Pinaningkitan ko ng mata ang mga sketches na gowns ni Eris na nasa clipboard. Kagat kagat ko pa ang dulo ng lapis habang ginagawa iyon. Sinusuri ko ng mabuti ang mga disenyo niya. Magaganda naman ang mga iyon pero wala akong nagustuhan para sa wedding gown ko.Sumulyap ako kay Eris at saktong nag angat din siya ng tingin sa akin. Agad akong ngumisi na ikinakunot ng noo niya. Nag lakad ako palapit sa kanya at tinuro ang iilan sa mga lapis.
"Pwede ba akong mang hiram ng lapis?" nakangising tanong ko. Tinitigan niya pa ako ng ilang segundo na parang nag iisip. Sumulyap din siya sa mga lapis niya at mahinhin na kumuha ng isa sa mga iyon at kunot noo paring inabot ito sa akin.
"At... papel sana." medyo nahihiyang sabi ko. Tinuro ko pa ang sketchbook niya na mas lalong ikinataka niya.
"Anong gagawin mo?" taas kilay na tanong niya sakin. Umayos ako ng tayo at lumunok muna ng laway. Hindi naman galit ang pagkakasabi niya nun kaya hindi ako masyadong nakaramdam ng takot. Ngumiti lang ako ulit.
"Iguguhit ko ang gusto kong disenyo ng wedding gown ko." nakangiting sabi ko.
"Huwag kang mag alala pwede mo namang baguhin ang iilan sa mga parte ng gagawin ko pag may hindi ka nagustuhan." dagdag ko pa na mas lalong ikinalukot ng mukha niya. Kita kong napasuklay pa siya ng daliri sa buhok na parang pagod na pagod nang makipag talo sakin. Agad niyang kinuha ang sketchpad niya at inabot iyon sa akin.
"Funny how you talk about your wedding gown like you didn't ditch your own wedding." iritang sabi niya. Hindi na ako umimik at nakangising naupo nalang ulit sa upuan ko kanina. Kita kong nag patuloy na rin naman siya sa pag tapos nong dress sa harap niya.
Nakangiti lang akong nag umpisang mag sketch ng gusto kong wedding gown. Hindi ako ganun ka galing gumuhit pero pag bubutihin ko dahil wedding gown ko 'to! Ayaw na ayaw kong ikasal pero dahil nakilala ko si Eris, parang nag bago iyong desisyon ko. Tapos nakita ko pa kung gaano pala ka ganda ang tela para sa wedding gowns... parang gusto ko agad ikasal!
Nagpatuloy lang ako sa pag guhit, isang gown lang naman ang gagawin ko pero ang tagal matapos. Kung si Eris ang gumawa ay baka five minutes lang tapos na niya ang isang disenyo! Sa akin, nakalipas na ang isang oras hindi parin mabuo-buo ang gusto kong disenyo. Busangot kong tinitigan ang sketchpad, okay naman na pero hindi kasing ganda nong na imagine ko.
"Uy, ano yan? May ginagawa kang design?" nakangising pumasok sa pinto si Ate Lucia. Ngumiti agad ako sa kanya nang mag lakad siya palapit sakin. "Marunong ka palang mag sketch?" dagdag niya pa. Tinitigan niya agad ang gawa ko nang makalapit siya.
Sumulyap ako kay Eris na ngayon ay nahuli kong paminsan minsang sumusulyap sa amin. Alam kong kating-kati na ang mga paa niyang lumapit sa amin para tignan ang gawa ko. Nahihiya lang siyang lapitan ako. Binalik ko nalang ang tingin kay Ate Lucia na kunot noo na ngayon.
"Ano 'yan? Nakasuot ba yan ng turon costume?" takang tanong niya. Agad napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Narinig ko pang natawa si Eris. Agad na bumagsak ang mga balikat ko habang tinitigan ng mabuti ang sketch ko. Bodycon kasi ang style nong gown!
"Ate! Wedding gown po yan." busangot na sabi ko. Gusto ko nalang maiyak. Kita kong nanlaki naman ang mga mata ni Ate, nakagat niya pa agad ang ibabang labi. Hindi ko alam kung dahil ba sa sinabi niya o para pigilan ang matawa... siguro, both?
"Ah, wedding gown... paano naging—ang ganda naman! Marunong ka palang mag sketch. May potential ka." nakangiting sabi niya naman. Nag thumbs up pa siya sakin kahit halata namang hindi niya naiintindihan ang ginuhit ko.
Sumulyap pa siya kay Eris na ngayon ay halatang nag pipigil lang din ng tawa kahit hindi niya pa naman nakita ang gawa ko. Dahil nga rin sa reaksyon ni Ate, parang mas lalo lang na hindi ko ipapakita ito kay Eris! Busangot kong pinunit ang papel. Narinig ko pang napasinghap si Ate Lucia.
"Bakit mo tinanggal sa sketchpad?!" gulat na tanong niya. Malungkot akong nag buntong hininga.
"Ang pangit... gagawa nalang ako ulit." busangot na sabi ko kahit ang totoo ay hindi na ako gagawa. Iyon ang gusto kong desinyo kaya kung gagawa ako ulit... ganun lang din ang magiging itsura.
"Ano?! Maganda naman 'yon ah."
"Let me see it." agad akong naalarma nang biglang tumayo si Eris. Mabilis kong nilukot ang hawak na papel. Pansin ko namang lumayo muna sa amin si Ate Lucia. Napatayo na ako nang tuluyan na ngang makalapit si Eris. Akmang aagawin na niya iyon sa kamay ko pero mabilis kong iniwas.
"Patingin ako, Hya..." first time niyang banggitin ang pangalan ko!
"Huwag na! Uulitin ko nalang." nakangusong sabi ko. Pilit ko parin itong iniiwas sa kanya tuwing balak niyang aagawin. Sinubukan ko pang itaas iyon pero walang silbi dahil mas matangkad naman siya sakin.
"Hyacinth." madiin na tawag niya sakin, halos pabulong iyon pero ang lakas ng dating. Kakaiba ang pangalan ko pag galing sa bibig niya. Agad akong natigilan kaya naagaw niya iyon sa akin.
Kita ko pang umangat ang gilid ng labi niya na parang gustong ngumiti pero di niya ginawa. Agad siyang lumayo ng kaunti sakin para buksan ang papel. Nakakahiya! Napaupo nalang ako ulit sa upuan at busangot parin siyang tinignan na ngayon ay titig na titig sa sketch ko.
"Ipapahiya mo lang groom mo pag ganito itsura ng gown mo." natatawa niyang sabi habang nakatingin parin sa papel.
"Bakit naman kita ipapahiya?" hirit ko naman. Agad siyang natigilan at sumulyap sakin. Nang mag tama ang mga mata namin ay agad siyang nag buntong hininga at pa-irap na umiwas. Bumalik siya sa upuan niya kanina habang dala-dala ang papel. Agad akong tumayo para kunin ito sa kanya pero mabilis niya itong iniwas.
"Akin na nga yan!" inis na sabi ko. Tinaas niya pa iyon, kahit nakaupo siya ngayon ay hirap parin akong kunin ito dahil lagi niyang iniiwas.
"Bakit ba ayaw mo ibigay?!" reklamo ko nanaman dahil ayaw niya talagang ibalik sakin. Nang makaramdam na nga ako ng pagod ay tumigil na ako. Kita kong inipit niya iyon sa isa sa mga papel na nasa table niya. Agad akong humalukipkip sa harap niya at pinaningkitan siya ng mata.
"Tinago mo..." mahinang sabi ko. Tinuro ko pa iyong papel na ngayon ay nakaipit na sa kung saan. Kumunot naman ang noo niya sakin at taka akong tinignan. Mas lalo lang lumapad ang ngisi ko. Hinampas ko pa ang table niya at mas lumapit sa kanya.
"Tinago mo, ibig sabihin gagawin mo talaga ang gown na yan!" nakangising sabi ko. Halata sa boses ang pag aasar. Gustong-gusto ko nang matawa nang makita ang lukot na mukha ni Eris.
"What are you even saying?"
"Gagawin mo talaga ang wedding gown na yan! Sabi ko na nga ba eh, gusto mo rin akong pakasalan." bumuhakhak pa ako na parang isang demonyong naging successful sa masamang plano. Nang humupa na ang tawa ko ay muli kong tinignan si Eris na ngayon ay halatang naaasar na.
"Ano bang sinasabi mo? Why would I marry you?" tanong niya pa sakin pero umiling-iling lang ako na parang nahuli na agad siya. Nakangisi kong hinila ang isang upuan palapit sa table ni Eris at naupo doon. Nagpangalumbaba pa ako sa harap niya na mukhang hindi niya naman ikinatuwa.
"Gusto mo rin akong pakasalan." ulit ko nanaman. Napapikit pa ako at sinabunutan ang sarili na parang kilig na kilig. Pigil na pigil pa akong mapatili. Kita ko namang napangiwi si Eris.
"Kailan ko sinabi yan?" takang tanong niya, luminga-linga pa siya sa paligid na parang nag hahanap ng sagot. Naguguluhan siya sa mga nangyayari at sinasabi ko o baka naman nag mamaang-maangan lang siya dahil nahihiya lang siya kasi nahuli ko.
"Hindi mo sinabi pero actions speak louder than words." nakangising sabi ko. Kumindat pa ako sa kanya na agad niyang ikina-irap. Tinuro ko pa ulit ang papel na tinago niya para maintindihan niya ang ibig kong sabihin.
"Gusto mo rin akong ikiss..." natatawang sabi ko pa. Mas lalo lang na gusto kong matawa nang makitang nanlaki ang mga mata ni Eris. Napaawang pa ang bibig niya sa gulat.
"What? Anong kinalaman ng kiss sa pag tago ko ng papel?!" di makapaniwalang tanong niya. Nakangisi lang akong nag kibit balikat. Tinignan niya naman ako na parang diring-diri siya sakin.
Dahil nga hindi naman na ako nag salita, nakangisi lang akong nakapangalumbaba sa harap niya, umiling nalang siya na parang nawawalan na ng pag-asang maipag laban ang sarili. Pinag patuloy niya nalang ang ginagawa.

BINABASA MO ANG
The Escape In Your Embrace (Isla Primavera Series #3)
RomanceOn a flower-filled island of Isla Primavera, Hyacinth runs away to escape an arranged marriage. She finds refuge with her mother's friend and meets Eris, a gay dressmaker. Desperate, she asks him to marry her to avoid her fiancé. Eris agrees, and th...