Napamulat ako ng mata dahil sa sobrang sakit ng leeg ko. Nilibot ko agad ang tingin sa paligid, medyo maliwanag na sa labas. Nakatulog pala ako dito sa mesa?! Napaayos ako ng upo nang makitang nakatulog din sa tabi ko si Eris.Tinitigan ko lang ang mukha niyang nakapikit. Ang himbing ng tulog niya. Mas lalong umaamo ang mukha niya ngayong natutulog. Pumapasok na ang liwanag mula sa bintana kahit nakasarado pa naman ang mga ito... deretso iyon sa mukha ni Eris.
Ang haba ng pilik mata... bumaba agad ang tingin ko sa ilong, pababa sa labi niyang medyo nakaawang pa. Napalunok ako ng laway at hindi ko na nga napigilan ang sarili kong ilapit ang mukha sa kanya. Pumikit pa ako nang maramdaman ko na ang labi niya sa labi ko. Ang lambot nun at... first kiss ko to!
Agad akong napaayos ng upo nang biglang may tumikhim. Gulat kong nilingon si Ate Lucia na kakababa lang ng hagdan. Halos lumuwa na ang mga mata ko at ramdam kong ang init na ng mukha ko sa sobrang hiya! Lalo na nang makitang ngumisi siya at pinaningkitan ako ng mata. Nakita niya! Nakakahiya!
Mas lalo lang akong kinabahan at nahiya nang biglang gumalaw si Eris. Nag stretching siya at nakapikit na ginugulo ang buhok. Natatawang lumapit na nga si Ate Lucia sa amin nang hindi parin inaalis ang tingin sa akin. Ang tingin na iyon ay halatang nang aasar. Nang mag mulat ng mata si Eris ay taka niya lang akong tinignan.
"Bakit ang pula ng mukha mo?" takang tanong niya sakin na mas lalo ko lang na ikinahiya. Parang gusto ko nang magpalamon ng lupa nang marinig ko ang malakas na halakhak ni Ate. Yumuko nalang ako habang kagat-kagat ang ibabang labi.
"Anong meron?" takang tanong nanaman ni Eris. Siguro ay naguguluhan lang siya lalo nang tumawa na si Ate Lucia.
"Si Hyacinth... nahuli kong nag nakaw." natatawang sabi ni Ate. Gulat akong nag angat ng tingin sa kanya. Pinandilatan niya pa ako ng mata na mas lalo niyang ikinatawa. Hilaw akong ngumiti kay Eris at umiling. Mas lalo lang kumunot ang noo niya.
"What?"
"Bantayan mo yang mga gamit mo." dagdag pa ni ate, tinuro niya pa ang mga gamit sa mesa. Nag lakad lang din siya agad patungo sa kusina. Naiwan kaming dalawa ni Eris. Nag tataka parin siya pero wala rin akong balak na sabihin! Huminga nalang ako ng malalim.
"Anong kinuha mo?" tanong niya sakin. Mabilis akong umiling at pilit na iniiwas ang mukha sa kanya dahil alam kong pulang pula parin ako. "Do you have a fever?" nag aalalang tanong niya. Nagulat pa ako nang hawakan niya ang noo ko. Umatras ako agad dahil nag wawala nanaman ang puso ko.
"Ayos lang naman ako! Maliligo muna ako." nag mamadali akong tumakbo paakyat ng hagdan. Nahagip pa ng mata ko si Ate Lucia sa kusina na nakangisi parin. Nag tungo nalang ako agad sa kwarto ko at di ko na nga mapigilang mapahawak sa labi ko nang makapasok na ako.
Ang lambot ng labi niya... mabilis lang iyon pero ramdam na ramdam ko parin kung gaano iyon ka lambot. Nakangisi akong tumakbo papuntang banyo at agad na naligo. Nang matapos ay agad akong nag suot ng flowy na floral dress. Kulay hot pink iyon na may yellow flower designs. Pagkatapos kong mag ayos ay bumaba na rin ako agad.
Nag lakad lang ako at agad akong nagulat nang biglang may humablot sa braso ko. Nag angat ako ng tingin kay Eris na tinitigan ng mabuti ang kamay ko. Parang nag wala nanaman tuloy ang dibdib ko.
"Hindi na ba masakit?" tanong niya sakin. Dahan-dahan lang akong umiling nang hindi parin inaalis ang tingin sa mukha niya. Tumingin din siya sakin kaya nag tama ang mga mata namin.
"Hindi naman na masakit." mahinang sabi ko nalang. Nang makita niyang hindi naman na ito lumala, binitawan na niya ang kamay ko at nag tungo sa kusina. Sumunod na rin ako. Kita ko ngang may nakahanda nang pagkain doon. Kare-kare iyon at... hindi ako kumakain ng kare-kare.
"Kumakain ka ba ng kare-kare, Hya? Pasensya na, ganitong agahan kasi ang nakasanayan namin." Natatawang sabi ni ate sa akin. Nakangisi akong tumango tango. Kaya ko namang pilitin ang sarili ko. Naupo na sila kaya naupo na rin ako. Nasa harap ko si Eris.
"Nasaan po si Tito?" takang tanong ko nang mapansing wala si Tito.
"Mamaya pa ang uwi niya." sabi niya lang. Tumango nalang ako at nag umpisa na ring kumuha ng pagkain. Kunti lang ang kinuha ko dahil hindi ko naman iyon mauubos. Sumubo ako agad at mabilis itong nginuya. Uminom pa ako ng tubig para malunok ko agad.
Nag angat ako ng tingin nang mapansing may nakatitig sa akin at tama nga ako, nag tama agad ang mga mata namin ni Eris. Seryoso siyang nakatingin sa akin na parang sinusuri ako. Ngumiti lang ako sa kanya pero hindi niya parin inaalis ang tingin sa akin. Uminom nalang ako ulit ng tubig.
Nagulat pa ako nang bigla siyang tumayo. "Tapos ka na?" takang tanong naman ni Ate Lucia sa kanya. Hindi siya sumagot at nag tungo lang sa fridge para kumuha ng kung ano. Hindi ko na nagawang kumain pa nang makitang may niluluto siya.
Taka lang din na nakatingin sa kanya si Ate, nang matapos siya ay agad niya itong nilapag sa harap ko. Narinig ko namang naubo si Ate Lucia.
"Hala, sana pala nag tanong muna ako kung anong gusto mong ulamin! Pasensya na Hya." nag aalalang sabi ni ate. Mas lalo lang tuloy akong nahiya. Umiling ako agad.
"Hindi! Ayos lang po... kumakain naman ako ng kare-kare." sabi ko nalang.
"Oh, you're not good at lying." sabi naman ni Eris. Busangot ko siyang tinignan. Sumulyap naman ako sa ulam na niluto niya, pork tocino iyon at itlog. Mas pipiliin ko ngang kainin iyon kesa sa kare-kare.
"Salamat." sabi ko nalang pero hindi na siya tumingin sa akin ulit. Seryoso lang siyang sumusubo ng pagkain. Napatingin ako kay ate Lucia at nagulat ako nang bigla siyang ngumisi sa akin at kumindat pa. Kumurap-kurap nalang ako at nag umpisa na ngang kumain.
"Maninigarilyo muna ako." sabi ni Ate nang matapos na siyang kumain. Tinaas niya pa ang hawak na sigarilyo at lighter para ipakita samin. Nakangisi siyang nag lakad palabas ng bahay. Kita kong napailing lang si Eris at agad na tumayo kaya tumayo na rin ako. Nililigpit niya ang mga pinanggan na agad ko namang tinulungan.
"Ako na ang mag huhugas ng plato." nakangiting sabi ko nang makitang nilagay ni Eris ang mga pinggan sa lababo. Tumaas naman ang kilay niya sakin.
"Alam mo ba kung paano?" mataray na tanong niya sakin. Agad akong tumango. "Oo naman! You think I'm some kind of royalty?" natatawang tanong ko. Umangat naman ang gilid ng labi niya.
"Hindi ba?"
"Hindi. Tinuruan naman ako ni Mama Marcella paano ito gawin." pag sisinungaling ko, hindi ako pinapahugas ng plato sa mansion. Hinawakan ko agad ang plato na mabilis namang inagaw ni Eris. Medyo nagulat pa ako sa ginawa niya.
"Ako na. Hindi pa gumagaling ang kamay mo." seryosong sabi niya, sumulyap pa siya sa kamay kong namumula parin. Hindi na ako nakapalag nang sumingit siya sa tabi ko at siya na nga ang nag umpisang mag hugas nong pinggan.
"Paano nalang kung kinasal tayo, ano nalang pala ang gagawin ko kung pati pag hugas ng pinggan di mo pa ipapagawa sakin?" nakangising tanong ko. Mas lumapit pa ako sa kanya dahilan para mapalingon siya sakin. Umangat ang gilid ng labi niya na parang natatawa.
"Why worry about something that's never gonna happen?" madiin niyang sabi. Binalik niya lang din agad ang tingin sa mga plato. Bumagsak agad ang mga balikat ko pero hindi ko parin mapigilan ang mapangiti. Kahit hindi naman nakakatuwa ang sinabi niya.
Pinapanood ko lang siya hanggang sa matapos. Agad lang din naman siyang nag tungo sa harap nong dress na ginagawa niya kagabi. Pinag papatuloy niya lang ito, halata namang patapos na. Sobrang ganda nun, ang swerte nong client niya.
Inakbayan ko lang ang mannequin sa tabi ko habang hindi parin inaalis ang tingin kay Eris. Seryoso lang siyang nag lalagay ng mga kung ano anong disenyo sa dress, paminsan minsan pa ay hinahawi niya ang mahabang buhok. Tuwing ginagawa niya iyon ay parang nag s-slowmotion ang paligid dahil sobrang gwapo niya. Napaayos ako ng tayo nang bumaling siya sakin. Agad kong iniwas ang tingin ko.

BINABASA MO ANG
The Escape In Your Embrace (Isla Primavera Series #3)
RomanceOn a flower-filled island of Isla Primavera, Hyacinth runs away to escape an arranged marriage. She finds refuge with her mother's friend and meets Eris, a gay dressmaker. Desperate, she asks him to marry her to avoid her fiancé. Eris agrees, and th...