Chapter 11

2.8K 180 52
                                        


Ilang araw na ang lumipas at ganun parin laging nangyayari, nasisira ang araw ko dahil nandito nga lagi iyong Bella. Naiinis ako sa presensya niya, mas lalo pang nakakainis dahil masyado siyang mabait. Paano ko siya aawayin kung mabait siya?

Habang tumatagal din ay napapansin kong gusto niya si Eris. Kitang-kita ko kung paano niya ito titigan. Kung paano siya namumula tuwing lumalapit si Eris sa kanya kahit may sinasabi lang naman ito tungkol sa ginagawa nilang gown. Nakakainis.

Ang nakakalungkot pa, unti-unti na ngang namamatay iyong hyacinth flower sa kwarto ko. Ayaw ko sanang malanta iyon dahil gusto ko pang titigan pero ilang araw na kasi ang lumipas kaya wala na rin akong magagawa.

"Aray!" agad akong napalingon kay Bella nang bigla siyang napasigaw. Nakangiwi niyang tinitigan ang daliri niya. Kita ko namang nag mamadaling lumapit si Eris sa kanya.

"What happened?"

"Natusok ako." natatawang sabi lang ni Bella. Tinuro niya pa ang maliliit na pins na ginamit nila sa pag dikit nong iilang tela at disenyo para sa gown na nasa harap niya. Napatiim bagang nalang ako nang makitang hinawakan ni Eris ang kamay ni Bella para suriin ng mabuti iyong sugat. Tusok lang naman, ang liit lang nun!

"Wait, kukuha ako ng bandaid." rinig kong sabi ni Eris pero natawa lang lalo si Bella. "Hindi na kailangan, ang liit lang nito." sabi niya pero hindi lang nakinig si Eris. Kumuha parin siya ng bandaid at bumalik nga agad siya para ibigay iyon kay Bella. Nag iwas nalang ako ng tingin dahil naiiyak na ako sa sobrang inis.

"Ang bait bait mo talaga sa akin... Eris." halos mapa-irap na ako nang marinig ko iyon kay Bella.

Nakatalikod na ako sa kanila at nakapangalumbaba nalang na nakatanaw sa labas ng bintana. Hindi naman ganun ka lakas ang alon ngayon. Hindi ko na alam kung ilang minuto na akong tulala sa labas, nabasag lang iyon nang marinig ko ang boses ni ate Lucia.

"Kumain muna kayo!" masayang lumapit si ate Lucia dala-dala ang hinanda niyang pagkain. May bitbit pa siyang grape juice. Kita kong nilalagyan niya ng juice ang mesa nila Eris kaya lumapit na ako para tumulong.

Kumuha ako ng isa pang baso para ibigay kay Bella. Gusto ko sanang ibuhos iyon sa mukha niya pero syempre hindi ko gagawin dahil ayaw ko namang matapunan ko ang gown na ginagawa nila.

Nang iabot ko sa kanya ang juice ay tinanggap niya naman iyon, nakangiti siya sakin pero iyon nga lang, kita kong sinadya niyang bitawan iyon kaya natapon sa damit niya. Maging ako ay napaatras sa gulat.

"Hala! Natapunan ako!" agad siyan tumayo at pinag pagan ang suot niyang dress. Kita ko pang nabasag ang baso sa sahig, at dahil nga grape juice iyon ay kitang kita itong kumalat sa kulay puti niyang suot.

"Shit! Ang gown!" natatarantang sigaw ni ate Lucia at kita kong mabilis niyang hinila iyong gown bago pa ito matalsikan nong juice. Kita ko namang nag mamadali ring lumapit si Eris sa amin. Nakatayo lang ako sa harap ni Bella, hindi makapaniwala sa ginawa niya.

"Ano bang nangyari?" takang tanong ni Eris. Nilibot niya pa ang tingin sa sahig kung saan kalat na kalat na ang juice.

"Natapunan ako ni Hyacinth ng juice pero ayos lang naman... hindi rin naman natapunan ang gown, mukhang hindi niya naman sinasadya." nakangiting sabi ni Bella habang patuloy na pinupunasan ang natapon na juice sa damit niya. Napaawang naman ang labi ko dahil sa gulat sa sinabi niya.

Napa-iling ako agad at nag angat ng tingin kay Eris na ngayon ay seryoso nang nakatitig sakin na parang hindi rin siya makapaniwala sa narinig niya.

"Hindi kita natapunan! Sinadya mong hindi kunin ng maayos ang baso kaya mo nabitawan!" inis na sigaw ko kay Bella. Masyado siyang nag babait baitan! Pinapalabas niya pa na ako ang may kasalanan.

"Hya... sinasabi mo bang sinadya ni Bella na basain ang sarili niya?" taas kilay na tanong ni Eris. Gulat ko siyang nilingon dahil talaga bang papaniwalaan niya ang isang to?!

"Oo!" Busangot na sabi ko. Tinitigan lang ako ni Eris ng ilang segundo na parang sinusuri ako. Agad din siyang umiling-iling, hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng iling na iyon pero halatang hindi talaga siya natutuwa at mukhang hindi nga siya naniniwala sakin.

"Tabi muna, lilinisin ko 'yong bubog." biglang singit ni ate Lucia. Lahat kami ay tumabi muna. Kita kong nag lakad papunta sa kung saan si Eris. May kinuha siyang isang dress na isa sa mga gawa niya. Nanlaki ang mga mata ko nang iabot niya iyon kay Bella.

"Mag palit ka. Basang-basa ang damit mo." napaawang na nga ang labi ko sa gulat nang makita kong ipapasuot niya iyon kay Bella. Ipapasuot niya kay Bella ang isa sa mga gawa niya?!

"Ha?! Naku, Eris... huwag na! Nakakahiyang suotin ang isa sa mga gawa mo." umiling pa si Bella at mukhang nahihiya. Iyon nga lang pinilit lang siya ni Eris hanggang sa mapapayag na nga siya. Umirap na talaga ako sa sobrang inis nang makitang umalis muna si Bella para mag palit ng damit.

"Naniniwala ka bang hindi ako ang gumawa nun?" tanong ko kay Eris nang makitang natapos nang linisin ni ate Lucia iyong mga bubog, lumabas pa muna si Ate ng bahay kaya kaming dalawa nalang ni Eris ang natitira rito ngayon.

Lumingon naman si Eris sa akin, pinasadahan niya lang ng daliri ang may kahabaang buhok. Pinaningkitan niya ako ng mata at kita kong nag kibit balikat lang siya. Nilapitan niya iyong gown na muntik nang matapunan ng juice. Sinuri niya ito na baka may basa o ano. Dahil nga naiirita na ako, nag lakad nalang ako paakyat ng hagdan at agad na pumasok sa kwarto ko.

Malungkot kong tinitigan ang lantang bulaklak sa flower vase. Naiiyak talaga ako sa sobrang inis sa babaeng 'yon! Pabagsak akong humiga sa kama at hindi ko na nga napigilan ang luha kong tumulo. Hindi ko na rin napansin na unti-unti na pala akong hinihila ng antok.

Nagising ako nang makarinig ng katok sa pinto. Kita ko rin sa labas ng bintana na gabi na pala. Ang lamig na ng hangin at nililipad nun ang kurtina. Agad akong bumangon at sinara iyon. Nag tungo lang din ako sa pinto at pag bukas ko ay bumungad sa akin ang mukha ni Eris. Busangot ko lang siyang tinignan.

"Dinner." tipid na sabi niya. Pinasadahan niya pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Hindi ako umimik kaya tumalikod lang siya sakin at nag lakad na paalis.

Sumunod nalang din ako agad nang makitang pababa na siya ng hagdan. Nakahinga ako ng maluwag nang makarating kami sa kusina at hindi ko na nakita ang bwisit na Bella na 'yon. Naupo ako sa upuan ko at ngumiti kay Tito nang makitang nandito rin pala siya.

"Nga pala, Hyacinth... huwag ka munang lumabas-labas hija... pinapahanap ka na ni Vincenzo at ng pamilya nong fiance mo." seryosong sabi ni tito. Nanlaki naman ang mga mata ko. Pinapahanap ako? Nakaramdam ako agad ng takot. Iniisip ko palang ang galit na mukha ni Papa Vincenzo ay kinikilabutan na ako.

At... pinakilala na ba nila ang fiance ko? Sa susunod na mga linggo na ang birthday ko kaya malapit na rin akong ikasal kung sakaling makita nga nila ako. Ayaw kong mangyari iyon.

"Sino raw po ba ang ikakasal sakin?" malungkot na tanong ko.

"Si Matteo Munzo... anak 'yan ng kaibigan ni Vincenzo. Pinapahanap ka sa buong Isla." sabi ni Tito. Nag umpisa na siyang kumuha ng pagkain. Napalingon ako sa banda ni ate Lucia at kita kong parang napapaisip din siya, nag aalala siyang nakatingin sakin.

"Munzo? Ang yaman yaman ng pamilyang yun ah!" rinig kong sabi niya pa.

Napapaisip din ako, hindi ko kilala iyong Matteo Munzo, kahit sino man siya... kahit gaano siya ka yaman. Ayaw kong makasal sa kanya. Hindi ko siya kilala, hindi ko siya gusto. Anak siya ng kaibigan ni Papa kaya paniguradong ang sama rin ng ugali niya.

"Ayaw ko pong makasal sa kanya." mahinang sabi ko. Parang nawalan na ako ng ganang kumain dahil sa nalaman ko. Natatakot ako na baka biglang dumating ang araw na mahuhuli nila ako.

"Huwag ka mag alala... hindi ka nila mahahanap." sabi naman ni tito. Ngumiti pa siya sakin. Kahit hindi naman sigurado ang sinabi niya. Gumaan parin ang pakiramdam ko kahit papano.

Nag angat ako ng tingin sa harap ko at nag tama agad ang mga mata namin ni Eris. Seryoso siyang ngumunguya ng pagkain. Hindi ko mabasa kung anong iniisip niya at masyadong matulis ang mga titig niya kaya ako na ang umiwas. Nag umpisa nalang din akong kumain.

The Escape In Your Embrace (Isla Primavera Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon