Chapter 19

867 118 203
                                        

Alice's POV

Sa tingin ko mga alas-onse na ng gabi. Hinubad ko ang flats ko at iniwan sa may balkonahe, bumaba ako ng ilang hakbang papunta sa dalampasigan.

Ang lambot ng buhangin sa ilalim ng paa ko—grabe sobrang sarap sa pakiramdam. Napa-hinga ako nang malalim, ang tahimik. Ang gaan.

Lumapit ako sa gilid ng dagat at huminto nang sumayad ang malamig na tubig sa binti ko. Napangiti ako habang tumingala sa langit na puno ng bituin, para akong nasa ibang mundo. Naglakad-lakad ako sa tubig, binababad ang mga paa habang nakikinig sa hampas ng alon, sa hangin, at sa kuliglig sa paligid.

Pumikit ako sandali. Ang sarap lang damhin ng hangin na nilalaro ang buhok ko at marahang humahaplos sa mukha.

“Ang ganda, nu?” Biglang may boses ng babae sa tabi ko na nagpatalon sa akin. Napa-sigaw ako sa gulat.

“Risa?! Ano ba! Bat ka ba nanggugulat?!” Tumawa lang siya.

“Sinadya ko talaga ‘yon.” sabi niya sabay ngiti. Tinapunan ko siya ng deadma look habang iniikot ang mata ko. Pero sa totoo lang, ang cute ‘yung tawa niya.

Tangina naman oh.

Naglakad na lang ulit ako. This time, kasama ko na siya. Sabay kaming naglalakad sa gilid ng dagat. Ang alon, tuloy-tuloy lang na humahampas sa mga paa namin.

Ang buhok ni Risa ay sumasayaw na rin sa hangin. Ang mga mata niya, kumikislap sa dilim. Napatingin ako saglit sa labi niyang naka-pout— ang cute. Agad ko namang inalis ang tingin ko bago pa niya ako mahuling nakatitig sakaniya.

“Salamat.” bulong niya bigla.

“Huh? Sa ano naman?” tanong ko.

“Alam kong ikaw ang nag-set up sa amin ni Sheila kanina.” sabi niya sabay tingin sa lupa.

“Wala ‘yon. Nag promise ako sayo diba?” sagot ko habang tuloy lang sa paglalakad.

“Alice…” tawag niya ulit matapos ang ilang minuto. Paglingon ko, wala na siya sa tabi ko. Nilingon ko siya—nasa likuran ko na pala, parang may kinukuha sa bulsa.

“Can i give you something?” tanong niya, halatang kinakabahan.

“Ha? Hindi kita marinig, ano ulit ‘yon?” balik kong tanong.

“Gusto ko sanang ibigay ‘to sa’yo.” sabay labas niya ng isang kuwintas mula sa bulsa niya.

Ang ganda. Ang kuwintas na ito ay may pendant na hugis puso, kumikislap sa mga diyamante, at sa gitna ay may snowflake na sapphire. Naka-kabit sa isang manipis na silver chain. Eleganteng-elegante.

“Risa… ang ganda naman nito.” bulong ko habang hinahaplos ang pendant.

“Nagustuhan mo?” tanong niya, parang kabado.

“Oo! Sobrang ganda!” sagot ko habang nakangiti ng todo. Napangiti rin siya.

“Pwede?” tanong niya, tinuturo ang leeg ko. Buti na lang talaga ‘di pa ako nakapagpalit ng damit. Kung hindi, baka mapansin pa niya yung mga kiss marks na siya rin may gawa.

Tumango ako at inipon ang buhok ko sa isang side. Isinuot niya ang kuwintas at kinabit sa likod. Pagharap ko, hinawakan ko ang pendant at pinaglaruan.

“Bagay ba?” tanong ko.

“Ang ganda…” halos bulong niyang sagot.

Tumingin ako sa kanya, at nakita ko, sa mukha ko siya nakatitig. Hindi sa kuwintas. Di ko alam kung ‘yung sinabi niya o ‘yung titig niya ‘yung dahilan kung bakit bigla akong namula.

The Arranged Marriage (Guontiveros)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon