AlviraGumalaw si Aela sa tabi ko kaya agad kong hinaplos ang buhok niya, naramdaman ko rin ang sobrang higpit niyang pag yakap sakin, ang init pa ng katawan at sobrang lakas—sobrang lakas?! Agad akong napamulat at muntik na akong mapasigaw nang makitang si Sammie na pala ang nakayakap sakin.
Luminga-linga ako sa paligid at kita ko si Aela na nasa baba na ng kama, kinukusot ang mga mata niya. Nang makitang nakatingin ako sa kanya ay agad siyang ngumiti ng napakatamis.
"Good morning, mommy!" nakangiting bati niya sakin, ngumiti lang ako sa kanya ng mabilis at agad na binalingan ulit si Sammie na sobrang higpit ng yakap sakin. Ang himbing pa ng tulog niya. Sinubukan kong alising ang braso niya sa tiyan at baywang ko pero mas lalo lang niyang hinigpitan iyon.
"Sammie!" sinubukan ko ulit na tanggalin ang kamay niya pero nagulat lang ako nang akmang ipapasok na niya iyon sa damit ko. Bago niya pa tuluyang magawa ay sinipa ko na siya dahilan para mahulog siya sa kama.
"Ouch! What was that for?!" iritang tanong niya. Gulong gulo ang buhok niya. Agad akong bumangon at sinusundan niya lang ako ng tingin.
Naalala ko tuloy ang nangyari kagabi—may nangyari ba?! Oo meron! Putangina.
Napahilamos nalang ako ng palad sa mukha. Muli kong tinignan si Sammie nakaupo parin siya sa sahig. Nakatingala lang sakin. Kitang-kita ko kung paano napawi ang irita sa mukha niya. Nang mapansin kong nag iba na nga ang paraan ng pag tingin niya sakin ay agad ko siyang binato ng unan.
"Fuck!" reklamo niya. "Ano bang problema mo?" dagdag niya pa. Dahan-dahan siyang tumayo at nakangiwing inayos ang magulo niyang buhok.
"Naiinis ako sa tingin na yan." inis na sabi ko. Umirap lang siya sakin. "Yeah, good morning to you too." sarkastikong sabi niya. Hindi ko na siya pinansin. Lumapit nalang ako kay Aela at nag lakad na kami palabas ng kwarto.
"Babe, ako na mag luluto." biglang sabi ni Sammie. Nang makitang nag tungo na agad siya sa kusina ay hindi na ako pumalag. Ayaw ko siyang makausap kaya hindi na ako makikipag talo.
Kumuha nalang muna ako ng gatas para kay Aela. Naupo ako sa sofa, nag dadalawang isip pa ako nang meron akong maalala. Umupo naman si Aela sa tabi ko kaya binuksan ko nalang ang TV. Hindi ko na mapigilang sulyapan si Sammie. Mahinhin niyang sinusuot ang apron. Nang mapansin niyang nakatingin ako ay sumulyap siya sakin kaya agad akong nag iwas.
Ilang minuto lang kaming nakaupo ni Aela sa sofa nang biglang tumunog ang phone ko. Tinignan ko iyon at kita kong si Eric ang tumatawag. Bago ko pa iyon masagot ay biglang may tumikhim sa kusina. Kunot noo kong nilingon si Sammie, seryoso lang siyang nakatingin sa akin habang hinihiwa ang kung ano mang niluluto niya.
Hindi ko nalang iyon sinagot at binaba nalang sa sofa ang phone. Nakakatakot kasi ang tingin ni Sammie. Tahimik akong nakikinood nalang ng barbie sa TV.
"Babe." tawag niya sakin. Hindi ako lumingon. Naiinis ako tuwing tinatawag niya ako ng ganyan.
"Babe..." tawag niya ulit. Sumulyap ako sa kanya at kita kong seryoso parin ang mukha niya. "Ano?"
"Where the hell did you even meet that Eric?" iritang tanong niya. Napaayos naman ako ng upo. Bakit niya pa ba tinatanong yan? Ayaw ko sanang sagutin pero hindi niya talaga tinutuloy ang ginagawa niya, nag hihintay lang sa sagot ko.
"Pinakilala ni Yiren." agad na sagot ko nalang. Kitang-kita ko pa kung paano nalukot nag mukha niya. Parang di makapaniwala.
"What?! And here I thought matagal na kayong magkakilala... bwisit talaga ang Yiren na 'yon." irita siyang nagpatuloy sa pag hiwa. Hindi na rin naman ako umimik.
"Do you like him?" tanong niya nanaman. Napabaling ako ulit sa kanya, hindi siya nakatingin sakin. Nakayuko lang habang may ginagawa. Napaisip naman ako. Gusto ko ba si Eric? Anong klaseng gusto ba? Mabait naman siya kaya hindi siya mahirap gustuhin pero mahal ko ba? Hindi.
"Hindi naman mahirap gustuhin si Eric." sagot ko nalang. Huminto nanaman siya sa ginagawa at seryoso akong tinignan.
"Mahirap ba akong gustuhin?" nanlaki naman ang mga mata ko sa sunod na tanong niya. Kung alam niya lang na gustong gusto ko siya nong mga bata pa kami, baka mabaliw na siya. Pero syempre, hindi ko iyon sasabihin sa kanya.
"Answer me, babe..." sabi niya ulit dahil hindi ako agad sumagot. Umiwas ako ng tingin at dahan-dahang umiling.
"Hindi." hindi naman kasi siya mahirap gustuhin, pero masakit nga lang.
"Then, pwede bang ako nalang gustuhin mo?" mas lalo lang akong nagulat sa sinabi niya. Hinihintay kong tumawa siya at sabihing nag jojoke lang siya... pero ilang segundo na ang lumipas at seryoso parin siyang nakatingin sakin.
"Sammie, baka nakakalimutan mong si Alvira ako. Yong friend mo... babae ako oh, di ka ba nandidiri sakin?" pang aasar ko pa. Kita kong huminga siya ng malalim at nairap nanaman sa hangin. Walang gana siyang nag patuloy sa pag luluto.
"Too bad you didn't ask me that last night, my answer would've been way more fun." rinig kong sabi niya pa. Napaawang naman ang labi ko. Nakatalikod na siya sakin kaya buti nalang hindi niya nakita ang reaksyon ko.
"Mommy, when are we going back to my unicorn room?" nakangusong tanong ni Aela sa akin.
"Later, baby!" masayang singit naman ni Sammie. Masama ko siyang tinignan, lalo na nang makitang natuwa nanaman si Aela dahil sa narinig. Ayaw ko na sanang doon nanaman kami matutulog. Akala ko nga nakalimutan na ni Aela ang tungkol sa kwarto na iyon.
"Sammie, dito lang kami." pag mamatigas ko.
"Kumain na tayo." sabi niya lang. Nag lakad na rin siya palapit sa amin at agad na binuhat si Aela.
Habang kumakain ay pasulyap sulyap lang ako sa dalawang nasa harap ko. Pinapakain ni Sammie si Aela habang kandong-kandong ito. Nag hahagikhikan pa sila na hindi ko alam ang dahilan. Hindi na rin naman nag tagal at natapos lang kami agad.
Gaya ng sabi ni Sammie, pupunta nga kami sa kanila. Masyado rawng maliit ang apartment kahit hindi naman, sinasabi niya pa na naiwan naman daw doon halos lahat ng gamit ni Aela. Pagod na akong makipag talo sa kanya kaya nag bihis nalang kaming dalawa ni Aela.
"Mommy, mommy, are we going to my unicorn room again?" nakangiting nag angat ng tingin sa akin. Palabas na kami ng apartment. Nakasunod lang din si Sammie.
"Yes, Aela."
"I'm so excited! I miss my unicorn friends!" nakangusong sabi niya. Nag lakad lang kami sa hallway. Kita ko pang hinawakan din ni Sammie ang kabilang kamay ni Aela. Ngumisi pa siya sakin na agad ko namang inirapan.
"Vira." pariho kaming napalingon ni Sammie sa likuran nang biglang may tumawag sakin. Sa boses palang ay alam ko nang si Eric iyon. Nakangisi siyang nakatingin sa akin pero nang bumaling ang mga mata niya kay Sammie ay unti-unti itong napawi.
"Where were you yesterday? Nag punta ako sa apartment mo pero walang tao." sabi niya sakin nang makalapit na siya. Bago pa ako makapag sagot ay bigla nang nag salita si Sammie.
"She was with me, where else would she be? Why do you keep showing up at her apartment like you're some kind of housekeeper?" iritang tanong nito. Gulat ko siyang nilingon. Nakahalukipkip siya at ang taray pa ng mukha.
"Sammie." sita ko sa kanya. Umirap lang siya sakin at agad na binuhat si Aela. Napabuntong hininga nalang ako nang mag lakad na siya paalis.

BINABASA MO ANG
A Feeling I Couldn't Resist (Vexed Men Series #5)
RomanceLyssam "Sammie" Sandoval, a gay man, never imagined that a single night with his friend, Alvira Silvas, would change everything. Habang nilalabanan ang kalituhan sa kanyang kasarian, nahihirapan siyang harapin ang sitwasyon kaya naman iniwan siya n...