Chapter 2

4.1K 220 99
                                        


Nang matapos ko na ngang suotin iyong isa sa mga dresses na inabot sakin ni ate Lucia. Lumabas na ako.

"Grabe! Ang ganda mo Hya!" pumalakpak pa si ate. Nakangisi naman akong umikot-ikot. Tumigil lang ako nang mahagip ng mata ko si Eris na nakahalukipkip habang nakasandal sa bintana. Deretso sa akin ang tingin. Seryoso ang mukha niya hindi ko mabasa kung galit ba o ano.

"Ang ganda, diba Eris?" tanong pa ni ate sa kanya. Nakangiwing umiwas ng tingin si Eris at nag patuloy lang sa pag guhit.

"The dress, yes. Ako gumawa eh." walang ganang sabi niya. Humalakhak lang si Ate Lucia na agad ko namang ikinabusangot dahil parang sinabi niya na rin na ang pangit ko at ang dress lang maganda. Pero halos araw-araw naman akong napupuring maganda kaya hindi ako naniniwala tuwing sinasabihan akong pangit.

"Mukhang ang saya niyo dito ah?" napalingon ako sa pinto nang biglang may pumasok. Isang lalaking medyo may katandaan na, base sa itsura niya ay halatang ang bait bait niyang tao. Tinanggal niya lang ang suot na sumbrero.

"Nandito na si Hyacinth." sabi ni ate Lucia. Napabaling naman sa akin iyong lalaki na sa hula ko ay siya iyong si tito Alonzo. Ngumisi ako agad sa kanya at lumapit. Nakangiti rin naman siya sakin.

"Hello po."

"Nandito ka na pala hija, na saan si Marcella?" luminga-linga pa siya sa paligid. Natigilan naman ako sa sinabi niya. Hindi ko kasama si Mama Marcella. Nang mapansin niyang wala nga si Mama Marcella ay parang nag aalala siyang bumaling ulit sakin.

"Ako lang po ang pinapunta niya rito." sabi ko. Kita kong napapikit siya ng mariin at napahilot sa noo. Sinundan ko lang siya ng tingin nang maupo siya sa sofa. Kita ko pang natatarantang nag abot ng tubig si Ate sa kanya.

"Para na rin siyang nag papakamatay sa ginawa niya." naiiling niyang sabi. Nakaramdam naman ako agad ng kaba. Ngayon ko lang naisip iyon, pinatakas ako ni Mama Marcella, panigurado ngang magagalit si Papa Vincenzo pag nalaman niyang wala na ako roon.

"Baka susunod lang siya." biglang sabi naman ni Ate. Tahimik lang ako, mukhang nag iisip na rin sila. Ilang minuto rin kaming walang imik, nabasag lang iyon nong biglang tumayo si tito at nakangiting tumingin sakin.

"Gutom ka na ba?" tanong niya sakin. "Kumain na tayo Lucia." tawag niya kay Ate. Nag mamadali itong tumango at nag tungo na nga sa kusina. Sinundan ko lang ng tingin si Tito na pumasok sa isang kwarto. Siguro ay para mag bihis. Naiwan kaming dalawa ni Eris.

Dahan-dahan akong nag lakad palapit sa kanya. Tinitigan ko ang mga papel na may mga desinyo ng iba't ibang dresses at gowns. Napapansin ko rin na mas marami siyang gawa ng damit pambaba kesa sa lalaki. Hindi ko maiwasang matuwa dahil ang gaganda ng mga iyon.

Unti-unting umangat ang tingin ko sa kamay niya, pataas sa braso, sa balikat, sa leeg... hanggang sa napasinghap na ako dahil nag tama ang mga mata namin. Sa akin din pala siya nakatingin. Seryoso ang mukha niya at medyo nakakatakot kaya ngumiti nalang ako.

"Matagal ka na bang gumagawa nito? Ilang taon ka na?" tanong ko sa kanya para hindi na niya masyadong isipin ang titig ko dahil nakakahiyang nahuli niya pa ako! Umayos naman siya ng tayo, nilapag niya pa sa mesa ang hawak na lapis.

"Twenty three." sagot niya naman agad. Twenty three? Seventeen lang ako. Ang laki pala ng agwat naming dalawa. Pero mag e-eighteen na ako sa susunod na buwan.

The Escape In Your Embrace (Isla Primavera Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon