Busangot parin akong nakatayo sa gilid ng kalsada katabi ni Eris. Hinihintay naming may dumaang taxi nang bigla akong mapatingin sa tabi naming flower shop. Ang gaganda ng mga bulaklak. Makukulay at halatang fresh pa. May mga nakikita pa akong mga magkarelasyon na bumibili at tumitingin.Sumulyap ako kay Eris na ngayon at tinutupi hanggang siko ang suot niyang longsleeve. Nililipad pa ng hangin ang medyo mahaba niyang buhok. Hindi naman siya nakatingin sa akin at wala pa namang taxi kaya dahan-dahan nalang akong nag lakad palapit sa flower shop. Gusto kong makita sa malapitan ang mga bulaklak.
"Ate... saan po sa mga bulaklak na ito ang Primrose?" nakangiting tanong ko. Naalala ko kasi na iyon daw ang paboritong bulaklak ni Mama Claudia kaya iyon ang gusto niyang ipangalan sakin, hindi ko nga lang alam kung anong itsura nun.
"Ito hija." nakangiting turo niya naman sa mga bulaklak na makukulay. Hindi ito kalakihan pero masyadong makukulay kaya ang ganda. Lagi ko na pala iyong nakikita sa hardin namin sa mansion. Hindi ko lang alam na iyon pala 'yon.
Napalingon ako sa tabi ko nang mapansing may nag lalakad palapit sakin. Si Eris, seryoso ang mukha niyang pinasadahan ng tingin ang mga bulaklak. Umayos ako ng tayo nang makalapit na nga siya sa tabi ko. Ngumiti rin sa kanya iyong babaeng nag bebenta.
"Girlfriend mo ba siya hijo? Ang ganda ganda niyang babae..." agad namang uminit ang pisngi ko nang sabihin iyon nong babaeng tindera. Nakagat ko nalang ang ibabang labi ko sa sobrang kilig. Sumulyap ako kay Eris na ngayon ay nakatingin na rin sa akin pero halos malukot na ang mukha. Hindi naman siya umangal kaya hindi na rin napawi ang kilig ko.
Taka ko lang siyang tinignan nang may pulutin siyang mga bulaklak, kulay purple iyon, kumuha na rin siya ng kulay pink at puti. Maganda naman iyong bulaklak pero ngayon ko lang ito nakita. Walang ganun sa hardin namin sa mansion.
"Bibilhin ko po 'to." sabi niya sa tindera at inabot iyong bulaklak na kinuha niya para balutin iyon. Nanlaki naman ang mga mata ko, bumili siya ng bulaklak?! Para sa akin ba 'yon?
"Maganda nga ang bulaklak na Hyacinth..." tumango tango na sabi nong tindera habang nilalagyan ng ribbon iyong mga bulaklak. Nanlaki lang lalo ang mga mata ko nang marinig ko na ang pangalan nong bulaklak. Hyacinth? Bulaklak din pala iyong pangalan kong 'yon?! Ngayon ko lang nalaman!
"Bulaklak pala ang Hyacinth?!" di makapaniwalang tanong ko. Sumulyap lang sa akin si Eris at hindi naman siya sumagot. Binalingan ko nalang ulit iyong bulaklak... ang ganda ganda nun. Nang matapos na nga ang babae sa ginagawa niya ay inabot na niya kay Eris ang bulaklak. Kita ko namang binayaran ito ni Eris.
Parang sasabog na nga ang puso ko nang iabot na iyon sa akin ni Eris. Napaawang agad ang labi ko dahil para sa akin nga iyon?! Nag lakad lang din siya agad kaya nag paalam na ako sa tindera para sundan agad si Eris. Hindi parin naaalis sa bulaklak na hawak ang tingin ko. Ang ganda ganda nun at sobrang bango!
"Anong ibig sabihin ng bulaklak na 'to? May meaning ba ang mga to?" nakangising tanong ko. Hindi siya sumagot. Pumara lang siya ng taxi kaya sumakay nalang din ako.
"Sagutin mo ko!" pangungulit ko sa kanya nang makapasok na kami sa loob pero kinuha niya lang ang phone sa bulsa at hindi ako pinansin. Busangot akong sumandal nalang sa upuan at tinitigan ulit ang bulaklak. Umangat ang tingin ko sa driver at nang may maisip ay agad akong ngumiti.
"Manong... may alam po ba kayo sa mga bulaklak?" tanong ko sa driver. Sumulyap naman ito sa akin sa salamin. Ngumiti siya nang makita ang dala kong bulaklak.
"Aba! Tamang tama hija at may alam ako sa floriography!" nakangiting sabi niya. Nanlaki naman ang mga mata ko at mas lumapit sa kanya. Sumulyap pa ako kay Eris na saktong nag angat din ng tingin sa akin. Salubong ang kilay at paniguradong naiirita na, pero di ko na siya pinansin.
"Talaga po? Ano po ba ang meaning ng... kulay puti na Hyacinth?" tanong ko habang hinahaplos ang kulay puting bulaklak na hawak. Mukha namang nag iisip si manong.
"Purity and innocence!" sabi niya nang maalala na niya ito. Ngumiti naman ako at tumango-tango. Purity and innocence...
"Ang kulay pink po?" tanong ko habang nakatitig naman sa kulay pink na hyacinth. Mukhang nag iisip ulit si manong.
"Affection. Youthful love... o kaya parang early stage of romantic interest!" nakangising sabi ni Manong. Nanlaki naman ang mga mata ko at agad na nilingon si Eris na mukhang nagulat din sa narinig. Nag salubong ang kilay niya. Agad kong sinundot ang tagiliran niya.
"Ikaw ha... may pag tingin ka sakin." pabulong na pang aasar ko sa kanya. Ngumiwi lang siya sakin at pa-irap na binalik sa phone ang tingin. Tumikhim nalang ako at muling binalingan si Manong.
"Eh... itong purple po?" tanong ko nanaman. Kinabahan naman ako nang makitang parang nalukot ang mukha ni manong. Napahilot pa siya ng mabilis sa noo niya na parang hirap sabihin kung ano meaning nun. Hindi ba maganda meaning nun?
"Ang natatandaan ko... jealousy meaning nyan, hija." nakangiwing sabi niya. Napaawang naman ang labi ko at napatitig nalang sa hawak na bulaklak. Jealous?! Busangot kong nilingon si Eris, sinasabi niya bang nag seselos ako? Nag seselos nga ako sa Portia na 'yon pero ano naman ngayon.
"Pero sa victorian floriography... ibig sabihin din ng purple na hyacinth ay asking for forgiveness." dagdag pa ni manong. Nabuhayan naman ako sa sinabi niya. Nakangisi kong binalingan ulit si Eris na ngayon ay irita nanaman akong tinignan.
"Pinapatawad na kita." sabi ko nalang na agad ikinalukot ng mukha niya. "Pinagsasabi mo?" iritang tanong niya sakin pero hindi na ako umimik. Nakangiti nalang akong tinitigan ang hawak na bulaklak hanggang sa makarating na nga kami.
"Ay ano yan? Bakit may pa-bulaklak?" taas kilay na tanong ni ate Lucia nang makarating na kami sa bahay nila. Ngumisi pa siya sakin nang sulyapan si Eris na ngayon ay deretso lang na nag lalakad patungo sa table niya. Ngumisi lang ako kay ate Lucia at pinakita sa kanya ng mabuti ang mga bulaklak.
"Hyacinth..." sabi niya lang at tumango tango nang makita ito. Kilala niya rin pala ang bulaklak na ito. "Binili to ni Eris?" tanong niya sakin. Nakangisi akong tumango. Pinaningkitan niya naman ako ng mata. Sumulyap pa siya kay Eris. "Aba, anong ibig sabihin nito?" natatawa niyang tanong.
"It means... nagugustuhan na niya ako." natatawang pang aasar ko naman. Kita kong gulat na napabaling si Eris sa amin. Natawa lang din si ate Lucia.
"Naliligaw ka ata Eris? Mukhang ibang daan na ang tinatahak mo." humalakhak pa si ate. Nakikitawa na rin ako.
"Papayag na siyang pakasalan ako..." dagdag ko pa.
"Shut up, you're a fucking minor. I just bought that so you'd know what kind of flower you're named after." mataray niyang sabi. Nag kibit balikat lang ako at hindi na siya pinakinggan. Naupo nalang ako sa katabi niyang upuan habang tinitigan nanaman iyong bulaklak. Hindi nakakasawa dahil ang ganda nun!
"Marami pa pala tayong dapat tapusin... diba kailangan na next week itong isang gown?" biglang tanong ni Eris kay Ate Lucia. Busangot na tumango tango naman si ate at lumapit sa kanya.
"Oo, sobrang dami pang dapat gawin! Five dresses still in progress, two clients asking for rush fittings, at may dalawang gowns pa..." napahilot pa sa noo si ate Lucia.
"Then we need to bring someone in. Si Bella, is she free?" tanong ni Eris. Bella? Sino nanaman ba yan?
"Oo, nagkausap kami nong nakaraan, nag hihintay lang din siyang tawagan natin." sabi naman ni ate Lucia.
"Call her, please." tumango naman si ate Lucia at agad na kinuha ang phone niya. Lumabas siya ng bahay para tawagan ang kung sino man ang babaeng iyon.
Binalik ko nalang ang tingin ko kay Eris na ngayon ay tinitignan ang mga papel sa harap niya. Napansin niya sigurong nakatitig ako kaya nag angat siya ng tingin sakin. Ngumiti nalang ako sa kanya pero hindi niya naman iyon sinuklian.

BINABASA MO ANG
The Escape In Your Embrace (Isla Primavera Series #3)
RomanceOn a flower-filled island of Isla Primavera, Hyacinth runs away to escape an arranged marriage. She finds refuge with her mother's friend and meets Eris, a gay dressmaker. Desperate, she asks him to marry her to avoid her fiancé. Eris agrees, and th...