Kinabukasan ay nakangisi akong bumangon ng higaan lalo na nang mahagip agad ng mga mata ko ang bulaklak na binigay sa akin ni Eris kahapon. Dali-dali akong tumayo at tinitigan iyon. Nilagay ko kasi ito sa isang flowervase kaya sobrang ganda."Good morning, hyacinth." nakangising bati ko sa bulaklak. Agad kong binuksan ang mga bintana dahilan para makapasok ang napakalamig na hangin. Nag tungo na rin ako sa banyo para maligo. Nang matapos akong mag ayos ay bumaba na ako ng hagdan.
Iyon nga lang napawi agad ang ngiti ko nang makita ko si Eris sa baba. Nakikipag hagikhikan siya sa isang... babae. Kita ko pa kung paano siya hampasin nong babae dahil parang may sinasabi siyang nakakatawa. Mahaba ang buhok nong babae, nakahigh ponytail at maganda. Halata ring mas matanda siya sa akin ng ilang taon kaya paniguradong ka-edad niya lang si Eris.
Sino yan? Bakit siya nandito?
Ilang segundo pa akong nakatitig sa kanila. Mukhang kilalang kilala rin nila ang isa't isa. Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng inis at lungkot. Nag seselos ako. Kitang kita ko kung gaano ka laki ng ngisi ni Eris sa kanya. Busangot akong nag lakad patungo sa kusina kung saan ko nakita si ate Lucia.
"Gising ka na pala Hya." nakangiting sabi niya nang makitang pumasok na nga ako sa kusina. Muli akong sumulyap sa gawi nila Eris. Nag kukuwentuhan parin sila pero parang may ginugupit na silang tela.
"Ate, sino yang kasama ni Eris?" malungkot na tanong ko kay Ate nang hindi parin inaalis ang tingin doon sa dalawa. Mas lalo lang akong nakaramdam ng lungkot nang makitang pariho sila ng hilig, nag kakaintindihan sila pag dating sa dressmaking... bagay na bagay silang tignan.
"Si Bella..." sabi niya lang. Bella? Iyon ang nabanggit nila kahapon na tutulong sa kanila sa pag gawa nong mga dress. Ibig sabihin mag tatagal yan dito? Araw-araw ko yang makikitang pumupunta dito sa bahay?!
"Huwag ka mag alala, Hya... mabait yan." dagdag pa ni ate. Pilit akong ngumiti sa kanya kahit hindi naman talaga ako natutuwa. Hindi na ako umimik at tinitigan nalang ulit sila Eris. Nag tatawanan nanaman sila ngayon.
Nagulat pa ako nang mapasulyap sa gawi ko si Eris, unti-unting napawi ang ngisi niya kaya agad ko siyang inirapan. Nag iwas naman agad siya ng tingin at nag patuloy na sa ginagawa nila. Tinulungan ko nalang si ate Lucia na mag handa ng pagkain bago pa masira ang araw ko.
Nang matapos na nga si ate sa niluluto niyang chicken adobo, tinulungan ko na siyang ayusin ang mesa. Hindi ko mapigilang mapasulyap lagi sa gawi nila Eris. Mukhang may tinitignan silang mga beads na hindi ko naman alam kung para saan. Siguro ay iyon ang ididisenyo nila.
"Eris, Bella... kumain na muna tayo." tawag sa kanila ni ate Lucia. Bumaling naman sila sa amin. Naupo nalang ako agad sa upuan ko. Sinusundan ko lang sila ng tingin habang nag lalakad palapit dito sa kusina.
Tinitigan ko ng mabuti iyong Bella, nakasuot lang siya ng itim na dress na may cover na puting cardigan. Masyado siyang mahinhin. Ang amo rin ng mukha. Alam kong bakla si Eris pero kung ganyan klaseng babae, kaedad niya pa, hindi malabong magugustuhan niya. Napansin ata nong Bella na nakatingin ako sa kanya kaya ngumiti siya sakin pero hindi ko iyon sinuklian.
Naupo si Eris sa harap ko at tumabi naman agad si Bella sa kanya. Masama kong tinignan si Eris at saktong napalingon din siya sakin kaya nag tama ang mga mata namin. Tinaasan niya ako ng kilay pero mas lalo ko lang siyang tinitigan ng masama.
"Ikaw ba iyong Hyacinth?" biglang nag salita ang babaeng pinaka-ayaw kong makita rito. Bumaling nalang ako kay Bella at tumango sa kanya. Ngumiti siya ulit sakin. "Ako si Bella." nag abot pa siya ng kamay pero kumuha lang ako ng pagkain. Nang mapansin niyang wala akong balak abutin iyon ay binaba na niya.

BINABASA MO ANG
The Escape In Your Embrace (Isla Primavera Series #3)
RomanceOn a flower-filled island of Isla Primavera, Hyacinth runs away to escape an arranged marriage. She finds refuge with her mother's friend and meets Eris, a gay dressmaker. Desperate, she asks him to marry her to avoid her fiancé. Eris agrees, and th...