Habang nasa byahe kami kahapon pauwi galing sa Home of the Aged ay nagsabi na si Sir na hindi na kami sa Circle of Hope pupunta. Sa isang tagong Sitio na raw ng mga katutubo ang aming pupuntahan. May tatlong araw kami para ikondisyon ang mga sarili namin dahil kailangan namin mag trek ng dalawang oras bago marating ang nasabing Sitio.
"Umpisahan na natin gamitin yung hagdan. Kaltok sa mukha gumamit ng elevator." sabi ni Jude habang nag pupunit ng papel at kinakalat sa sahig.
Binato naman sya ni Hayden.. "itapon mo yan. Ikaw kakaltukan ko sa mukha, tignan mo."
Kamot ulo naman syang sumunod. Para kasing gago. Walang magawa sa buhay.
"Greg, Toby dalhin nyo na sa faculty tong mga papel natin." utos ni Elijah.
After discussion kasi umalis na yung teacher namin. Nag iwan lang sya ng seat work at pagtapos dalhin daw sa faculty room.
"Mag elevator kami, Pres." ani Greg.
"No."
Kamot ulo naman si Greg. "paano namin dadalhin to sa baba?" Problemado talaga sya.
"Ipadala mo sa wakwak Greg." ani ko.
Bentang benta naman kay Ryker yung sinabi ko. Ang lakas ng tawa. Nakalimutan pa nga ata na babae ako, grabe makatulak eh. "Happy ka?" asik ko sa kanya.
Wala naman ng nagawa sila Greg at bumaba na nga gamit yung hagdan. Pero kung iisipin nakakapagod naman talaga. Tatlong araw kaming mag aakyat panaog sa hagdan tapos sa Friday hiking na. Napaaga ata penitensya namin.
-
"Kuya! Awat muna. Pahinga muna tayo!" Pigil ni Saint sa tumatayong tourguide namin.
"Every ten minutes, you ask for a break Saint." ani August.
"Pre wag mo muna ko englishin. Sumasakit na buong pagkatao ko. Wag mo ng dagdagan."
Natatawa naman akong umupo sa malaking bato sa gilid. Tatawa tawa lang ako pero pvtangina! Pagod na ko!
Agad naman inabot ni Eli sakin yung tumbler ko. Panay rin ang punas nya sa likod ko. Naka alalay naman sya sakin. Actually silang lahat gusto ko na nga mapikon kakatanong nila kung kaya ko pa ba. Sa 'ming dalawa ni Saint mukhang sya pa nga ang dapat tanungin kung kaya nya pa.
"Basang basa na yung damit mo." ani Elijah.
I'm wearing a trekking outfit para mas komportable ako. Lahat na kami ganito ang suot then yung ibang damit namin ay mga nasa bag namin.
"Ikaw din naman. Lahat naman tayo." ani ko habang hinihingal pa.
Nag simula ulit kaming maglakad matapos lang ang limang minuto. "Kaya ka napapagod Saint kasi walang tikom yang bibig mo kaka reklamo." sabi ko.
"Tvngina! Kabayaran ko na ata to sa lahat ng ka tarantaduhan ko sa buhay." hindi pa talaga sya tumitigil.
Kahit yung tourguide namin tawa ng tawa sa mga kalokohan nitong mga kumag.
"Sir! Nasan pala yung mga pagkain na dala natin?" Tanong ni MM.
May dala kasi kaming take out food from fastfood chain. Then magluluto kami, sila pala ng sopas. Ngayon ko lang din naalala yung mga dala namin. Kasi tanging section lang talaga namin ang nandito pati yung tourguide. Eh kanina sa bus may kasama kaming anim ata yon na staff ng school.
"Nag habal habal sila paakyat."
Parang iisa ang utak namin. Sabay sabay kaming huminto sa paglalakad at binalingan si Sir na katabi ng tourguide.
