Chapter 17

1.2K 125 194
                                        

Alice's POV

Nagising ako ng may gumalaw sa itaas ng aking tyan at mahigpit akong niyakap. I think it's 2am in the morning. Napatingin ako kay risa na mahimbing na natutulog habang yakap yakap ako.

God! Napaka ganda talaga ng nilalang na ito.

Hinaplos ko ang kaniyang pisngi at unti unti akong napapikit.

Tanggap ko na na mamaya, pag kagising niya ay talagang magsisisi siya o sana man lang hindi niya ito maalala.

I'm scared. I'm really scared kung ano ang mangyayare kapag magising sya.

Dahan dahan kong inalis ang kaniyang kamay at nagbihis. Dahan dahan ko din siyang binihisan at buti na lang hindi ito nagising. I cleaned all the mess at nang okay na ang lahat ay pumunta na ako ng kwarto at iniwan ko na siya sa sala.

I'm really hoping that she will not remember anything, na sana isipin niya na panaginip lang ang lahat.







Risa's POV

I woke up with a bad headache. Diko alam kong paano ako nakauwi kagabi at dito na pala ako nakatulog sa sala. I looked around at tinignan ang sarili ko upang maghanap ng sign. Sign kong totoo nga ba iyong nangyare kagabi o isang panaginip lang.

"Good morning, halika mag almusal na tayo at para maka inom kana din ng gamot para dyan sa headache mo." Alice said with a smile habang kumukuha ng pagkain sa mesa.

Maigi ko siyang tinignan, sinusubukan maghanap kung maykakaiba ba sa kinikilos niya.

"Huy Ris, bat g-ganyan ka makatingin?" Utal na tanong nito. Tumayo ako at tumabi sakaniya.

"Did we have sex last night?" Tanong ko ng diretso. Kita ko namang nabulunan siya at napaubo.

"Pinagsasabi mo dyan?" Galit nitong tanong sa akin sabay inom ng tubig.

"I-I… uhm, I can’t really remember anything from last night. But there are these memories stuck in my head, and I honestly can’t tell if they were real… or just a dream."

"Dumating ka dito ng lasing, hindi kita maiakyat kasi ang bigat bigat mo kaya sa couch na lang kita pinatulog."

"Are you sur—" i didn't finish my sentence dahil nag tanong ito ulit.

"Bat kaba nag lalasing ha?"

"N-nothing."

"Anong nothing eh hindi ka naman nagiinom."

"Alice... Are you sure na walang nangyare kagabi?" Tanong ko ulit, iniiba niya yung usapan eh.

"Yes. I'm so sure." Sabi nito at kumain na ulit.

"Wohh! Akala ko magkakasala na ako kay Sheila. But thank God, hindi." Sabi ko at kumain na. Kinabahan ako dun ah.

Napatigil naman sa pagkain si Alice at tumayo.

"T-teka lang, tapos kana?" Tanong ko dito. Ang bilis niya naman ata.

Tumango lang siya bilang sagot.

"Bilisan mo na din dyan, paparating na sila dad."

"Ha? Anong meron?" Takang tanong ko.

"Ngayon ang lipad papuntang hawaii. Anyare sayo? Nung isang araw ka pa lutang ah."

"Wala. Tsaka di pa ako nakapag pack."

"It's okay, na pack ko na lahat ng kailangan mo." Sabi nito at umalis na.

She's so wife material. Swerte talaga ng mapapangasawa nito in the future.

The Arranged Marriage (Guontiveros)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon