Alice's POV
Nang makarating kami sa rest house agad na namangha si Anne. Pagmamay-ari ni dad itong rest house na ito kaya hindi na bago sa paningin namin ito ni Sheila, nakapunta na rin kami dito nung kami ay mga teenagers pa.
Ang rest house na ito ay isang maliit pero magandang bahay na gawa sa puti at itim na bakal at salamin. Tanaw na tanaw mula rito ang dagat. Ramdam mo ang tunog ng mga alon na humahampas sa baybayin at ang amoy ng alat sa hangin. Nakakapanatag talaga ng loob.
Pagpasok namin sa bahay, nakita namin sina Liam at si dad na naghihintay na sa may porch.
"Sa wakas," sabi ni Liam habang inaakay kami papasok.
Malawak ang loob ng bahay. May isang kulay pula na sofa sa gitna na may mga puting unan. May nakasabit na chandelier sa gitna ng kisame. Isang 80" na TV ang nakakabit sa dingding. Nasa balkonahe ang dining table para mas malinaw na matanaw ang dagat habang kumakain.
May 7 na kuwarto sa itaas at 3 sa ibaba, kaya sobra-sobra para sa iisang tao lang.
"Pumili na kayo ng kwarto na gusto niyo." sabi ni dad at agad kaming nag-unahan sa pagpili ng mga kwarto.
Lahat sila ay kumuha ng kuwarto sa itaas, pero ako naman ay pinili ang nasa ibaba — 'yung may sliding door na direktang bumubukas patungo sa dalampasigan.
Gustong-gusto ko kasi maglakad sa tabing-dagat tuwing gabi kaya palagi kong pinipili ang kwarto sa ibaba. Alam kong magtatanong sina tito Liam at dad kung bakit hindi kami magkasama ni Risa sa iisang kwarto, pero siguro mas mabuti na ring unti-unting iparamdam sa kanila na balang araw, maghihiwalay din kami.
Alam kong iba ang ipinakita ko kay Papa kahapon, pero gagawa na lang ako ng palusot o kung ano man.
Sa totoo lang, ni ako mismo ay hindi ko na alam ang dapat kong gawin. Nangako ako kay Risa na tutulungan ko siyang mapalapit kay Sheila, pero ano ang sasabihin ko sa mga magulang ko? Kay tito Liam? Kailangan ko nang pag-isipan ito simula ngayon. Wala na halos akong oras.
Napabuntong-hininga ako at inilagay ang maleta sa ibabaw ng puti at malambot kong kama. Simple lang ang kwartong napili ko. Ang disenyo nito ay may mga brown na muwebles at puting mga kurtina, bedsheet, at mga unan. May wardrobe, kama, banyo, at isang painting ng mga unicorn sa taas ng headrest ng kama.
Binuksan ko ang sliding door at sinalubong ako ng mainit na hangin na pumagaspas sa buhok ko. Ang sarap talaga sa hawaii
"Kids!" tawag ni tito liam mula sa labas. Hanggang kailan ba niya kami tatawaging mga bata? Kasal na ako, sa anak nya tapos kids parin?
Lumabas ako ng kwarto at tumabi kay Anne na abalang kumakain ng pringles. Saan niya nahanap 'yan? Agad ko itong inagaw sa kanya at ako na ang kumain. Sumimangot si Anne pero hindi ako natinag.
"Pwede tayong mamili ngayon, pero mamayang hapon, kami ni ng tito Jian niyo ay lalabas at baka gabihin na. Kaya kayo, bahala na kayo sa bonding n'yo." sabi ni tito liam habang iwinawasiwas ang kamay niya.
"Saan po kayo pupunta?" tanong ni Sheila.
"Hindi mo na kailangang malaman. Mind your own business." sagot ni tito Liam na may kasamang taray.
Napanganga naman si Sheila sa sagot. Hindi talaga siya gusto ni tito Liam kahit kailan. Ewan ko na lang kung anong mangyayari kapag nalaman niyang si Sheila ang magiging manugang niya. Baka ma-heart attack siya sa mismong oras na 'yon.
"Dad.." tawag ni Risa sa kanyang ama na parang naninita. Para bang si Risa ang magulang at si tito Liam ang anak. Napailing lang si tito Liam at lumabas ng bahay, sinundan ni dad.
"Ano pa hinihintay n'yo? Tara na at mamili!" sigaw ni Sheila sa sobrang saya. Napangiwi si anne sa taas ng boses niya at sa mismong salitang "shopping." Para kay Anne kasi hindi 'ito shopping—torture 'ito kapag kasama si Sheila.
Magde-decline na sana ako pero may biglang pumasok na ideya sa isip ko. Hinila ko si Anne sa gilid at sinabi ko sa kanya ang plano ko, agad siyang napasimangot. Alam kong ayaw niya ng ganitong mga bagay.
"Please, Anne. Kaunting oras na lang meron ako." pakiusap ko. Sa huli ay napapayag ko rin siya, kahit pilit.
"Yey! Halika na. May date pa tayong ipe-prepare." sabi ko sabay hila sa kanya papunta sa sasakyang naghihintay sa labas.
Ang unang date nina Risa at Sheila.
✧✿✧✿✧
4 hours later
“Ang pangit ng movie na ‘yon,” reklamo ni Vice pagpasok namin sa bahay. Kakarating lang nito kanina dito sa hawaii at sumunod lang sa amin sa mall.Kaming dalawa lang ang nanood dahil si Anne ay may date kasama si Daniella. Si Sheila naman ay pinilit kong huwag mo ng sumama, pumayag naman sya nung sinabi kong hindi rin sasama si Risa dahil magpapahinga na mo na daw siya. So saktong sakto talaga ang plano namin ni Anne na iwan mo na ang dalawa sa rest house.
Inilagay ko ang susi ng sasakyan sa mangkok malapit sa pinto at umupo sa sofa. Tinanggal ko ang aking takong at minasahe ang pagod kong mga paa.
“Choice mo ‘yon, ano pa bang inaasahan mo?” sagot ko sa kanya, kaya tiningnan niya ako ng masama.“Gutom na ako,” reklamo ulit ni Vice sabay takbo papunta sa kusina. Napailing ako sa kanya. Napansin ko, tuwing kasama ko si Vice, palagi na lang akong napapailing.
Biglang kumalam ang tiyan ko, paalala na kailangan ko na ring kumain. Napabuntong-hininga ako at tumayo para pumunta sa kusina ng bigla akong nabangga sa matigas na likod.
“Aray. Vice, bakit ka ba parang poste na nakatayo sa gitna ng daan?” reklamo ko habang kinuskos ang masakit kong noo.
Nang wala akong narinig na sagot, tumingin ako sa kanya at nakita kong nakatitig siya sa isang direksyon. Sinundan ko ang kanyang tingin at parang gumuho ulit ang puso ko.
Si Risa at Sheila ay sobrang lapit sa isa’t isa at parehong nakatitig sa mga labi ng isa’t isa. Noong maglalapat na ang kanilang mga labi, isinigaw ni Vice ang pangalan ko kaya parang natanggal sila sa kanilang ulirat, literal naman na inatake ako sa puso dahil nasa tabi ko siya.
“Ano?” tanong ko habang hawak ang dibdib ko.
“Gutom ka na ba?” tanong niya. Napakunot-noo ako sa kanya na parang sinasabing ‘ano?’. Gumalaw lang siya ng mata na para bang sinasabing ‘sakyan mo na lang’. Nang marealize ko ang ibig niyang sabihin, agad akong sumagot.
“Oo, gutom na ako.”
“Tingnan natin kung may makakain sa kusina.” sabi ni Vice at tumalikod. Nagkunwari naman itong nagulat nang makita si Risa at Sheila.
“Ay! Andito pala kayo?” tanong ni Vice.
“Oo.” sagot ni Sheila.
“Wala kasing tao, at nagutom na kami, kaya kumain na lang kami ni Risa.” dagdag pa niya habang tumingin kay Risa na ngayon ay nakaupo na sa kanyang upuan. Ni hindi man lang siya tumingin sa akin.
“Tignan ko lang kung may makakain pa ba dito.” sabi ko at agad na tumakbo papasok ng kusina.
Humawak ako sa counter at huminga nang malalim para pakalmahin ang puso kong mabilis ang tibok.
Masakit.
Sobrang sakit.
Hindi maalis sa isip ko ang itsura nina Sheila at Risa habang nagtititigan at muntik nang maghalikan.
“Okay ka lang?” tanong ni Vice at inilagay ang kamay sa balikat ko. Ngumiti ako ng pilit at tumango.
No.
I am not okay.
Ang sakit palang makita pagharap harapan.
Sinimulan ko na ang paghalungkat sa mga drawer at buti na lang may nakita pa akong isa.
“Pasta time.” sabi ko sabay kindat sa kanya, at nagsimula na akong maghanda ng hapunan.

BINABASA MO ANG
The Arranged Marriage (Guontiveros)
Fanfiction"Alice, kailangan nating mag-usap." sabi niya matapos ang ilang minutong katahimikan. Hindi ko alam kung paano ang apat na salitang ito ay kayang sirain ang buhay at pangarap ng isang tao-hanggang ngayon. Tahimik akong tumango, hudyat na magpatuloy...