Chapter 46

336 6 0
                                        

"Bibili pa ba tayo ng christmas tree?" tanong ni Adam.

On the way kami ngayon sa isang one stop shop para bumili ng murang christmas decor. Sa Friday na kasi ang christmas party namin, Monday na ngayon.

"Hindi na may extra naman daw sila Greg." sagot ni Aiden.

"6ft yon." Dagdag impormasyon naman ni Greg.

Iilan lang kami ngayon dito Aiden, Adam, Greg, T at ako lang. After class kasi ay ang bibilis sumibat nung ibang kumag. Sila na raw ang bahala sa pag aayos ng room bukas kami naman daw ang magpahinga. Ang gagaling talaga. Si Elijah naman ay nasa US, pagka uwi namin nung Sabado ay agad syang nag book ng flight para sa susunod na araw. May emergency na naman sa company nila don.

"What theme?" T asked me.

Pina ikot ko muna ang tingin sa mga christmas decors. "Red and white? Tapos warm christmas light?"

Tumango tango naman sila at agad na kumuha ng decoration. Ako naman ay taga mando lang sa kanila kung anong dapat kunin, kung ilang piraso. Saglit lang din naman ay natapos na kami, dahil siguro sa konti lang kami kaya mas napabilis kami. Kasi kung kumpleto kami malamang sa malamang aabutin kami ng syam syam dito bago makapag bayad. At dahil almost dinner na rin naman ay nilibre na kami ni T. Yung tatlo na ang pumila habang kami ni T ay naghanap na ng pwesto.

Hinawakan ko ang noo at leeg nya. Kanina ko pa kasi napapansin na matamlay sya. "You're hot, T." ani ko.

"I know, A. I'm hot."

Hinampas ko naman sya nakukuha pang magbiro. "Seryoso nga kasi. Kailan pa masama pakiramdam mo?"

"Kaninang tanghali."

"Dapat hinayaan mo na lang kami mamili."

Ngumiti lang sya at ginulo ang buhok ko. "Okay lang ako."

Sasagot pa sana ako ng dumating na yung tatlo dala ang pagkain namin. Bago pa kami kumain nag picture pa sila pang inggit sa gc.

"Umuwi na agad tayo pagtapos. May sakit si T." imporma ko sa kanila.

"Kaya mo ba Vice?" may pag aalalang tanong ni Aiden.

"Hindi ba nag didilim paningin mo? Nahihilo?" tanong din ni Greg.

"He has seizures when he has a fever. The last time he got sick at school, he lost consciousness." ani Aiden.

Minadali namin ang pagkain kahit sinabi ni T na okay lang sya. Nag pasya akong samahan na sya pauwi at naunang ibaba yung tatlo naming kasama. Magpapahatid na lang ulit ako sa driver nila hanggang sa condo mamaya.

"Magpalit ka muna ng damit. May face towel kaba? Para mapunasan kita."

Wala syang imik na tinuro sakin ang walk in closet nya. Sabay na rin kami pumasok don since pinagpapalit ko nga sya ng mas komportableng damit. Nang makakuha ng towel ay dumiretso ako sa CR at nag asikaso ng ipang pupunas sa kanya.

Naabutan ko naman sya na nakahiga na sa kama nya at naka pikit. "T. Punasan muna kita."

Tumango naman sya kaya inasikaso ko na ang pagpupunas sa kanya. May gamot din akong nakita sa first aid kit box nya sa CR kaya kinuha ko na at tubig sa mini ref nya.

"Gamot muna." Dahan dahan naman syang umupo para maka inom ng maayos.

Nang matapos ay nilagay ko sa noo nya ang panibagong basang bimpo. Kinakabahan ako sa kanya. Lalo na may history sya ng seizure. Wala akong alam pagdating sa ganon. Wala rin ang magulang nya nasa isang seminar daw sa ibang bayan at bukas pa ang uwi.

"Okay na ko A. Tatawagan ko yung driver para maihatid kana pauwi. Thank you sa pag aalaga." May maliit na ngiti sa labi nya. Medyo paos na rin ang boses nya.

A Rose Among the ThornsWhere stories live. Discover now