Chapter 4

3.2K 198 84
                                        


Nakatitig lang ako sa dagat na paminsan minsang inaabot ang paa ko sa may buhangin. Hindi naman ganun ka lakas ang alon kaya ang sarap sanang maligo. Sumulyap ako sa bahay at kita ko sa loob na nandoon parin ang mga client ni Eris. Nang dumating nga ang mga ito ay nag punta muna ako dito sa labas.

Halos isang oras na ang lumipas at nang makaramdam na nga ako ng pagkabagot ay bumalik na ako sa loob. Saktong wala na pala ang mga clients kaya pumasok na ako. Tahimik ang buong bahay. Kita ko si Eris na parang mag sinusulat na kung ano.

"Saan sila ate?" tanong ko. Sumulyap lang siya sakin at agad na inayos ang buhok niya. Mabilis lang iyon dahil binalik niya rin agad ang tingin sa kaharap na papel.

"Umalis." tipid na sabi niya. Busangot akong tumang. Sobrang boring dito! Nakakabingi ang sobrang katahimikan. Nag lakad nalang ako palapit sa isang mannequin at inayos ang suot niyang suit. Nakipag titigan pa ako sa mukha nito. Narinig kong tumikhim si Eris kaya napalingon ako ulit sa kanya. May kinuha siyang jacket sa upuan at mukhang aalis.

"May lakad ka?" agad na tanong ko sa kanya. Hindi siya umimik at deretsong nag lakad lang palabas ng pinto kaya agad akong tumakbo palapit sa kanya. "May lakad ka ba?" tanong ko ulit. Huminto siya at bumaling sakin.

"Oo."

"Sasama ako!" excited na sabi ko. "Saan ka pupunta?" tanong ko. Nag lakad lang siya sa may kalsada. Nakapamulsa pa siya at dahil nga ang tangkad niya. Ang normal na hakbang niya ay parang takbo na sa akin!

"Saan tayo pupunta?" tanong ko ulit dahil hindi siya sumagot. Nakatayo lang siya sa gilid ng kalsada. Nag hihintay ng taxi. Nang may dumaan ay agad niya itong pinara. Akala ko iiwan nga niya ako pero nang makapasok siya ay bumaling siya sakin na parang hinihintay akong pumasok kaya nakangisi akong sumakay sa tabi niya.

"I need to get more fabric." sabi niya lang. Tumango nalang ako. Bibili kami ng tela. Excited na ako dahil first time kong mamasyal dito sa Isla Primavera! Sinabi niya lang sa driver kung saan ang address nong fabric shop. Hindi nag tagal nakarating na rin naman kami doon.

Naunang pumasok si Eris kaya sumunod naman ako. Bumungad agad sa amin ang napakaraming rolyo ng tela. Iba't iba ang kulay, iba't iba ang desinyo at uri ng tela. May isang babaeng medyo matanda na ang lumapit sa amin. Ngumiti siya agad nang makita si Eris.

"Eris! Nandito ka ulit... anong hinahanap mo?"

"I'm looking for organza, something with a subtle shine, but not too heavy. It should be soft, yet durable, because I need to work with a few layers." rinig kong sabi ni Eris. Nilibot ko lang sa buong paligid ang tingin dahil hindi ko naman naiintindihan ang pinag uusapan nila.

"Ah, tamang-tama may mga bagong dating kaming organza rito. Teka... ipapakita ko sayo." nakangiting sabi naman nong babae. May nilapitan siyang shelf at may hinilang tela doon. "Ito..." pakita niya kay Eris. Lumapit naman si Eris kaya lumapit na rin ako. Hinawakan niya iyon.

"It feels right but... masyadong plain." walang ganang sabi niya. Tumango naman iyong babae at may hinila nanamang bagong tela.

"How about this one?" nakangiting tanong niya kay Eris. Hinawakan naman iyon ni Eris at sinuri ng mabuti. Kita kong tumango naman siya at ngumiti pa.

"This is perfect. Ito na ang kukunin ko, I also need a satin with a bit of shine for the bodice." sabi nanaman niya doon sa babae. Lumayo muna ako sa kanila nang may mahagip ang mata ko. Isang puting tela na masyadong maganda at malambot. Hindi ko maiwasang hindi ito hawakan at pakiramdam ko nakahawak ako ng clouds sa sobrang lambot nun!

"Ang lambot ng tela na to!" manghang sabi ko kay Eris nang mapabaling siya sakin. Hinaplos haplos ko ulit iyong tela. Natatawang tumingin lang sa akin iyong babae. Nagulat naman ako nang hilahin ni Eris ang braso ko palayo doon sa tela.

"Don't touch it baka madumihan." sabi niya na agad ikinabusangot ko. Tinitigan ko lang ulit iyong tela. Pakiramdam ko kung yayakapin ko iyon ay makakatulog ako agad.

"Hindi mo ba bibilhin yan? Maganda naman ah." sabi ko dahil nakita ko iyong gusto niyang bilhin kanina, hindi naman ganun ka ganda ang tela nun. Mas maganda pa itong nasa harap ko ngayon.

"That fabric is for a wedding gown..." sabi niya lang. pang wedding gown?! Mas lalo lang lumaki ang mga mata ko. Ayaw kong ikasal pero kung susuot ako ng gown na ganito ang tela ay baka araw-araw kong susuotin ang wedding gown ko!

"Diba papakasalan mo 'ko? Ito ang gamitin mong tela para sa gown ko!" nakangising sabi ko. Kita kong nanlaki naman ang mga mata niya sa gulat.

"What?!" di makapaniwalang tanong niya. Narinig kong natawa lang lalo iyong babae.

"Naku! Kayong mga bata talaga... huwag niyo mamadaliin ang kasal kasal na 'yan, pag isipan niyo ng mabuti..." naiiling na sabi nong babae. Nakangisi pa siyang nag lakad sa kung saan para siguro balutin iyong napiling tela ni Eris. Nakangisi ko lang na tinignan ulit si Eris na parang na estatwa na ata dahil sa sinabi ko.

"Don't make jokes like that again." sabi ni Eris. Busangot ko lang na tinitigan ulit iyong tela. Gusto kong hawakan ulit pero baka nga madumihan iyon dahil sobrang puti pa naman.

"Hindi naman ako nag bibiro." sabi ko nalang. Mas lalo lang siyang natigilan. Napabuntong hininga pa siya at inayos ang buhok niya.

"I will not marry you." madiin niyang sabi. Ngumuso lang ako para pigilan ang mapangisi. Humarap ako ng mabuti sa kanya. Nakatingala pa ako dahil ang tangkad niya. Nakadungaw lang din siya sakin habang nakahalukipkip. Seryoso ang mukha pero hindi naman ako natatakot.

"Bakit? Sino bang papakasalan mo?" tanong ko. Hindi naman siya nakasagot. Nakatitig lang siya sakin ng ilang segundo bago nag salita.

"Someone who's not seventeen." umangat pa ang gilid ng labi niya. Agad akong napalunok ng laway. Kumurap-kurap ako dahil nadidistract ako sa mukha niya. Masyadong gwapo tapos ang lapit pa!

"I'm eighteen in five weeks!" nakangising sabi ko. Umirap naman siya sakin. Umatras pa siya nang mapansing ang lapit lapit ko na nga.

"Someone I love." sabi nanaman niya. Akmang mag sasalita nanaman ako pero biglang lumapit iyong babae para sabihing okay na lahat ng pinamili ni Eris.

Nag usap lang sila saglit pero hindi na rin naman kami nag tagal. Lumabas na kami ng shop at doon ko lang napansin na ang ganda pala ng paligid sa labas. Kahit pala ditong may nga shops at building ay may mga bulaklak parin sa paligid. Natigilan lang ako nang may makita akong nag bebenta ng ice cream.

"Eris... may pera ka ba?" nakangiting tanong ko sa kanya. Kumunot naman ang noo niya sakin. Papara na sana siya ng taxi pero agad kong tinuro iyong lalaking nag bebenta ng ice cream. Napatingin din siya doon.

"Gusto ko sanang kumain nun..." sabi ko. Nag dadalawang isip pa siya pero nag lakad lang din siya palapit doon sa lalaki. Bumili siya ng ice cream kaya hindi ko na napigilan ang ngisi ko. Mas lalo lang akong natuwa nang iabot na iyon sa akin.

"Salamat!" agad ko itong nilantakan. Walang gana niya lang itong binayaran. Akala ko aalis na kami pagkatapos pero nagulat ako nang maupo siya sa sang bench. Agad akong tumabi sa kanya. Hihintayin niya bang matapos akong kumain?

Tahimik lang siyang nakaupo habang nakahalukipkip. Pinag mamasdan ang mga sasakyan na dumadaan sa harap namin. Kumakain lang ako ng ice cream nang biglang may pumasok sa isip ko. Dahan-dahan kong pinahid ang ice cream sa gilid ng labi ko. Tumikhim ako para mapalingon siya sakin. Pigil na pigil naman akong mapangisi.

Nagulat ako nang makitang kumuha siya ng tissue sa bulsa. Akala ko hindi siya mahuhulog sa ganitong patibong! Dahan-dahan niya namang pinahiran nun ang mukha ko. Hindi ko na nga napigilang mapangisi, pero agad din itong napawi nang bigla niyang ipasok sa bunganga ko ang tissue. Nauubo akong tumayo at dinura iyon.

"Ano ba yan!" reklamo ko.

"Very natural... halatang hindi sinasadya." Sarkastikong sabi niya. Walang gana siyang tumayo at agad na nag lakad kaya sumunod nalang ako habang pigil na pigil na matawa. Hindi nag tagal pumara na rin naman siya ng taxi.

The Escape In Your Embrace (Isla Primavera Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon