuhan nong nag aaral pa kami. Naguguluhan lang ako. Bakla si Sammie, talaga bang nagugustuhan niya ako? Maniniwala ba ako? Tama pa ba itong mga pinanggagagawa ko?

Tapos ko nang bihisan si Aela ng pang tulog niya, sinusuklay ko ang buhok niya habang binubuklat niya ang libro na puno ng mga litrato ng iba't ibang kulay ng unicorns. Natigilan lang ako nang biglang bumukas ang pinto.

Pumasok si Sammie na nakagray tank top lang at puting pajama. May nakapulupot pang tuwalya sa leeg niya, halatang kakatapos lang maligo. Busangot parin ang mukha niya, kitang kita ko pa kung gaano ka pula ang labi niya. Nang mag tama ang mga mata namin ay agad akong umiwas, nag patuloy lang ako sa pag suklay sa buhok ni Aela.

"Maliligo ka ba?" tanong niya sakin, tumango naman ako. "Ako na diyan." sabi niya at agad na inagaw sa akin ang hawak kong suklay. Wala na rin naman akong nagawa kaya tumayo nalang ako, kita kong naupo naman siya sa pwesto ko kanina para siya na nga mag patuloy sa pag suklay kay Aela.

Kinuha ko nalang ang towel ko at nag lakad na palabas. Nag tungo ako sa kwarto niya dahil doon nga ako laging naliligo. Mabilis lang din naman akong natapos kaya bumalik lang ako agadsa kwarto ni Aela. Nakita ko silang nag hahagikhikan, kinikiliti ni Sammie si Aela pero nang makitang pumasok na ako ay huminto na siya at umayos ng upo sa kama.

"Tapos ka na pala." sabi niya lang at tumayo na. Nakangisi niyang tinignan si Aela at hinalikan ito sa noo. "Good night baby." pagkatapos niyang sabihin iyon ay nag lakad na siya palabas ng pinto. Kunot noo ko lang siyang sinundan ng tingin.

"Hindi ka dito matutulog?" takang tanong ko. Sumulyap naman siya sakin at tipid na ngumiti. "Sa kwarto ako matutulog." walang ganang sabi niya. Pinaningkitan ko siya ng mata dahil himala ata na hindi siya tatabi kay Aela?

"Galit ka ba sakin?" nakahalukipkip na tanong ko bago pa siya tuluyang makalabas ng kwarto. Huminto naman siya sa pag lalakad at lumingon nanaman sakin.

"Why would I be mad at you, Vira?" malumanay na tanong niya sakin. Sobrang lambing nun kaya masasabi kong galit nga siya. Napaawang nalang ang labi ko. Hindi na ako nakapag salita pa kaya nakalabas na nga siya. Sinara niya pa ang pinto. Napabuntong hininga nalang ako.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Nag taka pa ako nang makitang wala si Aela sa tabi ko. Dali-dali akong bumaba at kita kong nag lalaro lang sila ni Levi. Nasa sofa rin si ate Donna habang nag kakape. Ngumiti siya agad nang makita ako.

"Na saan po si Sammie?" tanong ko nang makalapit ako sa kanya. Paniguradong si Sammie ang nag dala kay Aela dito sa baba.

"May kausap siya sa phone kanina, umalis." sabi niya lang. Tumango naman ako.

"Nga pala Vira, sinabi ni Sammie na lalabas daw kayo mamaya para mamili ng mga gagamitin para sa birthday ni Aela." nagulat naman ako sa sinabi ni ate Donna. Ganun na ba siya ka galit sakin para hindi niya magawang sabihin iyon ng deretsahan?

Sa susunod na linggo na nga ang birthday ni Aela at sobrang excited ako. Hindi ko alam kung paano magagawa ni Sammie ang pinangako niyang pony ride kay Aela pero bahala na siya. Possible naman siguro iyon dahil ang alam ko ay may rancho nga raw si kuya Larry.

Natapos na kaming mag agahan... at tanghalian. Pero hindi parin umuuwi si Sammie. Natapos na kaming mag bihis ni Aela at hinihintay nalang naming makauwi si Sammie pero dumating na nga lang ang hapon ay hindi parin siya dumadating.

"Ate, anong oras daw uuwi si Sammie?" tanong ko kay ate Donna nang mabagot na nga ako kakahintay.

"Hindi niya sinabi sakin eh..." tumango nalang ako kay ate. Hanggang sa gumabi na nga at nakaramdam na ako ng inis. Pabalik balik akong nag lalakad sa loob ng kwarto ni Aela.

"Mommy, are you alright?" biglang lumapit si Aela sa akin at niyakap ang legs ko, agad akong ngumiti sa kanya at binuhat siya. "Yes baby..."

"I thought we were going to the mall, mommy?" busangot na sabi niya. Nalaman nga niyang pupunta kami ng mall dahil panay tanong siya sakin kung bakit ko siya inaayusan. Tapos ngayong mag gagabi nalang hindi parin kami umaalis.

"We're just waiting for daddy." sabi ko nalang. Tumango naman siya. Kahit ang totoo ay alam kong hindi na rin naman kami matutuloy dahil mag gagabi na. Hindi na rin naman umimik si Aela kaya nag hintay lang ulit kami ng ilang minuto bago may kumatok sa pinto. Dali-dali kong binuksan iyon pero bumungad sa akin ang mukha ng kasambahay.

"Ma'am, mag hahapunan na po." nakangiti nitong sabi sa akin. Tumango nalang ako. "Bababa na kami." sabi ko nalang. Umalis na rin naman agad iyong katulong. Bumaba nalang kami ni Aela.

"Where's Sammie? Hindi pa rin ba siya nakauwi?" tanong ni Tita nang makaupo na kaming lahat sa hapag-kainan. Bumaling si Tita sa akin kaya umiling nalang ako.

"Saan ba siya pumunta?"

"Hindi niya po nasabi sakin." mahinang sagot ko nalang. Nag umpisa na nga silang kumain kaya sinusubuan ko nalang din muna si Aela sa tabi ko.

"Sabi nong tauhan ko sa complex na Sammie went there earlier with a woman... I thought they were referring to Vira. Pero mukhang hindi pal—" hindi na natapos ang sasabihin ni Tito nang bigla siyang hampasin ni Tita. Hilaw pa itong natawa nang makitang nakatingin lang ako sa kanila. Napalingon din sa banda ko si ate Donna.

"Ano ka ba! Pinag-iisip mo ng kung ano-ano si Vira... maybe iyong babaeng 'yon ay tauhan lang din sa complex." nakangiting sabi ni Tita pero iyong ngiting parang kinakabahan. Ngumiti nalang sin ako sa kanya. Iniba naman nila agad ang topic kaya tinuon ko nalang ang atensyon ko sa pag papakain kay Aela.

Hanggang sa matapos nga kaming mag hapunan ay hindi parin dumating si Sammie. Pinapatulog ko na si Aela nang biglang bumukas ang pinto. Agad akong napa-upo sa kama nang makitang si Sammie iyon. Maingat niya pang sinara ulit ang pinto nang makitang tulog na si Aela

"Bakit ngayon ka lang? Saan ka ba galing?" hindi ko na mapigilan ang mapatanong. Gulat naman siyang bumaling sa akin at tinitigan ako ng ilang segundo at mahina siyang natawa.

"You sound like a wife, Vira." natatawa niyang sabi. Agad ko siyang inirapan. Tumayo ako at kita kong nilapitan niya si Aela para halikan sa noo. Naalala ko ang sinabi ni tito kanina... may kasama raw siyang babae sa complex. Nakaramdam agad ako ng inis.

Hinila ko siya patayo, nanlaki pa ang mga mata niya dahil sa ginawa ko. Napaupo siya sa kama at taka akong tinignan. Nakahalukipkip lang ako sa harap niya.

"Saan ka galing?" tanong ko nanaman.

"At the ranch, I already had everything arranged for Aela's birthday." agad na sagot niya lang. Pinaningkitan ko siya ng mata. Akala ko ba nag punta siya sa complex? Nag sisinungaling lang ba siya? Bakit siya nag sisinungaling?

A Feeling I Couldn't Resist (Vexed Men Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon