Chapter 5

3.5K 215 66
                                        


Masyado nang malalim ang gabi. Sinara ko na ang bintana ng kwarto ko. Nakaramdam ako ng pagkauhaw kaya naisipan kong bumaba nalang muna. Saktong nakasulong ko si ate Lucia na paakyat habang humihikab.

"Oh, gising ka pa pala Hya?" tanong niya sakin nang makita ako tumango ako sa kanya at ngumiti.

"Nauuhaw po ako." sabi ko nalang. Tumango naman siya at humikab nanaman. Halatang antok na antok. "Nandoon pa naman si Eris sa baba." sabi niya lang sakin at nag patuloy na sa pag lalakad. Bumaba na rin ako at gaya ng sabi ni Ate, nandoon pa nga si Eris.

Nakaupo siya. May mannequin sa harap niya na may suot na ngayong dress na sa hula ko ay iyon ang bagong gawa niya dahil sa ginamit na tela... iyon 'yong bagong bili namin kanina sa shop.

Pagod niyang hinihilot ang batok niya. Nag tungo nalang ako sa kusina at kumuha na ng tubig.

"Lucia... get me a coffee please." rinig kong tawag ni Eris. Lumingon ako sa banda niya pero ganun parin ang posisyon niya, hinihilot ang batok at mukhang pagod na pagod. Nag angat ako ng tingin sa hagdan pero wala na si Ate Lucia. Ako nalang ang nag timpla ng kape.

Nong nasa mansion ako, hindi ako pinapatimpla ng kape pero alam ko naman kung paano dahil lagi ko namang nakikita ang mga katulong na gawin iyon. Kumuha lang ako ng tasa at kita ko namang may machine sila kaya alam kong hindi ako mahihirapan. Nang matapos ay nag lakad na ako palapit kay Eris.

Nakailang hakbang na ako nang bigla akong madulas sa naapakan kong tela. Napaaray pa ako nang matapon ang kape sa kamay ko. Ang init!

"Shit!" rinig kong mura ni Eris. Napapikit nalang ako ng madiin sa sobrang sakit ng pagkabagsak ko. Rinig na rinig sa napakatahimik na silid ang pagkabasag nong tasa.

Nilibot ko agad ang tingin sa paligid para makita kung may natapunan ba akong mga dress o kaya sketches. Kita ko lang na natapon na nga sa sahig ang kape. Lumapit naman si Eris sa akin. Nagulat pa ako nang tulungan niya akong tumayo.

"Bakit ikaw ang nag timpla ng kape? Nasaan na ba si Lucia?" takang tanong niya. Napangiwi ako nang maramdamang ang hapdi ng kamay ko. Agad ko itong tinago sa likuran at nag angat ng tingin sa kanya. Kitang kita sa mukha niya ang pag aalala—hindi siya galit. Hindi siya galit?! Inaasahan kong sisigawan niya ako.

"Umakyat na sa itaas si Ate." mahinang sabi ko nalang. Nag buntong hininga lang siya. "May natapunan po ba ako?" kinakabahang tanong ko. Agad kong tinignan ng mabuti iyong dress na nasa harap niya kanina. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang di naman ito napano.

"Kamay mo." agad na sabi niya. Nanlaki naman ang mga mata ko nang hilahin niya ang kamay ko. Sinubukan ko pa itong itago ulit pero mas malakas siya sakin. Sinuri niya ito at kita ko ngang namumula na ito dahil sa init nong kape. Naiiyak na rin ako sa sobrang hapdi pero nangingibabaw parin ang takot ko.

"Diyan ka lang, huwag kang malikot, baka maapakan mo 'yong bubog." tumayo siya at nag mamadaling nag tungo sa kusina. Nakaawang lang ang labi ko habang sinusundan siya ng tingin. Hindi na rin nag tagal at bumalik siyang may dalang basang tela.

Agad na lumakas ang tibok ng puso ko nang hawakan niya ulit ang kamay ko at maingat na dinadampi ang basa at malamig na tela. Titig na titig lang ako sa kanya habang ginagawa iyon. Hindi ako makapaniwalang hindi niya ako senesermonan. Nabasag ko iyong tasa, natapon ko iyong kape, nag kalat ako sa paligid kung saan muntik nang matapunan ang mga designs niya... pero di siya galit.

"Hindi ka galit?" di ko na maiwasang mapatanong. Dahan-dahan siyang nag angat ng tingin sa akin. Mas lalo lang lumakas ang tibok ng puso ko nang mag tama na nga ang mga mata namin. Dahan-dahan naman siyang umiling.

"Why would I be mad?" malumanay na tanong niya. Binalik niya lang ang tingin sa kamay ko. Hindi ko na nga halos maramdaman ang hapdi nun dahil sa sobrang maingat niyang pag dampi nong malamig na tela. Nakatitig parin ako sa mukha niya... ang lapit.

"Kasi... natapon ko 'yong kape?" sabi ko nanaman nang hindi parin siya binibitawan ng tingin.

"Sinadya mo ba 'yon?" balik tanong niya sakin. Nag angat ulit siya ng tingin sakin. Hindi ako agad nakapag salita dahil ang lapit lapit ng mukha niya. Palipat-lipat lang ang tingin ko sa magkabila niyang mata. Umiling ako.

"Hindi..."

"So I have nothing to be mad about." mahinang sabi niya lang. Napalunok nalang ako ng laway. Nag wawala na ang puso ko. Hindi nga siya galit sakin, iniisip niyang wala dapat siyang ikakagalit sa nangyari. Hindi ko na magawang mag salita, nakatitig lang ako sa kanya.

"Masakit pa ba?" tanong niya. Sumulyap ako sa kamay kong mapula parin. Hindi naman na ito masyadong masakit kaya umiling lang ako. Tinitigan niya pa ako ng ilang segundo bago tumango. Tumayo lang siya at iniwan lang sa kamay ko iyong basang tela.

Sinusundan ko lang siya ng tingin na kumuha ng pang linis. May dala na siyang basahan at pinunasan iyong natapon na kape at walis para walisin ang mga bubog. Mabilis niya lang itong ginawa. Nang matapos ay hindi parin ako nakagalaw. Namamangha ako sa mga ginagawa niya. Kita ko pa siyang nag punta sa kusina para mag timpla ng panibagong kape.

"Hindi ka pa ba matutulog?" tanong niya sakin nang makabalik siya. Sumimsim siya nong kape at nilagay iyon sa pinakamalapit na mesa. Naupo siya ulit sa isang stool, nakatingin parin sakin. Umiling nalang ako. Nawala iyong antok ko dahil sa nangyari.

"Ikaw? Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong ko. Nag lakad ako palapit sa kanya para na rin matignan ng mabuti ang gawa niyang dress. Ngayong nasa malapitan na nga ay kitang kita ko na ang ganda nun.

"Hindi ako nakakatulog ng ganitong oras. Tatapusin ko pa 'to." sabi niya lang at nag umpisa na nga siyang kumuha ng kung ano-ano at nilalagay niya iyon sa waist line nong dress. Pinapanood ko lang siyang gawin iyon, nakakamangha dahil halatang alam na alam niya ang ginagawa.

"Ang ganda... siguro napakamamahalin ng mga gawa mo." nakangiting sabi ko. Sumulyap lang siya sakin at hindi na sumagot. Ang simple lang tignan ni Eris pero dahil sa mga gawa niya alam kong ang dami niyang pera.

"Ang yaman mo siguro." sabi ko nanaman. Tumaas naman ang kilay nya sakin. "Marry me." dagdag ko pa. Kinagat ko agad ang ibabang labi para pigilan ang mapangisi. Nanlaki ang mga mata niya at napaatras pa siya ng kaunti palayo sakin.

"Papakasalan mo lang dahil ma-pera? And why does it have to be like that when your dad is the business tycoon, Vincenzo?" umangat pa ang gilid ng labi niya. Napanguso lang ako at napaayos ng tayo.

Kilala nga si Papa Vincenzo bilang isa sa pinakamayaman sa lugar pero dahil sa mga pinaggagagawa niya... hindi ako kailan man natuwa na siya ang ama ko. Hindi ko maramdamang mayaman kami, mas nararamdaman ko pang nakakulong lang ako doon. Hindi ko rin naman kasi siya madalas nakikita sa mansion. Lagi siyang may lakad kasama ang ikatlo niyang asawa na si Beatrice.

"Hindi naman kasi akin ang pera ng Papa ko." agad siyang napailing sa sinabi ko. Kita ko pang gusto niyang matawa pero pinipigilan niya lang, nag patuloy na siya sa ginagawa.

"So, ang pera ng asawa mo magigising sayo?" tanong niya pa. Tumikhim ako agad.

"Depende kung ibibigay mo sakin." nakangising sabi ko. Natigilan naman siya, salubong ang kilay niyang bumaling sakin. Mas nilaparan ko lang ang ngisi ko na mukhang mas ikinaasar niya. Pa-irap niya lang na iniwas ang tingin niya at tahimik nang nag pukos sa ginagawa.

Kumuha nalang ako ng isang upuan at umupo sa tabi niya. Nakapangalumbaba akong pinapanood siyang lagyan ng desinyo iyong dress. Seryoso ang mukha niya, napakagwapo niya... ayaw kong ikasal, pero kung sa kanya, papayag ako kahit alam kong mas matanda siya sakin ng ilang taon. Hindi lang siya gwapo, ang bait bait niya pa. Ang swerte siguro ng makakatuluyan niya.

Kung hindi ako tumakas, makikilala ko sana ang mapapakasalan ko. Sino kaya siya? Mabait ba siya? Gwapo? Gaano ka gwapo? Kasing gwapo ba ni Eris? Kasing bait niya ba?

Alam kong alam ni Eris na nakatitig ako kaya hindi niya ako tinatapunan ng tingin. Ilang minuto ang nakalipas ay nakaramdam na nga ako ng antok. Napahikab ako at hindi na napigilang mapapikit.

The Escape In Your Embrace (Isla Primavera Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon