Chapter 8

3.3K 200 56
                                        


"Natapos mo na?" tanong ni ate Lucia kay Eris. Lumapit pa siya para tignan ng mabuti iyong dress. Lumapit na rin ako para makitingin. Ang ganda ganda nun, ang galante tingnan. Kung hindi ko lang alam na si Eris gumawa nun, iisipin kong sixty years na sa fashion industry and gumawa ng dress na 'yon.

"Yeah." tipid na sagot ni Eris. Kita kong hinilot niya pa ang batok niya. Pumalakpak naman agad si ate Lucia na agad ko rin namang ginaya. Masama pa akong tinignan ni Eris pero ngumuso lang ako at agad na tinago sa likuran ang kamay ko.

"Idedeliver na ba yan ngayon? Tatawagan ko ang courier—"

"No. Portia wants me to deliver it to her personally." sabi lang ni Eris habang nililigpit ang iilan sa mga gamit niya. Kita ko namang napangiwi si ate Lucia at napailing-iling nalang.

"Sobrang halata talagang may gusto sayo ang isang 'yon." natatawang sabi ni Ate. Agad akong naalarma, may gusto kay Eris iyong client niya? Hindi ko alam pero nakaramdam agad ano ng pagkalungkot at inis. Alam ko namang hindi iyon papatulan ni Eris, pero nakakairita paring isipin!

"Maligo ka na, ako na mag lalagay nito sa garment bag." sabi ni ate Lucia sa kanya. Tumango lang si Eris, sumulyap pa siya sakin bago tumalikod. Agad akong sumunod sa kanya nang makitang paakyat na siya ng hagdan.

"Can I come with you?" nakangiting tanong ko sa kanya. Nag salubong agad ang kilay niya nang sulyapan ako pero nag patuloy parin siya sa pag lalakad. Nakalugay ang buhok niya ngayon at sobrang gwapo niyang tignan kahit naka plain black shirt lang siya.

"Ano namang gagawin mo roon?" taas kilay na tanong niya. Nakasunod parin ako sa kanya.

"Wala... gusto ko lang sumama. Nababagot ako rito." pag dadahilan ko kahit ang totoo ay babantayan ko siya dahil hindi ako natutuwa nong malamang may gusto pala sa kanya ang client na 'yon. Kung sino man siya, sana lang mas maganda ako sa kanya!

Nang makarating na kami sa itaas ay hindi naman na siya umimik pa. Kita kong pumasok lang siya agad sa kwarto niya kaya agad na rin akong nag tungo sa kwarto ko para maligo at mag bihis. Mabilis lang naman iyon at agad akong nag ayos. Gusto ko sanang mag suot ng make up pero wala naman akong make ups dito!

Busangot akong nakatayo lang sa harap ng salamin. Nag suot lang ako ng romper shorts na kulay puti, may maliliit itong desinyo na bulaklak. Kahit seventeen palang ako, hindi naman ako mukhang bata tignan. Medyo payat lang ako pero matangkad naman ako.

Pagkatapos kong patuyuin ang buhok ko ay bumaba na rin ako ng hagdan. Nakita ko nga si Ate Lucia na nakatitig lang sa harap nong garment bag, nandoon na sa loob iyong dress. Agad siyang bumaling sa akin nang makitang pababa ako. Wala pa rito si Eris.

"Oh, saan ka pupunta?" takang tanong niya sakin. Agad akong ngumisi. "Sasama ako kay Eris." excited na sabi ko. Agad niya akong pinanliitan ng mata, natawa nalang siya at napailing.

"Ikaw talagang bata ka..."

"Ate, may make up ka ba?" tanong ko sa kanya nang maalalang baka nga pala merong kanya. Agad siyang umiling. "Kahit lipstick lang oh." nakangusong sabi ko.

"Para saan?" nagulat pa ako nang biglang sumulpot si Eris. Nakabihis na rin siya, nag suot lang siya ng button down longsleeve na kulay itim at gray na trousers. Ang gwapo niya tignan! Kunot ang noo niya habnag deretso sa akin ang tingin. Narinig niya ang sinabi ko kay ate Lucia.

"Gagamitin ko, para hindi ako mag mukhang bata. Pag nakita nila tayo mas iisipin nila agad na girlfriend mo ko kesa batang kapatid." nakangiting sabi ko. Narinig ko namang naubo si Ate Lucia.

"Naku, Hya... kung lalaki ka sana baka mapagkamalan ka pang jowa niya, pero babae? Malabo!" naiiling na sabi ni ate Lucia. Mas lalo lang akong napabusangot. Ibig sabihin alam ng halos lahat ng tao dito sa Isla na bakla si Eris?!

The Escape In Your Embrace (Isla Primavera Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon